Nagsimula kaming naglakad. Dahan dahan lang dahil baka matapilok ako, hindi dahil sa soot kong heels, kundi dahil sa soot kong gown dahil abot ito hanggang lupa. Kaagad ko pa itong hawakan upang e angat para iwas disgrasya. Sinalubong kaagad kami ng dalawang lalake na nagbabantay sa intrance. Binigay ni lolo ang invitation bago kami pinapasok. Pareho itong tumango sa akin at sinuklian ko na lamang ito na pilit na ngiti. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko habang palapit kami ng palapit. Hinawakan ko ng mabuti ang braso ni lolo dahilan para mapalingon ito sa akin. He smiled! "Relax apo.." hindi ko alam kong pagsisihan ko bang sumama dito o hindi. Gising na naman si dwayne pero alam kong hindi pa ito pwedeng mag trabaho dahil kakagising lang ito sa isang mahabang tulog. Pumasok kaagad ka