Kumunot ang noo ko! "Ahm....nevermind." ngising bawi nito sa akin at bahagyang kinamot ang batok. Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa sinabe niya. Paano niya masasabing married ako sa kapatid ko. Seriously? Don natapos ang pag uusap namin. May ngiti sa mga labe ko bago kami humiwalay. Nagpaalam pa ito kay dwayne at mom bago lumabas ng silid. Ilang oras pa ang lumipas na nag stay ako sa hospital bago ako umalis. Nagpaalam ako kay dwayne bago ito natulog. Ganun din ang ginawa ko kay mommy. Nadatnan ko kaagad ang anak kong nasa sala habang merong pinapanood sa tablet nito. Bakit hindi pa ito natutulog? Gabe na ng nakauwi ako kaya nagulat ako ng gising pa ang anak ko. Tumingala ito ng maramdaman niya ang presensiya ko. Kaagad sumilay ang ngiti sa labe nito at halos murahin ko ang sa