"C-congrats.."
I whispered.
Pumikit ako ng mariin upang pakalmahin ang puso kong kumikirot. Alam ko naman na dadating ang araw na ito na maging sila pero hindi pa ako handa.
"Aww thank you.." malambing na sagot sa akin ni Amara bago ito lumingon sa boyfriend niya, ang lalaking minahal ko sa matagal na panahon.
Nagtama ang mata nila at sabay sabay na ngumiti sa isat isa. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko saka ako umiwas dahil sa sikip ng dibdib ko habang pinapanood sila.
Yumuko ako dahil ramdam kong kunting kalabit nalang tutulo na luha ko.
Huminga ako ng malalim at ginawa ko na ang lahat upang pigilan ang nagbabadyang mga luha.
KAIRUS DHAN ALVARES
Ang lalaking minahal ko sa matagal na panahon. Akala ko crush lang eh pero hindi ko akalain na mas lumalala pala. Ayoko sa nararamdaman ko kase alam kong hindi kami pwede. Ayoko sa nararamdaman ko kase alam ko na ako lang mag isa ang nakakaramdam nito.
Kilala ang mga Alvarez dahil sa bansang ito dahil isa ang alvarez sa mayaman sa bansang ito.
Kairus is handsome,.almost perfect, siya yong lalaking pinapangarap ng lahat. Ang swerte ng kaibigan ko. Ang swerte swerte mo besh, mahal ka ng mahal ko.
Bumuntong hininga ako ng malakas.
"Are you okay?." Bumalik lang ako sa ulirat ng biglang nagsalita si amara. Tumingin ako dito saka ako ngumiti ng matamis.
Tumango ako "Oo naman, masaya ako para sayo.." nakangiting sabe ko habang hawak ang kamay nito. Sinuklian niya naman ako ng ngiti bago lumingon kay kairus na palapit na sa amin.
Suminghap ako saka umayos ng tayo.
"Ah besh mauuna na ako, nakalimutan kong meron pa pala akong kukunin sa locker." pilit na ngiting sabe ko bago ako tumakbo at hindi na hinintay ang sagot niya. Nag uunahang umagos ang luha ko ng tuluyan na akong nakatalikod sa kanilang dalawa.
"Ohh where is she going babe?." Rinig kong tanong ni kairus kay amara.
Pumikit ako ng mariin at mas lalong umagos ang luha ko. Paano ba kita mawala sa sistema ko? Paano ba kita makalimutan? Fvck, ang hirap naman nito, bakit kase sayo pa ako nagkagusto. Ang lupit mo naman tadhana.
Ang daya daya mo? Bakit sa isang tao pa ako nagkagusto na alam ko na hindi maging akin? Bakit sa kaniya pa na meron ng may nag mamay ari.
Nanlalabo ang paningin ko habang tumakbo ako palayo sa kanila. Hindi ko na narinig ang sagot ni Amara dahil nakalayo na ako.
Dumiretso ako sa ladies room. Pumasok ako sa isang cubicle at doon umiyak. Nilabas ko doon ang lahat ng hinanakit ko. Wala na akong pakealam basta ang gusto ko lang mabawasan ang sakit sa puso ko.
SH1T!
STELLA POV
AMARA LORAINE VELASQUEZ
Amara is my bestfriend simula nong tumungtung kami ni mama sa mansyon nila. Since I was 16 years old. Matagal na kaming magkasama, halos hindi na kami magkahiwalay. She's my best buddies.
Isang mayordoma si mama sa pamilya Velasquez kaya naging malapit kami ni Amara sa isat isa. Halos buong araw kaming magkasama. Amara is almost perfect, maganda, mabait at mayaman kaya hindi na ako magtataka kong bakit mahal ito ni Kairus.
They look good together. Sad to say but true.
Nakilala ko si Kairus dahil kay amara na pinakilala ito sa akin simula nong naging magkaibigan kami. Yes I am inlove with Kairus since when I was 16 years old. Nong una akala ko krass lang pero nagkalami ako, mas lumala ang nararamdaman ko.
Sa tuwing nakikita ko itong ngumiti, tumatawa at pagiging mabait, maalaga at maalalahanin nito ay mas lalo akong nahuhulog.
No one know about my feelings toward him. Tinago ko ang naramdaman ko simula nong 16 years old ako at hanggang ngayon wala paring nakakaalam tungkol sa nararamdaman ko para kay Kairus.
I know from the start na gusto na talaga ni Kairus si Amara, niligawan niya ito ng anim na taon. Imagine ang tagal nanligaw, naghintay siya sa kaibigan ko.
Masakit.
Pero wala akong magawa. Talo na ako eh. Hindi pa nag uumpisa ang laman, alam ko na agad na talo na ako. Sinubukan kong umamin pero hindi ko magawa dahil nauunahan ako ng takot ko.
Lahat ng sakit tiniis ko. Lahat ng kirot tiniis ko. Lahat ng bigat sa dibdib ko tiniis ko. Ngayong sila na ay hindi ko na alam kong anong gagawin ko basta ang gusto ko lang makawala sa nararamdaman ko.
Wala sa sariling lumabas ako ng ladies room ng tuluyan ng maayos ang mukha ko galing sa pag iyak. Medjo nabawasan ang bigat sa dibdib ko kahit papaano at ikinahinga ko yon ng maluwag.
Pumasok kaagad ako sa classroom pero napahinto din ako ng unang tumama ang mata ko sa kaibigan ko at Kairus na naghalikan sa dulo. Lumunok ako ng maramdaman ko naman ang kirot sa puso ko. Umiwas ako ng tingin bago ako dumiretso sa upuan ko.
"Stella?.." napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang boses ni Amara. Lilingon na sana ako ngunit huli na dahil nasa harapan ko na ito.
Tumingala ako upang tingnan ito.
"Where have you been?." Tanong nito bago umupo sa tabi ko.
"Sa baba lang.".maikling sagot ko. Huminga ako ng malalim at ipagpasalamat na maayos na ang mukha ko na at hindi na masyadong kita ang mugto dahil sa pag iyak.
"Saka nga pala, pinapunta ka ni Mommy sa bahay para sa dinner later, punta ka please.." biglang sabe nito dahilan para mapatingin ako dito.
She's beautiful, napaka amo ng mukha. Parang isang anghel na bumaba sa langit. Maganda naman ako pero alam kong mas lamang sa akin si Amara dahil sa pagiging mayaman nito.
Lumipad kaagad ang paningin ko sa isang taong umupo sa tabi ni Amara. Lihim akong napalunok at napasinghap ng makita kong si Kairus ito na kaagad tiningnan ang kasintahan na para bang si amara lang nakikita nito.
Ngumiti ako ng mapait.
"Please punta kana, ipakilala ko rin si Kairus hindi isang manliligaw kundi isang kasintahan na, please besh punta kana." Malambing na sabe nito ngunit hindi ako nakatingin sa kaniya dahil lumipad ang mata ko sa kamay ni Kairus na ginagapang ang kamay ni Amara hanggang sa magka holding hands na sila.
FVCK!
Umiwas ako at humigpit ang hawak ko sa bag ko. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko.
"Besh please?" Tumango ako ng dahan dahan bago ako bumuga ng isang malakas na buntong hininga.
Napangiti si Amara sa sagot niya bago ito humarap sa kasintahan. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makita.
Bakit ko ba ito naramdaman? Selos na selos na ako pero ang saklap kase wala kang magagawa kundi ang ilihim ang nararamdaman mo.
Tumingala ako upang pigilan ang luhang gustong kumawala. Huminga ako ng malalim bago ako lumingon sa kanila at sakto non ay nagtagpo ang mata namin ni Kairus.
Natigilan ako ng ngumiti ito sa akin. Mas lalong nadurog ang puso ko ng makita ko sa mata niya kong gaano ito kasaya. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko. Dapat akong maging masaya para sa kanila diba? Dapat ko silang supurtahan. Kitang kita ko kong gaano kasaya ang lalaking mahal ko na alam kong hindi niya ito maramdamam para sa akin.
"W-wag mong sasaktan ang kaibigan ko ah." Biglang sabe ko habang pinipigilan ang luha. Sabay silang napatingin sa akin na parehong nakangiti.
Tumango si Kairus
"Of course, I won't hurt her, I love your bestfriend so much so you don't have to worry." Malambing na sagot niya bago hinalikan ng mabilis ang kamay ni Amara.
"I love you too." Biglang sagot ni Amara bago ito lumingon sa akin.
"Don't worry Besh, hindi ako sasaktan nito" hindi na ako makapagsalita dahil nawalan na ako ng sasabihin. Tumango nalang ako saka pilit na ngumiti.
Tama na Stella!
Huminga ulit ako ng malalim bago ako tumingin sa bintana. Gustong gustong kumawala ang mga luha sa mga mata ko pero pigilan ko hanggang sa makaya ko.
Ano ba dapat kong gawin para mawala ang naramdaman kong ito? Gulong gulo na ako. Gustong gusto ko ng mawala ang naramdaman ko kase ang sakit sakit na.