STELLA POV.
"Class dismiss!"
Anunsiyo ng guro namin. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko habang nakatingin lamang notebook ko. Nagfocus ako sa pakikinig ng proffesor kahit na distruction ako dahil sa presensiya ni Amara Ni kairus sa tabi ko na walang ibang ginagawa kundi ang mag bulungan at maghagikgikan.
Durog na durog na ang puso ko pero hindi ko pinansin. Pinigilan ko lang ang sarili ko upang hindi sila tingnan kahit gustong gusto kong makita ang mukha ni Kairus.
"Stell?." Napag igdad ako sa kinaupuan ko ng marinig ko ang pangalan ko kay Kairus. Nanindig ang balahibo. Pakiramdam ko ang ganda ng pangalan ko kapag siya ang bumanggit.
Lumingon ako dito. Tiningnan ko siya na nagtatanong.
"Magkikita nalang tayo sa library." Si kairus
"H-huh?" Tanging nasabe ko.
"Let's about our requirments." Sagot nito na naka kunot noo. Napa upo ako ng maayos ng napagtanto ko kong anong ibig sabihin niya.
Oo nga pala bago umalis si Miss Farah ay nag iwan ito ng requirements by pair at hindi ko alam kong magiging masaya ba ako o matakot dahil si Kairus ang partner ko.
Tumango lang ako at iniwas na ang paningin ng makita kong inalalayan na nito si Amara.
Nagsimula na rin akong nag ayos ng gamit ko habang nakatalikod sa kanila. Ayokong makita kong anong ginagawa nila.
"Besh magkikita nalang tayo later sa bahay, babye mauuna na kami" lumingon ako sa kaibigan ko bago ako ngumiti. Nakipag halikan ako sa pisngi at pagkatapos ay bumaling ito kay Kairus bago sila lumabas ng room habang magkahawak kamay.
Sinunda ko ito ng tingin at kahit wala na sila sa pintuan ay nanatili ang paningin ko doon. Napahawak ako sa dibdib ko ng kumirot ito ng bahagya. Ngumiti ako ng pilit bago ko kinuha ang bag ko bago ako lumabas.
Tatlong linggo nalang graduate na ako.
I smiled.
Sa ngayon wala pa akong plano sa buhay ko dahil hindi ko makita ang sarili ko kong anong gusto kong maging. Sa ngayon tatapusin ko muna ang pag aaral.
My mother si dead dahil sa sakit nito sa puso. Inatake ito sa puso kaya ulila na akong lubos. Ako lang ang bumubuhay sa sarili ko pero nagpapasalamat parin ako dahil andiyan sina Maam at Sir Velasquez, ang magulang ni Amara.
Hindi ko kilala ang papa ko. Kahit pangalan ay hindi ko alam dahil naman.binanggit ni Mama kong sino at hindi na rin ako nagtanong dahil wala na naman.eh.
Bumaba ako ng hagdan bago ako dumiretso sa library kong saan ang usapan namin ni Kairus upang pag usapan ang huling project ni binigay ni Miss Farah.
Ang lupit naman ng tadhana, iiwasan ko na eh para sana hindi na lumala ang naramdaman ko pero bakit pilit mo paring linalapit ako sa kaniya.
Mali ang naramdaman ko.
Alam ko dahil sa umpisa palang hindi ko na dapat ito naramdaman sa kasintahan ng kaibigan ko...
Pero...
Hanggat kaya ko ang sakit, hindi dapat nila malaman ang nararamdaman ko. Hanggat kaya ko titiisin ko.
Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa library. Una kong nakita si Mrs. Cruz, ang librarian. Ngumiti ako saka yumuko bilang pag galang.
"Magandang hapon Maam." Magalang na sabe ko. Tumango ito saka ngumiti.
"Ang sipag mo naman!" Ngiti nito. Napangiti rin ako.
"Nagsasawa na po ba kayo sa mukha ko Maam?" Biro kong tanong. Tumawa ito saka umiling.
"Hindi ako magsasawa sa maganda mong mukha hija, nakaka adik nga eh HAHAHAHA " uminit ang pisngi ko sa biglaang pagpuri sa akin. Tumawa ako ng mahina
"Naku Maam, hindi naman po pero maraming salamat po" nakangiti kong sabe ko bago ako humanap ng bakante ng upuan.
Mabait si Mrs. Cruz kaya naging closed kami nito. Araw araw rin kasi akong nandito sa library upang mag aral dahil gusto ko talagang makapag tapos.
Umupo ako sa upuan pagkatapos kong nilapag ang bag ko pero napatalon ako sa gulat ng makita ko kaagad si Kairus sa harapan ko na naka upo na rin.
Napamaang ako at hindi makapagsalita. Bakit hindi ko napansin na nakasunod pala ito sa akin? Uminit ang pisngi ko bago ako tumikhim.
"Si Amara?." Tanong ko. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko na parang hinahabol ng aso. Huminga ako ng malalim at palihim na kumalma.
"Naka uwi na so lets start dahil meron pa akong dinner." Marahang sabe nito. Umayos ako ng upo kahit na hindi ako mapakali. Ganito ang epekto sa akin ng isang Kairus.
Tumango ako saka kinagat ang pang ibabang labe bago ko nilabas ang notebook ko. Tumikhim muna ako upang pakalmahin ang sarili ako bago ako nagsimula.
Kalahating oras kaming nag usap tungkol sa requirements namin hanggang sa napag desisyonan naming tapusin na dahil meron pa kaming dinner mamaya. Inayos ko ang gamit ko bago ako lumingon kay Kairus na nakatingin sa phone habang nakangiti.
Siguro kausap nito si Amara.
Bumuntong hininga ako bago ko inisip na paano kaya kong hindi ko mahal si Kairus, baka kiligin pa ako sa kanila ng bestfriend ko pero hindi eh, kirot ang naramdaman ko sa ngayon.
Ang lalaking mahal mo na makitang masaya ito sa iba is the worst feelings ever. Masakit makita ang lalaking mahal mo na ngumingiti at tumatawa na hindi ikaw ang dahilan.
"Let's go?." Napatalon na naman ako sa gulat ng magsalita ito. Kumunot ang noo ni Kairus habang mariing nakatingin sa akin.
"Bakit ka laging nagugulat kapag kinakausap kita? are you okay? Did I something wrong?." Nag aalalang tanong niya sa akin. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
Umiling kaagad ako saka ngumiti.
"Kase bigla bigla ka nalang nagsasalita." Ngising sabe ko upang takpan ang naghuhumenrado kong puso. Ngumuso ito dahil para palihim akong mapamura sa isip ko.
Nagkibit balikat ako ito bago inabot ang kamay ko.
"Let's go, ilang oras nalang malilate na tayo sa dinner, gusto kong maaga doon because I wanna see my girl right now."
"Teka?"
Pigil ko sa kaniya ng tuluyan na kaming nakalabas ng library, hawak niya parin ang kamay ko at ang sarap sa pakiramdam na yon. Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa.
Lumingon sa akin si Kairus at tiningnan niya ako na nagtatanong pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.
"Ang sabe sa akin ni Amara, isasama na kita kapag pupunta akong sa kanila kase alam niya na matatagalan tayo." Seryosong sabe nito.
Bumagsak ang balikat ko ng akala ko gusto niya lang akong isama pero utos pala yon ni Amara. Huminga ako ng malalim bago ako tumango.
I smiled.
Dahan dahan kong binawi ang kamay ko na hawak niya at nilipat yon sa backpack ko. Don ako kumuha ng lakas.
"W-wag na, dadaan pa ako sa apartment ko." Ngiting sabe ko. Bumuntong hininga naman si Kairus at umiling.
"Mag hihintay ako,come on let's go" kinuha niya ulit ang kamay ko at wala akong nagawa kundi ang kumagat sa pang ibabang labe upang pigilan ang sarili ko.
Nagsimula kaming maglakad sa gitna ng field. Nasa unahan lang ang mga mata ko nakatingin. Ang bilis ng t***k ng puso ko kaya ang ginawa ko ay kunwaring tumingin sa paligid
Kunti nalang ang mga tao dahil siguro abala rin sila sa parating na exam. Pasimple akong tumingin kay Kairus na nanatili ang paningin sa phone. Umiwas ako ng narating na namin ang parking lot.
"Get in." Marahang sabe nito. Hindi na ako nag salita at pumasok na. Umikot si Kairus sa driver seat bago niya pinahurot.
Simula nong namatay si mama ay bumukod na akong mag isa. Nakatira ako isang apartment na binili ko dahil sa part time job ko sa isang company ng Montero Corp. Tumutulong naman sina tita sa akin pero nakakahiya na sa magulang ni Amara. Ang dami dami na nilang naitulong sa akin.
Napatingin naman ako kay Kairus na seryosong nagmamaneho. Nasa daan.lang ang mga mata nito.
Hindi ko mapigilang hindi matulala habang nakatingin dito. He's freaking handsome, almost perfect. Mayaman, mabait, at mapagmahal. Most of the time.seryoso ang lalaking to pero tumatawa lang at ngumingiti kapag kasama si Amara.
Yon ang napansin ko kapag magkasama kaming tatlo. Imagine anim na taon itong nanligaw sa kaibigan ko pero sa anim na taon na un ay para sila lang din dahil nakikita ko sila minsan naghahalikan. Amg sweet sweet nila sa isat isa. Nagiging showy si Kairus pagdating sa kaibigan ko.
"There u are, stop stairing, hindi ako makapag concentrate sa daan kapag merong nakatingin sa akin ng ganito kalapitan." Napa ayos ako ng upo dahil sa sinabe niya.
Uminit ang pisngi ko bago ako umiwas ng tingin. Nakakahiya
"Sorry"