Natulala ako sa bintana ng kotse habang nakatingin ako sa mga nagtataasang mga gusali. Hindi ko maiwasang hindi magbalik tanaw. Hindi matanggal ang mata ko sa labas ng bintana habang nakatingin sa pamiliar na mga tanawin. Lumunok ako! Hindi maayos ang paghinga ko! Parang merong bukol na naka ukit sa lalamunan ko. Namamasa ang mata ko habang pilit tinatanggap sa sistema kong talagang nasa pilipinas ako. Nasa pilipinas ako! Humugot ako ng isang buntong hininga. Imposible namang makikita ko siya diba? Masyadong abala ang lalaking un sa trabaho niya. Sa tatlong taon na tinaggal ko siya sa isip ko kahit na imposibleng mangyare ngayon ko lang ulit siya naalala ng bumalik ako dito. Kumusta na kaya siya? Masaya ba siya? Is he happy with Amara? Kumakain ba un? Inaalagaan niya ba sarili ni