Nagkamali ako! Dahil nakatanggap ako ng isang balita dahilan para magka undaga akong bumalik sa pilipinas. Hindi ko na naisip pa ang ibang bagay, naging blangko ang utak ko at walang ibang laman ang isip ko kundi ang kapatid ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! "S-si dwayne!.." Nahigit ko ang hininga ko! "He got an accident!." Pakiramdam ko parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Ilang sandali akong hindi nakagalaw habang paulit ulit rumihestro sa utak ko ang sinabe sa akin ni mommy sa kabilang linya habang humihikbi. Ilang ulit ko pa ung pinoproseso at pilit tinatanggap ng sistema ko. Narinig ko ulit ang hagulgul ni mommy dahilan para bumalik ako sa realidad na nasa hospital ngayon ang kapatid ko. Wala na akong sinayang na segundo, kaagad akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto