"Okay ka lang miss?" Nanatiling nakatingin si Rima sa lalaking mas matangkad pa kay Beid. Kayumanggi ang kulay ng balat nito. Mahaba ang buhok na natatakpan ang isang mata nito. Kulay madilim na abo ang kulay ng eyeballs nito, parang asawa niya. Nakalahad ang kamay nito sa kaniya habang ang isang kamay ay nasa bisikleta niya na naitayo na nito. Ilang kurap ang ginawa ni Rima bago abutin ang kamay ng lalaki. "Aww.." mahinang daing niya nang maramdaman ang hapdi sa kaniyang tuhod at kamay. "I'm really sorry..." Muling napabaling si Rima sa lalaki na nasa harapan niya at kaagad na binitawan ang kamay ng lalaki para pagpagan ang kamay at damit. "Nako. Ako dapat ang humingi ng tawad!" Kaagad na yumuko si Rima nang makarecover sa aksidente "Hindi kasi ako nakatingin sa daan..." sum