Chapter 2

1101 Words
MALAKAS na inilapag niya ang kopita ng alak sa mesa. Hinanap ng mata niya ang bartender. "One more tequila, please." Aniya. Ngunit nanatiling nakatayo lamang ito. "But Mam, nakailang shots na po—" She cut his words by raising her hand. "Just get my tequila!" Bahagyang tumaas na ang boses niya. Mukhang nahintakutan naman ang bartender kaya mabilis na tumalima. Mapait na napangiti siya. Pare-parehas lang ang mga lalaki, no doubt of it. Mabait lang kapag may kailangan, ngunit kapag sawa na ito? Huh! They will drop you like a hot potato, like a trash. Ilang sandali pa'y bumalik ulit ito at tahimik na inilagay sa harapan niya ang tequila, walang pangingiming nilagok niya iyon. Hindi na niya mabilang kung nakailang baso na siya. Basta ang alam niya, kailangan niya maglabas ng sama ng loob ngayon din mismo. Dahil kung hindi, baka... sumabog na siya sa sobrang pait at hinanakit na nararamdaman niya. Hindi niya namalayan ang paghagulpos ng mainit na likido mula sa mata niya. Napatingin siya sa dance floor, nasa isang sikat na bar siya ngayon sa Makati. Doon siya dinala ng pagmamaneho niya. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng lugar. Maraming nagkakasiyahan na tila mga walang problema sa mundo. Mariin siyang napalunok. Pakiramdaman niya'y may nakabara sa lalamunan niya. Yumuko siya at pinahid iyon. Hindi, hindi siya talunan! Hinding hindi siya iiyak. She's not a loser. She's a stone. Pero hindi niya kayang lokohin ang sarili, tila may sariling buhay ang luha na patuloy sa pag-agos kahit ano mang pagpigil niya. Muli, naalala niya noong excited siyang umuwi ng Pilipinas dahil naririto ang ex-boyfriend niyang si Tyler. Sa Atlanta talaga siya nakabased dahil sa trabaho niya. She was a former office clerk at Clothing Company back then. Nakilala niya si Tyler dahil modelo ito ng kompanyang pinagtratrabahuhan niya. Tumagal ng tatlong taon ang relasyon nila ng huli at nagbalak pa sila na lumagay sa tahimik. Three years! And because of that incident everything messed up. Tandang tanda niya pa noon, pinauwi ng manager nila si Tyler sa Pilipinas dahil may gaganapin itong clothing event sa Makati. Gaya niya, Pilipino rin ang binata. Matagal na nawala ang kasintahan, almost 3 weeks. Samantalang one week lamang ang event na iyon, ngunit pinagwalang bahala niya iyon. Tumatawag at nagtetext pa rin naman ang katipan. Malapit na ang fourth anniversary nila kaya hindi na siya makapaghintay. Miss na miss na niya ang nobyo. So she did the most convenient thing to do— follow and surprise him. Maybe Tyler was just too busy with his schedules kaya natagalan ito. When she already arrived at Philippines, hindi muna siya nagpakita sa Ama dahil alam niyang kukulitin lang siya nito na huwag nang umalis. She did all her best to avoid her Dad. Dumaretso siya sa Condo unit ni Tyler sa Pasig. Alam naman niya ito dahil ilang beses na rin siyang nakapunta sa pad nito tuwing umuuwi sila sa Pilipinas. Ito lang ang tanging bahay ng binata bukod sa bahay nito sa probinsya. Kaya naman agad siyang dumaretso roon. Nagpaganda pa siya ng todo at ginawan ito ng cordon bleau -- paborito kasi nito iyon. Nasa pintuan na siya ng makarinig siya nang kakaibang ingay. She may be a naive, ngunit hindi naman siya mangmang para hindi maintindihan kung anong klaseng 'ingay' iyon. Malakas na ang hinala niya, pero tila sadyang impokrita siya at nais pa masaksihan mismo ng dalawa niyang mata kung ano 'bang milagrong nangyayari sa loob ng kuwarto ng kasintahan. She wants to surpise him but things changed, at siya pa ang nasupresa! Bumalik lang siya ng Pilipinas just to find out na niloloko lang siya nito. Pakiramdam niya tila namanhid ang buong sistema at kalamnan niya. Tanging malutong at mag-asawang sampal ang binigay niya sa lalaki. "This slap? It's not enough for you to know what I'm feeling right now! You betrayed me, Tyler. You betrayed me! Ito ang huli kong sasabihin sa'yo, hindi kana makakahanap pa ng babaeng tulad ko, ang seseryosohin at mamahalin ka." And there, she left him hanging. Kung may mali man sakanilang dalawa, si Tyler 'yun at hindi siya. Sinumpa niya sa sarili na hindi na siya muling magpapakatanga para sa isang lalaki. Minsan na siyang nagmahal at hindi niya hahayaang masaktan pa siya muli. Never. Dahil sa insidenteng iyon, nawala na ang prinsipyo niyang Denise as prim and proper. Lubos siyang nasaktan ay hirap siyang iahon ang sarili. Nalamatan na ang tiwala niya at ngayon, naniniwala na siyang walang sinumang lalaki ang seseryosohin siya. Maybe, kung modernang babae rin siya tulad ng kalaguyo niyo, hindi niya mararanasan ang ganitong sakit. She composed and change herself. This time, she'll make sure that no one could hurt her again. Love is a game. It's a play. It's a love game. Kung makikita lamang ni Tyler kung ano ang itsura niya ngayon, sigurado siyang magsisisi ito sa ginawang pag-iwan sakanya. Well no one can blame her, people changed. Nasugatan at nagkaroon na ng lamat ang puso niya. At hindi na niya kayang sumugal muli at magtiwala. Nag-iba na ang pananaw niya sa pag-ibig. She don't want any commitment, no string attached ika nga. Ayaw na niya ng sakit sa ulo. She want to have a normal life. Gusto niya ng freedom – na ngayon niya lang nagawa, since first, she had been a good daughter and loyal girlfriend. Masarap rin pala sa pakiramdam iyong walang pumipigil saiyo. And now, at the age of 27 years old, masasabi niyang ngayon niya lang ito nagawa sa tanang ng buhay niya, ang magsuot ng modernang damit, high heels, bar hopping at mag make-up. Bakit nga ba hindi niya naisip noon na magsuot ng mga in na damit? Ginawa iyon para suotin at hindi para idisplay sa mall. High heels, nasanay siya sa black leather close shoe na required sa opisina, but this time she had to let go and show her nails! And lastly, ang mag-ayos ng sarili. Marami ang nagsasabi na maganda siya at matagal na niyang alam na may ibubuga ang itsura niya, pero noon ay wala siyang pakialam. Dahil kay Tyler lang naman niya gusto maging maganda.  Pero ngayon niya nalaman na kalokohan iyon. Ang likas na mapula pula niyang buhok na laging nakatali at bun style ngayon ay nakalugay na. And her heavy eye glasses? Tinapon na niya iyon. Contact lense na ang gamit niya. Masyado niya na palang itinago ang sarili sa baul this past few years. At ngayon, this is the real Denise. The true Denise Lauren McBride the hot, gorgeous lady at sisiguraduhin niyang walang sinuman ang mananakit sakanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD