Inspired at nalikha po ang kwento kong ito dahil sobrang gandang-ganda ako kay Denise Laurel. Actually, siya ang iniisip kong itsura ng bidang babae rito habang sinusulat ko ito noon. I also love M&B novels, 'yung tipong sexy at classic ang dating. Nabuo rin ang plot kong ito dahil ayaw ko talaga sa mga babaeng hindi palaban at masyadong submissive. Dahil nga pocketbook lover ako, sobrang naninikip dibdib ko sa mga babaeng overly-abused, martyr at masyadong na-take for granted. Gusto ko silang mabigyan ng hustisya and naisip ko na bakit hindi ko gawing the other way around?
Aran - apelyido ng first crush ko.
McBride - Si Melissa McBride. TWD fan here.
Avenue Hotel - Childhood memories, nakatira kami sa 12th Avenue. May Hotel doon na sa harapan eh nagtitinda ng mga hotdog sandwich at malamig na gulaman. Lagi kaming tambay ng bestfriend ko doon bago sumakay sa Jeep (college days).
Ang aking storya ay gawa sa aking imahinasyon. Ang plot, mga susunod na senaryo, mga lines o dialogue ay mula po saakin. Any resemblances to other stories, movie, tv show, telenovelas is purely coincidental.
~
"C'MON, pare. Huwag KJ. Minsanan lang naman ito." Pangungulit ng kaibigan niyang si Keith. Ito ang sekretarya niya. He preferred male secretary than female. Nadala na 'ata siya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang nagtanggal ng sekretarya noon. Akala siguro ng mga ito, 'sexretary' ang hanap niya. Too bad when it comes to business, seryoso siya. Business is just pure business. But, if business is not around, he is wild as teenager.
Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng matino at seryosong relasyon. For him, love doesn't exist. Only idiots believe in love and forever. It's not true and he's the living proof of it. Yeah, he may be a pessimistic person, but it's better to be. Lumaki siya sa isang broken family. Arranged marriage lang kasi ang magulang niya, kailangan ipagmerged ang mga kompanya upang higit na maipagpatibay iyon but never love exist with them. Para bang binubuhay lang ang mga magulang niya ng pera at kapangyarihan. Walang pagmamahalan na dumadaloy sa mga ito.
Kaya noong nasa kolehiyo na siya, pinagsabay niya ang pag-aassistant kay Mr. McBride. Ang matandang tumulong sakanya noong nasa kagipitan siya. The old man treated him like a real son. At gayundin siya rito. Napakalaki ng respeto niya sa huli, dahil ito lamang ang naniwala sa kakayahan niya. Wala kasing tiwala ang Ama niya noon na kaya niyang pamahalaan ang kompanya pagdating ng araw.
Ngunit dahil sa tulong ni Andrew McBride ay natupad niya iyon. Working student siya noong nag kolehiyo siya. Business Management ang kinuha niyang kurso at pinagsasabay niya ang pagtratrabaho rito. Kung wala ito, he's nothing. Mr. McBride helped him a lot. Kung ano ang mga nalalaman nito sa business, ibinahagi nito lahat sakanya.
Kaya kung dumating man ang panahon na may hingiin na pabor sakanya ang matanda, hindi siya magdadalawang isip na tulungan ito. Napalapit na ito sa puso niya. "Hoy, ano pare? Kinakausap kita." Pitik ni Keith sa harapan niya. Napatingin siya rito at nabalik sa realidad.
"Ano nga kamo, 'yun?" Kumamot ito sa ulo. "Grabe, 'yan na ba talaga napapala ng isang pagiging businessman? Makakalimutin? Ang sabi ko, sumama ka na saamin nila Jeff mag bar ngayon." Yaya nito
Napailing na lamang siya. "No thanks, Keith. Next time na lang siguro, pass muna ako. I have something important to do." tanggi niya
Parang babaeng tumaas ang kilay nito at nameywang pa sa harapan niya. "Aba, at ano namang importanteng bagay na 'yan? Para sabihin ko sa'yo, it's already past 10pm. Wala ng office hours."
Natawa siya sa itsura nito at binatukan. Naging close na rin sila ni Keith. 3 years na kasi itong nagtratrabaho bilang sekretarya niya. "Baka nakakalimutan mong boss mo pa rin ako." Kunwa'y galit na aniya
Lumambot ang ekpresyon nito at yumuko. "P-pasensya na boss." Napahalakhak siya at tinapik ito "Oy, hindi ka na mabiro. I'm just joking. We're friends, kaya kahit murahin mo pa ako, okay lang. Pero kasi, hindi kita mapagbibigyan i have something—"
Pinigilan siya nito. "What? Tapos ko na lahat 'yan. Don't worry too much. Kaya nga niyaya ka na namin mag bar para naman marelax tayo sa stress dito sa trabaho." Sabi nito. Napakunot noo siya. "You sure? The presentation, the reports, the—" Tinaas nito ang palad para patigilin siya. "Already done. Ano, sasama ka pa ba?" Tanong nitong nakangisi.
Tumayo siya at inayos ang neck tie. "I guess, wala na akong lusot." Sumusukong sabi niya at sabay nilang nilisan ang gusaling iyon.
THEY already arrived at Amaour De Cile. A famous bar town in the city of Makati. Napatingin siya sarelong pambisig. It's already past 11pm. Madilim na ang lansangan ngunit ang mga taong nabubuhay sa gabi ay gising na gising pa ang mga diwa. Katunayan, nasa labas pa lang sila ng bar ay rinig na rinig na niya ang mga hiyawan at ingay sa loob niyon.
"Dude, tara na!" Yakag sakanya ni Keith nang mapansin na hindi pa siya kumikilos. Nagpaakay na lamang siya rito. Tinungo nila ang isang lamesa sa sulok na nakareserve para sakanila. Dumaan ang waiter at kinuha ang order nila. "Jack Daniels, sakin." Sabi ng binata
Tumingin sakanya ang waiter. "Bruichladdich whiskey saakin." Sabi niya. Lumingon ito kay Jeffrey na sa HR Department nakaassign at kinuha ang order nito. Tinapik siya ni Keith. "Pare, hard liquor tayo ngayon ah. At pa Bruich bruich ka nalang. Magarbo ka yata ngayon?" Natatawang komento nito.
Hindi niya masisisi ito. Bruichladdich is one of the rare and expensive liquor. One bottle of the whiskey is worth $2,600 dollars. Natawa siya. "Nah. I can pay kahit pinakaexpensive liquor pa 'yan." He said as a matter of fact.
"Bahala ka, 'pre. Hard 'yan. Kapag ikaw tumba riyan mamaya, pagtatawanan ka namin ni Jeff." At sabay na naghalakhakan ito. Napailing na lang siya. Ilang beses na siyang nakainom at hindi 'ata siya basta basta na lamang matutumba. Malakas ang alcohol tolerance niya. A real businessman should learn how to drink. It can never changed the fact na sa bawat pagattend ng mga parties ay may salu-salo at inuman. You need to compete with others. That's business.
Ilang sandali pa'y dumating na ang waiter sa table nila. Ibinigay nila ang bayad at dire-diretsong nilagok niya ang maliit na kopita. Gumuhit ang pait at tapang niyon sa lalamunan niya. Nakakailang shots na rin siya at hindi na gaano kalinaw sakanya ang mga pinagkukuwento ng kasama. Hindi nagtagal, may nagsilapitan sakanila na tatlong babae at litaw na litaw ang dibdib sa ikli ng mga suot. Ang isa'y babae ay walang pakundangan na umupo sa kandungan ng sekretarya niya at hinalikan ito sa labi. "Wew! That was hot," ani Jeff.
Tumabi kay Jeff ang isang babae at pasimpleng hinimas ang hita nito. Napailing na lamang siya sa dalawang babae. Tumayo na siya, tutal lasing na ang dalawang kasama. Akmang hahakbang siya nang pigilan siya sa kamay ng isang babae na mahaba ang buhok at mapangakit na tinignan pa siya. "Oh, where are you going lover boy?" Malanding sabi nito na pinadausdos ang daliri sa dibdib niya.
Hindi niya ito pinansin at binawi ang kamay dito. "Ang init naman ng ulo mo, darling. Don't worry, let me help you..." Bago pa siya makapagsalita ng masakit rito tinignan niya ito ng may halong pang-gigigil. "I have no time for this, okay?" Iniwan niya itong nagngingitngit sa inis.
"What happened to the mighty and beast in bed, Jayden Aran?!" Pasigaw nitong aniya
Nagkibit balikat siya at tinuloy ang pagalis. Palabas na sana siya ng bar nang maisip niyang sayang naman ang perang pinang entrance nila kung hindi niya susulitin. Umupo muna siya sa isa sa mga bar stool at humarap sa bartender. Isa sa pinakasosyal na bar ito sa Makati. Pulos mayayaman at mga businessman ang kadalasang pumupunta rito.
"Yes, Sir? Ano'ng order niyo?" Magalang na tanong ng bartender. Umiling siya. "Actually, umorder na ako. Nakalimutan ko lang sa table ko, can you please get it for me?" sabi niya at tinuro ang table nila.
Ngumiti at tumango ang bartender. "Sure, Sir." Tinawag nito ang waiter at inutos iyon. Hindi nagtagal ay nasa harapan na niya ang alak na binili at nagtungga sa shot glass. Agad niyang nilunok iyon na para bang uminom lang ng tubig.
Lumingon siya at tinignan ang dance floor, ang daming mga nagkakasiyahan at sumasayaw. Sa madilim, maingay at pulos nagkakasiyahan na mga tao na iyon ay nahagip nang paningin niya ang isang babae. A woman in black dress. Gumalaw ito kaya mas nakita niya ang buong itsura nito. And damn, she's a goddess! Napakaganda nito at maganda ang kurba ng katawan. Bagay na bagay rito ang likas na mapula pula nitong buhok. Ang makinis at malaporselana nitong kutis. And damn, he just can't sit here forever without doing anything. He want her!
Nakita niyang tipsy na ito at hindi na alam kung ano ang ginagawa. Obviously, the woman is not aware what she's doing! Hindi nito alam kung ilang mga kalalakihan ang pinagnanasaan ang mala-diyosang alindog na katawan nito. Nakita niyang may lalaki na lumitaw mula sa likuran nito at pasimpleng nilagay ang kamay sa bewang ng dalaga. Hindi naman iyon pinansin ng huli. Mukhang ini-enjoy pa iyon ng lalaking 'yun, hindi niya natiis ang sarili na manuod na lamang at natagpuan niya ang sarili na palapit na siya sa kinaroroonan nito.
May lumulukob sakaniya na kakaibang pakiramdam na hindi niya kayang ipaliwanag. Nang malapitan niya ng maigi ang babae ay mas lalo siyang humanga rito. Damn it, napakaganda nito! Beautiful is not enough adjective para purihin ang dalaga. Para itong Anghel na bumaba sa lupa. The woman is oozing with s*x appeal. Nakita niyang mas niyapos pa ito ng lalaki, hindi na siya nakapagpigil kaya walang pagaalinlangang lumapit siya roon at hinatak ang babae mula rito.
Halatang nagulat ang huli at pilif na kumakawala. "What the heck...?" Bulalas ng lalaki. "Back off, dude. She's mine." Namutawi na lamang sa bibig niya
"Walang bastusan pare. Ako ang nauna--"
"I said, back off!" Matigas at may diin sa tono na sabi niya. Nakakakuha na sila ng atensiyon. "Ang yabang ng apog mo ah? Sino ka ba sa tingin mo?" Hamon nito at inayos ang tux na suot
Napangisi siya. Is this dude trying to make him laugh? "Hindi ka matutuwa kapag sinabi ko saiyo kung sino ako," maangas na sabi niya. Inilagay niya sa likuran niya ang babae.
"Aba't... nakakagago ka na ah?" Pikon na sagot nito at bibigyan sana siya ng isang suntok pero naging maagap siya, umiwas at ito ang malutong na sinuntok sa mukha. Natumba ito. Hinawakan niya ang babae nang mariin sa bewang at tinignan muli ang lalaki. "By the way, Jayden Aran here." Iyon lamang at lumabas na sila sa bar na iyon habang hatak hatak ang babae.
Nagiwan iyon ng malakas na pagsinghap sa mga tao. Pagkalabas nila, kumawala sakanya ang babae at inis na tinignan siya. "What's your problem? Bakit nanghihila ka nalang at gumagawa ng gulo? Sino ka ba?!" Galit na sita nito sakanya.
"Hey, im just helping you from that guy. Tsinatsanginan ka na niya." Pagrarason niya. Kumunot ang noo nito, "So? It's my life, Mister." may langkap na iritasyon sa tono nito
"Look, I'm just trying to help--" pinigilan na agad siya niyo. "I don't need your help!" Asik nito sakanya.
He cleared his throat. The woman is stubborn. "So, it's okay kahit bastusin ka na niya. Ganoon ba?" Seryosong tanong niya. Mas kumunot ang noo nito. "I don't see any problem with that--" Pakiramdam niya'y tila umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. Tinignan niya ito ng mabuti. She's the most beautiful woman he had ever seen in his whole life. "I see. Wala palang problema roon." Aniya sa mababa ngunit mapanganib na tono
Tumango ito. "Yes, so maiwan na kita riyan, babalik--" hindi na nya ito pinatapos magsalita. Huh! Tanga siya kung papakawalan pa niya ang babaeng 'to sakanya. Bago pa ito makatalikod ay maagap niyang hinawakan ang braso nito, nabigla naman ang babae kaya napasubsob sa dibdib niya.
Hindi na siya nagaksaya pa ng panahon. "Madali ka lang pala kausap. Kung wala pa lang problema iyon, i think, wala rin itong problema..." Iyon lang at tinahak na niya ang daan patungo sa labi nito at mariin itong hinagkan.