"Mauna na kami," sambit ni inay nang matapos kaming kumain. Hawak-hawak niya ang tiyan niya dahil sa sobrang kabusugan. Tumingin pa siya sa akin at kumindat bago pasimpleng inginuso si Max na kasalukuyang nagbabayad ng bill. Tinaas-taas niya pa ang kilay niya na para bang sinisenyasan ako. Hindi ko na lang siya pinansin. "Ate, okay lang na ma-late ka ng uwi," sabat naman ni Maya at ngumisi sa akin. "Basta, umuwi ka bilang isang Pilipino pride. Itaas mo ang bandera ng mga pinay." "Maya, ha," saway ko sa kanya. "Nahahawa ka na kay inay." "It runs in the blood," sagot niya sa akin. "Are you all busog?" tanong ni Max nang makalapit sa amin. "Me and my younger daughter is busog, but my older daughter is still hungry, hungry por your lab," hirit ni inay saka ngumisi. "'Nay!" saway ko sa