Huminga ako nang malalim at dinama ang lamig ng ihip ng hangin. Pumikit ako at pinakinggan ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ko kay sir. Dalawang araw na magmula nang sabihin ko sa kanya 'yon pero sariwang-sariwa pa rin ang naging reaksiyon niya. "Anak, andiyan ka lang pala!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni inay. "Kanina pa kita hinahanap." "Bakit ho?" tanong ko at pinagmasdan siya. Nakasuot siya ng kulay pulang one piece na swimsuit. Makailang beses ko pa siyang pinigilan at pinagalitan na huwag 'tong suotin, pero wala na kaming nagawa ni Maya nang lumabas siyang suot-suot ito. "Aba, tara doon at ang daming afam. Bakat na bakat ang mga titè. Jusko, ang lalaki! Parang gabraso sa laki. Ang sarap!" nakangi