"Ang ganda mo ngayon, ate, ah?" nakangising sambit ni Maya sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin. "Para kang a-attend ng Grand Magic Ball ng ABS," hirit niya pa sabay bungisngis. "Posing ka nga, picture-an kita." "Tigil-tigilan mo ako, Maya. Anong kailangan mo?" tugon ko sa kanya bago inilabas ang wallet ko. "Magkano?" "Limang daan, ate. Pang-ambag ko sa thesis namin." Tumango ako at binigyan siya ng isang libo. "Oh, ayan. Iyo na ang sukli. Pambili mo ng gusto mo." "Ayon, thank you, ate!" aniya at niyakap ako. "The best ka talaga!" Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Isa rin sa rason kung bakit wala akong reklamo kahit pa mankandakuba-kuba na ako sa trabaho ay ang kapatid ko. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko dati. Kung kaya ko lang din naman na bigyan siya at si inay ng