Kabanata 11: Plus Points

2125 Words

Pansin ko ang pagtingin sa akin ni Sir Sullivan habang hinihintay kong mapuno ang baso, pero hindi ko ipinapahalata sa kanya na naasiwa ako. Umiling ako at huminga nang malalim. Sa tingin ko’y galit talaga siya sa akin at idinadaan niya sa mga utos para makaganti. Simpleng pagkuha lang ng tubig iniaasa niya pa sa akin. Napairap ako sa hangin bago siya hinarap. Nang makalapit ako sa kanya ay ilalapag ko na sana ang baso ng tubig nang bigla siyang tumayo at masagi ito, dahilan para mabuhos ang laman sa damit niya. Napatili ako at mabilis na napalayo sa kanya, hindi dahil sa takot na mapagalitan kundi baka mabasa rin ako. Wala pa naman akong dalang extrang damit. “S-Sir, sorry!” bulalas ko at napatingin sa kanya. Sinalubong niya ang mga mata ko at umiling. “It’s fine. Mali ko naman,” sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD