Pabalik na kami ni Max sa opisina. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa aming dalawa ang biglaang pagsulpot ni sir sa restaurant kung saan kami kumain. Hindi ko mapigilang maisip ang sinabi ni Max na baka sinundan niya kami. Pero bakit? Ganoon ba siya katakot na baka i-take advantage ko ang kaibigan niya? “You should ask him later,” sambit ni Max bago saglit na tumingin sa akin at ngumisi. “Ask him why he popped like a mushroom and vanished like a bubble,” dagdag niya at napailing bago tumawa. “It was so hilarious. I couldn’t stop thinking how funny he looked earlier. It was so refreshing. I didn’t expect him to go out of character.” Nakinig lang ako sa kanya. He looks so happy and entertained. Base sa reaksyon niya, bihira lang kung magkagano’n si sir. So he’s probably really worried