Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang sitwasyon ko ngayon, kaya laking pasasalamat ko nang mag-ring ang telepono. Nagkaroon ako ng pagkakataon na mabilis na tumayo at lumayo sa kanya. “I-Ituloy n’yo na po ang pagkain n’yo, sir,” sambit ko sa kanya bago bumalik sa table ko. Mabuti na lang at busy kami buong araw kaya halos wala kaming kibuan ni sir, unless na lang kung kinakailangan. Iyon nga lang, sobrang sakit ng ulo ko kakaharap sa computer at kakasagot ng mga calls and emails. Pero okay na ‘yon kaysa sumakit ang ulo ko kakaiwas kay sir. Ayoko kasi muna talagang mapalapit sa kanya. I need to get rid of these stúpid feelings of mine. It won’t do me any good. Kung patuloy ko lang paalaguin ang nararamdaman ko sa kanya, hindi lang pu