“Good morning mga beach,” sambit ni inay nang makalabas kami ng hotel. Agad niyang iginala ang mga mata niya sa paligid. “Masasabi mo talagang good ang morning dahil sa mga pandesal at jumbo hotdog sa paligid,” nakangisi niyang sabi habang nasa mga dayuhang lalaki ang mga mata. “Parang gusto ko na lang maging island girl, anak,” sabi niya pa sa akin. “Inay, umagang-umaga, ha,” saway ko sa kanya. “Tara na nga at mag-almusal na lang tayo,” aya ko bago tiningnan si Maya na busy sa pagkuha ng litrato. “Maya, mamaya na ‘yang picture, kain muna tayo,” tawag ko sa kanya. “Nasaan na ang masarap mong kaibigan, anak?” tanong in inay at tumingin sa likuran ko. “Bakit wala pa siya?” Nagkibit-balikat lang ako at akmang aalis na sana pero inilingan niya ako. “Hindi kami kakain ni Maya hangga’t hindi