Parang ayoko pang bumangon, pero wala akong choice. Tapos na ang one week day off ko. Parang isang araw nga lang, eh. Back to reality na naman ako. Back to work and stress, and back to facing my boss again. Napabuga na lang ako ng hangin bago bumangon at bumaba para maligo. Nadatnan ko si inay na nagkakape at nanonood ng balita. “Kailan daw free si Pogimax?” tanong ni inay habang sumisimsim ng kape. “Miss na siya ng mata ko.” “Hindi niya po alam, ‘nay, eh,” sagot ko sa kanya at dumiretso na sa banyo. Personally, ayoko munang i-involve masyado si Max sa pamilya ko. Ibang-iba ang mundo namin. Ayokong may masabi ang mga tao sa paligid niya patungkol sa amin. Okay lang kung ako lang ang makakarinig nang gano’n, pero ibang usapan na kapag kasali ang pamilya ko. Pagkatapos kong maligo at mag-