Laking pasasalamat ko nang pumatak ang alas-dose nang tanghali, meaning makakaalis na ako sa opisina at makakahinga nang isang oras. Kating-kati na akong lumabas dahil kanina pa ako hindi makapakali at makapagtrabaho nang maayos. Pansin ko kasi ang paminsan-minsang tingin sa akin ni Sir Sullivan—oo, sir na, at nang matanim ko sa isipan ko na boss ko siya at hindi lang bilang isang lalaking kumudkod sa pukangkang ko. Iyon na lang ang iisipin ko at nang hindi na ako ma-distract nang lubusan sa trabaho ko. I need my work more than my pride. Pera bago pride. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mapansin kong sumulyap na naman siya sa akin. Hindi ko lang pinapahalata na naasiwa na ako dahil wala rin naman siyang sinasabi. Baka inoobserbahan niya lang ako at tinitingnan kung paano ako magtrabaho