Sandrynne's POV Nang sumilip ako sa pintuan ng kwarto ni Reb ay Nlnakita ko siyang nagsusuot ng medyas. "Alis na 'ko, Reb. Magpahatid ka na lang sa driver natin, maglalakad na lang ako." "Bahala ka sa buhay mo," walang lingon-lingon niyang sagot sa akin. Isinara ko na lang ang pintuan at saka na ako umalis. Simula noong nasubukan kong maglakad ay parang hinanap na 'yon ng katawan ko. Hindi kasi ako nakakapag-exercise kaya siguro parang gumagaan ang pakiramdam ko kapag naglalakad. Sa north gate ng school ako papunta. Doon ako dadaan dahil mas malapit ang building namin do'n kaysa sa main gate. Pero habang naglalakad ako sa sidewalk, naramdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likuran, pero wala akong nakita kahit isang tao o anino. Ang we