Thamara NAGISING ako sa kwartong puro puti ang kulay ng lahat ng dingding. Napabalikwas ako ng bangon at agad napahawak sa tiyan ko nang maalala ang nangyari ko kanina. Ang baby ko! Napalingon ako sa pinto nang marinig kong bumukas 'yon. Nakita ko si Zkat at agad nagtama ang tingin namin. "K-Kamusta ang baby ko?" Nagulat ako nang imbes sagot niya ang marinig ko ay sinugod niya ako ng yakap. Agad kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "Zkat" "The baby is fine," aniya at kumalas siya ng yakap sa 'kin at tiningnan niya ako. "I'm sorry, Thamara. I did not mean that. Hindi ko naisip na pwedeng makasama sa baby mo 'yon." Nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong maayos lang ang baby ko. Ngunit agad kumirot ang puso ko nang marinig kong hin