Thamara KASALUKUYAN akong nagliligpit ng mga damit ko. Nagplano akong pumunta na muna sa condo upang makapaglinis naman dahil baka bumalik na kami roon. Hindi naman madumi ang condo, pero sa tagal na pamamalagi namin dito, sigurado akong may alikabok na roon. "Miss Thamara?" Napatigil ako nang makarinig ako ng katok mula sa pinto at narinig ko ang boses ni Manang Elena. "Tuloy po kayo, Manang," sabi ko habang nagtutupi ng mga damit ko. "Naihanda na po ng driver ang sasakyan niyo po patungong condo, Miss." "Sige po. Susunod na po ako," sagot ko sa kaniya at ibinalik na sa lalagyan ang mga damit na tinupi ko kanina. Tatlong araw matapos no'ng nagkaroon ako ng morning sickness na nagkaroon ng pakialam si Zkat, naging ilag na kami sa isa't-isa, minabuti ko na ring idistansya ang sarili