Kabanata1:My sweet Daisy

1375 Words
C H A R L I E's POV Hindi ako pwedeng matalo sa pustahan namin! Kelangan maimpress ko si Daisy ! Kailangan ako ang manalo ! Nasa loob kami ngayon ng Classroom. Dahil wala namang guro sa ngayon dahil may sakit daw ang teacher namin sa subject ngayon, kaya naisipan naming mag kakaibigan sa room na mag pustahan sa pamamagitan ng arm wrestling or bunong braso. Kung sino ang matalo mag babayad ng 1,000 pesos! Malaki laki din ang pustahan. At dahil bida bida ako, ako ngayon ang nakasalang dito. "Hala kuya Charlie, ampanget na ng mukha mo, muka kang natatae." Mahinhin na wika ni Charlyn. Alam ko namang nang aasar lang siya dahil alam niya ang dahilan kung bakit ko to ginagawa. Ginagawa ko to para pansinin na ako ni Daisy! Kaya dapat ako ang manalo! "Charlie ! Charlie !" Cheer nila. Nasa harapan ko ngayon ang isa sa mga big bullies ng school. Sad to say kaklase ko pa sya. hehe. But kidding aside, muka lang syang bully pero mabait talaga sya. Malaki lang syang tao. Pero mabait naman tong si Frank. Sa tingin ko malabo itong mag patalo eh. Nang hihina na nga tong braso ko samantalang siya petiks lang na nakatingin sa akin habang nakangisi pa. Sininyesan ko sya sa pamamagitan ng pag nguso sa direksyon kung nasaan si Daisy. Kulang nalang ibulalas ko na ang pangalan ni Daisy para lang ma gets niya ang ibig kong sabihin. Alam din naman kasi ni Frank na super crush ko talaga si Daisy kaya halos mag makaawa na ako sa kanya. Pero iba yata ang pag kakaintindi niya. Tumango lang ito at umayus ng pwesto. Wala na akong nagawa. Sa isang iglap lang, sa isang malakas na pwersa, na itumba niya ang braso ko. Nag hiyawan ang mga kaklase namin. Though naka ngiti naman si Daisy pero napahiya padin talaga ako. Nakasubsob ako ngayon sa arm desk ko. Parang ayaw ko pa iangat ang ulo ko dahil sa hiya ko. Natalo ako! huhu. "Sorry na pre, hindi ko naman alam na nag papa impress ka pala kay Daisy, ang pag kakaintindi ko kasi i go ko na eh." Ani Frank na nasa tapat ko. "Ok lang yan kuya, napangiti mo naman si Daisy eh." Ok lang sa kanila, sila kasi yan eh. Hindi naman kasi sila yung napahiya eh! "Gusto mo ba pre ng ice cream ? Mamaya libre nalang kita." Ani Frank. Guilting guilty padin siya sa nang yari. "Ok lang ako pre. Ang mahalaga buhay." "Uy Daisy !" Ani Charlyn. Na kunwari ay tinawag si Daisy. Sa isang iglap lang pag karinig ko ng pangalan ni Daisy ay napaayus ako ng pag kakaupo. "Charot lang." Nakangiting wika ni Charlyn. Paasa ang bwisit ! "Nasa Gym na yata sila no ?" Tanong ni Frank. "Yata. " Sagot ni Charlyn. "Mauna na kayong pumunta don, wala akong gana." Matamlay kong wika. "Arte mo namna kuya, dinaig mo pa bayot sa kaartehan mo." Ani Charlyn sabay batok sa akin. Inangat ko ng bahagya ang ulo ko para sulyapan ang aking mabait na kakambal.Nakita kong tumayo ito at hinila ang malaki at tigasing tao na si Frank papalabas ng classroom., Ako na naman mag isa. Nakaka lungkot. Ang tahimik ng buong silid kapag walang ibang tao. Maliban sa sarili kong nangungulila sa mga ngiti ng napakaganda at iniirog kong si Daisy my loves. Gusto ko na sana sumunod sa Gym kaso wala akong lakas. Pag katapos kong matalo kay Frank kanina sa bunong braso, naisip kong kailangan ko pang mag palakas para protektahan siya. Ewww! Bat parang ang corny ko ngayon? Tumayo ako at inayos ang sarili. I shake my whole body para magising. Nag tungo na din ako sa Gymnasium at doon nga ay naabutan ko sila na nag lalaro ng volleyball. "Hi Charlie, Gusto mo bang sumali?" Bungad na tanong sa akin ng mahalimuyak at mabango kong si Daisy. Ihhhh !!!! Parang gusto ko tuloy maihi dahil sa kilig. Pero syempre pinigilan ko. Ang tunay na lalaki ay may pag pipigil sa sarili. "Ahm, Hindi ako marunong mag laro niyan eh." Alibi ko sa kanya. "Ganon ba ? Gusto mo, turuan muna kita dito sa gilid?" IIhhh !!!! Lalo akong kinikilig! Yakk ! Ano ba to ! Parang hindi naman ako lalaki nito ! Pakiramdam ko namumula na buong mukha ko! Lalaki ako ! Ako dapat ang nag papakilig ! Hindi sila ang mag papakilig sa akin ! But shems ! Hindi ko mapigilan ! "Are you okay ?" Sabay hipo sa noo ko. Shakks ! Parang sasabog ako ! Ang pag dapo palang ng mga palad niya sa noo ko, parang langit na eh ! "Mainit ka ah ? May lagnat ka ba ? Namumula ka din at pinag papawisan." Patuloy padin siya sa pag hipo sa noo ko hanggang umabot na ang kamay niya sa mga leeg ko. Agh ! I can't take it anymore ! Parang anytime mawawalan na ako ng lakas ! "You're not ok. Namumutla ka din. You need to take a rest. Parang hindi ka talaga ok." Inakay niya ako sa gilid at pinaupo. Tinawag niya din ang isa sa mga kaklase namin para tanungin kung meron ba itong gamot. Ang caring niya naman sa akin. Lalo ko tuloy siyang nagugustuhan. Tinitigan ko sya ng maiigi. Ang mga mata niyang parang laging nangungusap, bilugan at laging ,makinang. Haaayyy. Ang cute niyang mukha na parang kinopya sa mga anghel. Ang ganda din ng kanyang mga labi na kulay rosas. Hindi niya na kailangan ng lip balm para pagandahin pa ito. Natural na maganda ito! Walang make up dahil hindi na niya kailngan yun. Yung mga kamay niya din kanina na ang lambot. Argh !!! Nakaka adik ang mga haplos niya. Ang lambot at bango din ng kanyang mahaba at itim na buhok ! Ang perfect niya ! Inabutan niya ako ng isang tabletas na gamot at isang basong tubig. Hindi ko na tinanong kung ano ba yun. Basta kinuha ko nalang din ito at ininom. I trust her naman eh. Agh ! nikikilig ang pempem ko! Charot wala pala ako nun ! Natapos na ang skwela at nakauwi na din kami sa bahay ni Charlyn pero ang ngiti ko mula kanina hanggang ngayon ay andito padin. Pag binabalik balikan ko ang nangyari kanina, hindi ko mapigilan ang ngumiti at humagikhik mag isa. "Kuya, nakakatakot kana. Para kanang baliw diyan pagulong gulong sa sofa. Nasisiraan ka na ba ng bait." Ani Charlyn habang nag scroll sa cellphone nya. Tumigil ako sa pag ii magine ko dahil sa panirang kambal ko na to. "Alam mo? Ang kj mo ! Mind your own business nga! Palibhasa weird ka kaya hindi mo alam ang feelings ko!" "Ano ba yang feelings mo na yan ? " "Kilig. Kilig ang tawag dito !" "Kilig ? Nako ayokong kiligin ng ganyan. Muka kasing tanga lang." Tumayo ito at pumanik sa taas. Sinundan ko naman siya ng masamang tingin. Well, hindi ko naman siya masisisi dahil wala namang tamis ang katawan niyan. Puro ka bitteran ang alam niyan eh. Nag scroll ako sa Imagebook at nag stalk sa pinaka magandang tao sa buong mundo. Ang aking Daisy. Daisy Ferrer Amaro Ang ganda niya talaga. Isa siyang anghel na bumaba mula sa kalangitan para lang ako ay alagaan. Hmmmm . Ang tamis !Napayakap ako sa saarili ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Araw araw ko syang gustong makasama at makita. Kaya nga naiinis ako pag walang pasok eh. Bakit pa kasi naimbento yang walang pasok na yan ? Dapat araw-araw may pasok, para lagi ko syang makasama. Ugh !!! Kakauwi ko palang pero gusto ko na ulit pumasok sa school para makita siya ! Sabihin ko kaya kay papa na bumili siya ng property malapit kanila Daisy para lagi ko siyang nakikita ? Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ideya kong yon. Oo nga no ?! Bat ba ngayon ko lang naisip yun ?! Ang talino ko talaga ! Gwapo na matalino pa ! Tawagan ko na si papa para naman makabili agad siya ng property malapit sa aking iniiirog ! Maligalig kong kinuha ang telepono at tinawagan ang aking mahal na ama. Sana pumayag siya ! Ngayon palang ang saya saya ko na !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD