Kabanata2:Arrange marriage

1421 Words
C H A R L Y N's POV Ilang araw na ding malungkot at walang sigla itong napaka OA kong kuya. Pag tinatanong mo hindi naman sumasagot. Para na nga siyang Zombie eh. Pati si Daisy hindi na din niya pinapansin. Nanligaw na ba sya at na basted? Napasapo ako sa bibig ko.What if ?! Hala ! Baka nga !Kaya siguro ganyan siya dahil nabasted siya ! Kawawa naman pala ang kuya. Engot kasi eh. Mag kakagusto na nga lang kay Daisy pa na alam niya naman na madami siyang kaagaw. Pero hindi ko din naman siya masisi kasi bukod sa maganda na , matalino pa and mabait pa! Full package din naman kasi talaga ! "Char, Naaawa na ako sa kuya mo. Noong nakaraan pa sya ganyan ah." Ani Frank na nag aalala na din sa kalagayan ni kuya. "Hindi ko din alam kung anong nangyari diyan Frank." Sagot ko sa kanya. "Nung nakaraan ang sigla sigla niya lang ah ? Akala ko kaya siya matamlay kasi may sakit lang.Kaso ilang araw na yan ah." Pag aalalang wika ni Frank. Nakaharap lang kami ni Frank kay kuya habang siya naman ay nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi maayos ang pag kakalagay nito ng necktie at gulo gulo ang buhok. Baka nga hindi pa ito nag tooth brush. Hindi naman siya ganyan eh. Lagi nag aayus yun at maayos lagi ang pananamit. Palagi ding mabango yun at naka wax ang mga buhok. Pero ngayon, taliwas sa nakasanayan ko sa kanya. "Frank, nag ka ganyan ka naba ?" Tanong ko sa kanya. "Oo, nung mamatay ang mama." Halata sa boses siya ang biglang pag lungkot. "Sorry Frank, I didn't mean to-" "It's ok Cha, hehe saka matagal na yun siguro mga nasa grade four ako that time?" "Wala namang namatay sa amin eh pero bat ganyan ang kuya." Nag isip muna ng maigi si Frank bago sumagot. "Maybe, yung puso niya namatay ? " Sagot ni Frank. "How?" Inosente kong tanong. To be honest kasi hindi ko naman alam kung pano mamamatay ang puso niya. Possible ba ? Diba pag namatay dapat wala nang buhay yun? Pag lalamayan tapos ililibing na yun diba? "Hmm, hindi as in namatay literally, parang idioms lang ganun namatay pero parang may nawala sa loob niya parang ganun." Pag e-explain niya. "Ha?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Hindi ko naman ma gets. Sinasabi nito eh iba naman ang idioms. Tumayo si Frank at lumapit sa isa sa mga kaklase namin. Nag bubunong braso na naman sila. Bunong braso ? Hindi kaya dahil sa natalo siya ni Frank nung nakaraan kaya sya nag kaka ganyan ngayon? "Charlyn !" Masiglang bati ni Venus sa akin sabay yakap sa likuran. "Ah- hello." Mahinang bati ko. "What happen close open? Kanina ko pa napapansin tulaley ka ah? Anong meron?" Tanong nito sa akin. Sasabihin ko ba sa kanya ang concern ko? Or wag nalang ? "Ano kasi eh-" "May jowa ka na ba ? Nag away ba kayo ? Sinaktan ka ba niya ? Sino ba yan ?" Sunod sunod niyang tanong na hindi ko alam kung san san niya napulot. "Ha? Anong jowa?" Litong tanong ko sa kanya. "Ay bakit? Wala ka bang jowa?" "Wala." Maiksi kong sagot. "Eh bat tulaley ka ?" Napa buntong hininga naman ako. Sabihin ko na nga sa kanya. Ang kulit kulit eh. "Si kuya kase." Pasimula ko. Umupo naman sa tapat ko si Venus. Nakatitig to sa akin at halatang naka focus siya sa sasabihin ko. Nag hihintay kung anong ilalabas ng mga labi ko. "Si kuya, nung nakaraan pa siya matamlay." Malungkot kong wika sa kanya. "Si Charlie ?" Sabay lingon nito sa pwesto ni kuya. "Oo, hindi ko alam kung anong nang yayari sa kanya eh. Naaawa na nga ako Venus." "Sabagay, hindi normal sa kanya yang ganyan eh. More on energetic yan si Charlie tapos maingay. Ang tahimik niya nga ngayon no? " Lalo tuloy akong nalungkot. Ano nga kaya ang problema ni kuya ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Tinapik tapik naman ako ni Venus sa balikat for comfort. ----------------- D A I S Y's POV "What the heck ? Kasal ?! No Way !!" Mariin kong tanggi. Siraulo ba sila ? Ako ? Mag papakasal ? Sa hindi ko naman kilala. Mga tradisyon ng matatanda na to idadamay pa ako! Inis kong sinipa ang nakaharang na palamuti sa pintuan. "Mga siraulo !" Sigaw ko. Padabog akong lumabas ng kwarto ni Lolo. Nasa loob non ang mama at papa. Yun daw ang huling kahilingan ng kapatid ni Lolo bago ito namatay. Dahil nga wala itong ibang pamilya kaya ako ang napag buntungan. "Eh bakit hindi nalang siya mamatay ?!" Wala sa loob kong wika. Pakialam ko sa samahan niya at sa sira ulo niya ding kaibigan ? Jowsko anong taon na ? May ganyan ganyan padin?! Arrange marriage my ass! Hindi ako pumasok ngayon sa school dahil lang dito ? Para makinig sa walang kwentang balita na yan?! "Leche !" Bakit ba kailangan lagi pakialaman ang buhay ko? Ang dami naman niyang apo ?! Yun nalang! "Bwisit!" Sigaw ko. Nakarating na pala ako sa likod ng mansion. Dumire diretso pa ako at natumbok ko na ang garden . Naalala ko noon, ang saya pa dito. Nag karoon dito ng party tapos dito ko unang nakilala si moon. Ang sarap lang isipin. Kamusta na kaya sya ngayon? Nag karoon kasi ng insidente na naging dahilan ng pag alis nila dito ng pamilya niya sa bayan. Simula nung umalis sila nawalan na ako ng mga kalaro. Malungkot akong umupo sa damuhan. Dito kami lagi nag pipiknik nun eh at nag lalaro. Napakuyom ako ng kamao. Kaya ako pumayag na maging isa sa mga galamay ni Lolo sa gang para mahanap ang mga hayop na yun na may gawa kanila Moon. Malamang malalaki nadin sila. At sisiguraduhin ko na pag babayaran nila ang lahat ng araw na hindi ko nakasama si Moon! Balang araw mahahanap ko din sila Moon at sky. Mag kakasama muli kami at mag lalaro. Humiga muna ako sa damuhan, nasa lilim naman ako ng malaking puno. Ang lamig at presko ng simoy ng hangin parang ang sarap ipikit muna ang mga mata para mag pahinga saglit. Gusto ko munang kalimutan ang bwisit ko. Pag naaalala kong gusto akong ipakasal ni Lolo sa kung sino lang nang gagalaiti ako eh. Hanggang sa hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako. Nagising nalang ako ng may kumagat na lamok sa pisngi ko. Uminat init muna ako at napahikab. Anong oras na ba ? Tumingin ako sa wrist watch ko. Pass 5 pm na pala. Tumayo ako at nag pag-pag. Nilinis ko muna ang sarili ko at nag tungo na sa Mansion. "Nasaan sila?" Tanong ko sa isa sa mga naninilbihan sa mansion. "Umalis po sila, may kikitain daw po." Tugon nito. "Ah , ganon ba ?" Dinampot ko ang bag ko na nasa sofa lang. Hindi naman kasi ako nag dadala ng madami eh, saktong isang bihisan lang para may dahilan ako na mag madali at umuwi. Sa totoo kasi niyan ayoko naman mag stay dito sa Mansion. Parang ginagawa nila akong lumpo. Kaya ko namang linisin ang sarili ko pero lalapit pa ang mga katulong para gawin yun sa akin. Nakakairita kaya yun. Pag kakain naman ang dami daming tanong. Hindi nalang ako hayaan na kumuha ng gusto ko kaya nawawalana ako ng gana kumain eh. Masasarap naman sana ang mga pag kain at putahe. Sa mansion na to wala akong kalayaan. Dapat ang mga disiyon na gagawin ko ay sasang ayunan ni lolo. Argh ! Nakakainis yun! "San po kayo pupunta?" Tanong ng isang katulong doon. Napalingon ako sa kanya dahil nang gigigil na nga ako. Pero napansin ko na nasa halos kaidaran ko lang yata sya. "Bago ka lang ba dito?" Tanong ko sa kanya. "Opo." Sagot niya. Ah kaya pala. "Pag may gagawin ako or kung ano man na gagawin ko, Wag mo kong tatanungin at papakialaman. Ayoko ng tinatanong ako ng tinatanong. Gets?" "O-opo, pasensya na po." Nakayuko lang ito habang nakatayo sa gilid ko. Sinukbit ko na ang bag at bago umalis ay tinapik ko sya sa balikat. Nilabas ko ang motor bike ko sa garahe at umalis. "Maam ! Maam ! " Habol ng isang katulong sa akin. Sinulyapan ko lang sya sa kaliwang side mirror ng motorbike ko at binilisan ang harurot. Binusinaan ko ang bantay sa gate at binuksan niya naman iyon. Bahala kayo diyan. Mga sira ulo!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD