GPS SIDE STORY VI: #1

3316 Words
CHAPTER 1 Palabas na siya ng bahay nila para sana makidalo sa pagbibigay pugay sa bagong iluluklok na hari ng kanilang bansa pero naagaw ang pansin niya sa kambal ng bigla itong kumaripas ng takbo papasok ng banyo. Naantala ang paglabas niya dahil doon. Hindi niya mapigilan ang nangunot ang nuo niya habang tinatanggal nakabalabal sa kanya para makita ng maayos ang kalagayan ng kanyang kambal. Nakatingin siya sa pintuan ng banyo na pabalibag nitong naisara. Isang linggo na niyang napapansin sa ganung kalagayan ang kambal niya. Hindi lang siya nagkakaroon ng pagkakataon na kausapin ito at tanungin kung anong nangyayari rito. Sinalubong niya ito ng makita ng palabas ng banyo na ngayon ay pinupunasan ang mukha na halatang katatapos lang maghilamos. "May dapat ba akong malaman, Shantal?" Tanong agad niya sa kambal na nabigla pa ng makita siya. "Kanina ka pa ba nandyan?" Biglang naging mailap ang mga mata nito at tumingin pa sa paligid. "Alaka ko nakaalis ka na?" "Hindi pa. Paalis pa lang sana ako pero mukhang hindi ako makakaalis ng maaga ngayon dahil sa nasaksihan ko." Sagot niya rito at pilit na hinuhuli ang paningin ng kambal. "Bakit hindi ka makatingin ng deretso sa akin? Anong mayroon at palagi ka yatang nagsusuka nitong mga nakaraang araw? May itinatago ka ba na hindi namin dapat malaman?" Ayaw niya itong paghinalaan pero kapag tumama ang hinala niya sa dahilan kung bakit ito naduduwal ay malaking kahihiyan ang sasapitin ng kanilang pamilya. Dahil sa simula pa lamang ay may plano na si Ama na iregalo siya sa bagong Hari para maging asawa nito. At iyan ang isa sa mga nakakapagpahabag sa kalagayan nila. Dahil isa lang silang Omega. Mas maganda nga at babae ang kambal niya. Pero siya... Lalaking Omega siya na mas mababa sa kanyang kambal. "P-patawarin mo ako Ishan." Sa pagbigkas nito ng mga katagang iyon ay tumulo ang mga luha nito at yumakap sa kanya. Sa sinabing iyon ng kanyang kambal ay alam na niya ang ibig nitong ipahiwatig. Masuyong tinapik niya ito sa balikat at masuyong hinaplos sa likuran nito. "Bakit? Bakit ka nagpabaya gayong alam mo na ang plano ni Ama?" Wala namang pagnunumbat sa tuno ng boses niya pero hindi niya iyon mapigilang tanungin sa kambal dahil sa simula pa lang ay alam na nitong may responsibilidad din ito para sa kanilang pamilya. "Patawarin mo ako. Mahal ko siya at hindi ko kayang sundin ang kagustuhan ng Ama. Tulungan mo ako, Ishan. Tulungan mo akong makawala sa plano ng ama sa akin." Pahikbi pa nitong sabi ng kumawala sa yakap sa kanya at tiningala siya nito. Hindi niya alam ang sasabihin dito. Napalunok siya. Malaking pagkakamali ang ginawa nito na talagang ikakapahiya ng kanilang Ama kapag kumalat ang balita sa kalagayan ng kapatid niya. At hindi lamang basta pagkapahiya kundi mabibigyan pa ng sentensya ang buhay ng kanilang ama at kambal dahil sa kapangahasan nitong paglabag sa nasabing alay. "Anong tulong ang maibibigay ko, Shantal?" Tanong niya dito dahil wala siyang alam kung paano ito tutulungan. Maliban na lang kung hihiwalayan nito ang taong mahal nito at ipapalaglag ang bata sa sinapupunan nito. "Dahil isa lang ang alam kong paraan, ang alisin ang bata sa iyong sinapupunan and forget the one you love." Isinatinig niya ang nasa isip niyang magandang sulosyon sa problem nito. "N-no! I can't do that Ishan. Hindi ko hahayaang mawala ang baby ko. At hindi ko kakalimutan ang ang taong mahal ko." Pasigaw na sagot nito at marahas ang ginawang paghakbang palayo sa kanya. Kuyom ang mga kamao nito. "But you don't have any choice, Shantal. At sana bago mo pinasok ang bagay na iyan ay inisip mo ang kahihiyan ng ating pamilya. At posebleng mangyari sa inyong dalawa. Ngayon madadamay din ang batang dinadala mo kapag nalaman ng bagong hari ang kalagayan ng omega'ng iaalay dito." "I know, pero hindi ko pinangarap magpakasal sa hindi ko mahal. Ishan, kahit siya pa ang bagong hari ay hindi ko nanaising magpasakop sa kapangyarihan niya. Dahil pare-pareho lang ang ugali ng mga mahaharlika. Tanging sarili lang nila ang iniisip." "Hindi naman lahat ay ganun Shantal kaya hindi mo sila pwedeng husgahan kung hindi po pa sila lubusang kilala." "But still, I don't like to marry him, Ishan. I won't marry him." Matigas nitong saad na alam niyang hindi mababali ang disesyon nito. "Makasarili ka, Shantal. Dahil sa ginawa mo ipapahiya mo sa buong Syria ang ating ama. Baka buhay pa ng ating Ama ang kapalit ng ginawa mo." "Then do me a favor, Ishan. Do it for me, for sake of your twin. Ikaw ang humarap sa kanya bilang ako. Ikaw ang magpakasal sa kanya kung ayaw mong mapahiya ang ating ama." Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ng kambal. Naisip niya na ganun na lang ba ito kadisperado sa desesyon kaya nito iyon nasabi? "Nag iisip ka ba, Shantal? Alam mong hindi pwede dahil mas malalagay sa kahihiyan ang ama at madadamay pa ang buong pamilya natin. Hindi lang iyon. Dahil mabigat ang kaparusahan oras na nilinlang ang bagong hari." "Then, just let us suffer. Dahil hindi ako papayag na magpakasal sa kanya." Matigas ang paninindigang sabi nito sa kanya at walang lingong likod na iniwan siya. Doon siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hindi niya alam kung ano ba ang magiging reaksyon sa ginawa ng kambal niya. Nalilito ang isip na napatingin na lang sa pintuang nilabasan ng kambal niya. Anong gagawin niya? Hindi din pwedeng malaman ng kanilang ama ang kalagayan ng kapatid niya. Dahil sigurado na sa sinabi niya kanina ditong paraan ay iyon mismo ang ipapagawa ng ama nila sa kambal niya. At hindi naman niya kayang makita ang kambal na mahihirapan. What should I do? Do I need to risk my life for her? Do I need to follow what she said? Do I need to pretend in front of his Majesty? Ilan lamang sa mga katanungan na agad na nabuo sa isipan niya. Halo-halong ang emosyon na naramdaman niya. Pag-aalala para sa kaligtasan ng kambal niya. Hindi siya agad nakakilos sa kinatatayuan niya. Dahil mas binagabag ang kalooban niya sa naging sitwasyon nila dahil sa kapabayaan ng kambal niya. Doon hindi matapos-tapos ang pagpapakawala niya ng buntong hininga. "Long live the King." Sigaw ng mga dumalo sa seremonya para saksihan ang pag-upo ng bagong luklok na hari ng Syria. Hindi na sana siya pupunta dahil sa nalaman sa kapatid niya ay kailangang makita niya ang bagong hari na kung magkakaroon siya ng pagkakataon na makapuslit at makausap ito para sana pakiusapan na palitan na lang ang magiging alay dito ng kanyang ama. "Long live the King! Long live the King." Paulit ulit at hindi nagsasawa na ipagsigawan iyon sa harapan nito. At isa na siya sa mga sumaksi ng pag-upo nito. Ng bagong Hari. Si Haring Zarim Brahman. Habang pinagmamasdan niya ito na nakatayo sa harapan ng Templo at napapaligiran ng mga Epsilon ay malabong makakapuslit nga siya sa paglapit dito. Na dapat sa simula pa lang ay hindi dapat siya nagdamit ng pambabaeng kasuutan na lalong hindi siya makakalapit dito dahil bawal ang mga babaeng lumapit sa ibang lalaki lalo na at ito pa ang Hari. Sa pagmamasid siya ay nadako ang tingin niya mismo sa bagong Hari pero sa pagkakatingin niya dito ay may kung anong bumundol sa dibdib niya dahil biglang kumabog ang puso niya ng malakas. Hindi naman mabilis, hindi din naman mabagal. Kundi normal ang bilis niyon pero dinig na dinig niya ang malakas na pagtibok ng puso niya. Anong nangyayari sa kanya? Bakit siya nakakaramdam ng kakaiba habang nakatingin siya sa Alpha na sinasamba ng lahat. Kinakabahan siya. Hindi lang iyon, mas nakaramdam siya ng kaba ng magawi ang tingin ng Hari sa kanya. Nagkataon lang ba na sa kanya dumako ang paningin nito at nagtagal ng higit isang minuto. Awtomatiko pang napalingon siya sa likuran niya dahil naisip niya na baka may iba lang talagang tinitignan ito pero wala siyang makita. Dahil sa bahaging iyon na kinatatayuan niya ay nag iisa lamang siya. Saka sa layo niya sa mismong templo ay malabong siya ang tinitignan nito. Pero ang tingin na iyon na parang tumatagos sa kanyang buong pagkatao. Nakakapangilabot. Hindi niya napigilan ang paglunok na tila ba may bumara sa kanyang lalamunan. Mas domoble ang kabog ng puso niya. Kaya naman bago siya tuluyang manghina sa tingin na ipinukol nito sa kanya ay nagpasya na siyang umalis doon. Hindi na niya itutuloy ang balak na pagpuslit para kausapin ito. Hindi naman siguro siya makikilala ng Hari kapag napansing umalis na siya dahil balot na balot siya gaya ng nakagawian kasuotan ng taga Syria para sa mga babae kaya panatag siyang hindi siya nito mamumukhaan at hindi mamasamahin ang pag alis niya sa kalagitnaan ng seremonya. Hindi naman siya siguro kawalan sa ilang libong sumamasamba ngayon sa pag-upo nito. Malakas na sinuntok niya ang punching bag na nakasabit sa harapan niya saka iyon hinawakan para tumigil sa paggalaw. Nagpakawala siya ng marahas na paghinga dahil hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina sa pagdalo niya sa kaharian para sa pagluklok sa bagong hari sa trono nito. "Ugh! Fuck." Gigil na muli niyang itinuloy ang pag eensayo ng maalala din ang kapatid. Kung ano ba ang dapat gawin sa kalagayan nito at sa posibleng mangyari sa kanilang lahat. Hindi siya tumigil na sa paraan man lang na iyon ay mawala ang mga nakakapagpabagab sa kanyang isipan. Ilang minuto din siyang nagpatuloy. Tagaktak ang pawis niya ng tumigil siya sa pag eensayo ng marinig niya na nagsalita mula sa likuran niya ang kanyang Ama. Kinuha niya ang puting tuwalya na nakapaibabaw sa maliit na mesa sa gilid. Pinunasan ang mukha at ang mga pawis na malayang naglandas sa buong katawan niya. Nagpakawala na naman siya ng malalim na paghinga. Pinagmasdan siya ng kanyang ama habang inaayos ang sarili palapit dito. "masa' alkhayr, baba."Good evining, ama! Pagbibigay galang niya dito. Tumango ang kanyang ama. "Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Kumilos ka na totoong omega. Hindi mo kailangang palakasin ang katawan mo dahil kung makakahanap ka ng Alpha para sa sarili mo ay siya ang magtatanggol sayo." "Alam ko ama." Tanging sagot niya dito. Kahit na ano kasing ensayo niya ay hindi nagbabago ang pigura ng kanyang katawan pero hindi naman ibig sabihin na kahit isa siyang omega ay hindi na pwedeng malakas ang katawan. Hindi man malaki ang katawan niya ay alam niyang kaya niyang ipagtanggol ang sarili. Nagsanay siya para doon para hindi siya maliitin ng iba. Kung palakasan at tatag lang naman ng katawan ay hindi siya pahuhuli sa bagay na iyon kahit na hindi nagbabago ang pigura ng katawan niya. "Nasaan ang kapatid mo? Napapadalas yata ang pag alis at pag uwi na gabing-gabi na?" Tanong ng kanyang Ama na halata na nasa tuno na mayroon na ding hinala sa nangyayari sa kambal niya. Naasiwa siyang tumingin dito ng deretso na pilit iniiwas ang kanyang paningin. "Nagsabi siya sa akin kanina na lalabas lang sila ng mga kaibigan niya, Ama. At ang akala ko ay nakauwi na siya dahil ng tawagan ko ay sinabing papauwi na siya." Pagsisinungaling niya dito na hindi naman niya dating ginagawa. Ayaw niyang maglihim sa kanilang ama pero sigurado na manganganib ang buhay ng kanyang kambal kapag nalaman ng kanilang ama na buntis nga ito. "Bukas na ang pagbibigay alay sa mahal na hari. At kailangan kong dalhin ang kapatid mo doon para sa pagbibigay natin ng alay para dito." Kinuha ang bottled water saka sumimsim doon at hindi ipinahalata ang naging pag ilap ng mga mata niya at hindi makatingin ng deretso sa ama. "Nakausap ko na siya kanina tungkol diyan, Ama." "Mabuti naman. Sige, maiwan na muna kita. Babalik parin ako sa palasyo para sa paghahanda. Pero babalik ako bukas para kunin ang kapatid mo. Kaya dapat bago ako makabalik, sabihin mo na dapat nakahanda na siya." "Makakaasa ka, Ama. Ako na ang bahala para sa kanya." Iyon na lang ang tanging nasagot niya. "Pero hindi na ako nakakasama sa inyo ama. Narito na lang din kayo ay magpapaalam na ako sa inyo. Gusto ko sanang sumama sa ibang mga Omega na nagsasanay para sanayin pa ang sarili ko sa ibang larangan ng pakikipaglaban." Tinignan siya nito. Hindi agad nagsalita pero kalaunan ay tumango na lamang ito. "Ingatan mo din ang sarili mo sa pag alis mo. Huwag mong hahayaang mamarkahan ka ng isang Alpha na hindi nabibilang sa mataas na posisyon. Tandaan mo, isa ka mang lalaking Omega, anak ka parin ng isang Ministro." Naramdaman niya na hindi sang ayon ang kanyang ama sa pag alis niya. Dahil kasasabi lang nito kanina na hindi niya kailangang magpalakas pero alam din naman ng kanyang ama na hindi siya mapipigilan sa hangarin niya tungkol sa bagay na iyon. "Salamat Ama, makakaasa kayo na hindi ko papabayaan ang sarili ko." Saka niya sinabayan ng pagyuko dito. "Maabutan pa ba kita bukas?" "Sa tingin ko po hindi na, Ama. Kaya ngayon na ako nagpapaalam dahil sa madaling araw ang alis namin." Pagtango na lang ang naging sagot ng kanyang Ama bago ito nagpaalam. Mula sa papalayong imahe ng kanilang Ama ay napabuntong hininga parin siya. Nakapag isip na siya. Iisa na lang ang tanging paraan para maligtas ang pamilya sa kahihiyan. Ang akuin ang responsibilidad na sana ay ang kambal niya ang gagawa. Gusto pa sana niyang ipagpatuloy ang pag eensayo ay nawalan na siya ng gana. Kinuha ang damit at pumanhik na sa kanyang sariling silid. Nagpahupa ng pagod bago naligo. Papalabas na siya sa silid niya matapos maligo ng mabungaran niya ang papasok na si Shantal. Kakabalik lang nito sa kung saan man talaga ito galing. Masama ang naging tingin nito sa kanya. "Huwag mo akong tignan ng ganyan, Shantal." May pagkairitang sita niya sa kambal at nagtuloy sa paglabas at sinalubong ito. "Umuwi kanina dito si Ama at hinahanap ka. Sinabihan ako na dapat kitang ihanda para isama bukas sa palasyo." Pagpapaalala niya dito dahilan para muli siyang tapunan ng masamang tingin. Muli na naman siyang nagpakawala ng buntong hininga. Hindi niya nakikita ang Shantal na laging sweet sa kanya kung pakitunguhan siya. "Alam mong hindi ako pumayag, Ishan." Pasigaw nitong turan. "Oo, alam ko. Kaya nga sinasabihan kita ngayon. Nagpaalam ako kay Ama na aalis bukas. Ikaw? Nakausap mo na ba ang ama ng ipinagbubuntis mo? Dahil bukas, ikaw ang aalis at ako ang sasama kay Ama sa palasyo.” Natigilan man ito ay hindi maitatago ang pagliwanag ng mukha nito na tumingin sa kanya at isang ngiti ang gumuhit sa mga labi. Pagkuway sinalubong siya nito ng yakap at pahikbing isinubsob ang mukha sa leeg niya. Hindi naman lalayo ang tangkad nila. Mas maliit nga lang ang katawan ng kambal niya kumpara sa kanya pero hindi iyon lalayo sa kanya. Masasabi man na wala siyang malalaking muscle sa katawan ay malakas naman ang resestensya niya sa labanan. "Salamat Ishan, hindi ako nagkamali na hindi mo ako kayang pabayaan." "Kambal kita, dahil kung anong sakit ang mararamdaman mo ay mararamdaman ko din. At alam ko na kapag nalaman ng hari ang kalagayan mo habang kasal kayo ay siguradong sasaktan ka niya." "Ishan-." "Ako na lang ang masasaktan, huwag lang ikaw. Kaya ayusin mo ang sarili mo. Ihanda mo na ang dapat mong ihanda sa pag alis mo." Mabilis na tumango ito at hindi na naalis ang ngiti sa mga labi kahit na may luha na naglandas sa mga pisngi nito. Awtomatikong kumilos ang kamay niya at pinahid ang luhang iyon sa pisngi ng kapatid niya. "Go, just leave some clothes for me to wear." Agad itong tumalima at iniwan siya papanhik sa sarili nitong silid. Nasundan na lang niya ito ng tingin. Panatag siya dahil hindi naman makikita ng hari ang mukha niya kung sakaling magkikita sila bukas. Dahil sa nakagawian sa bansa nila ay saka lang nila makikita ang mukha ng magiging asawa nila pagkatapos na lang ng kasal. Kaya mapapanatag siya habang ihahanda pa lang ang kasal at sa mga araw na paghahanda ay nakalayo na ang kambal niya kung saan man ito dadalhin ng nakabuntis sa kanya. Saka na lang niya iisip ang magiging reaksyon ng hari sa unang gabi na kanilang kasal dahil sigurado na sa araw na iyon ay matutuklasan din nito ang kanyang pagpapanggap. "Nakahanda ka ba?" Tanong sa kanya ng kanilang Ama na ang pag aakalang siya si Shantal. "Oo Ama! Hindi na mahirap gayahin ang boses ng kapatid niya dahil hindi naman mababa ang boses nito kaya hindi na siya mahihirapan. Nakasuot siya ng itim na Abaya at Niqab na tanging mga mata na lang niya ang nakikita. Hindi mapapansin ng kanilang Ama iyon dahil parehas lang sila ni Shantal ng mata maliban na lang na mas mahahaba ang mismong pilik mata niya kaysa dito. Pero hindi naman siguro siya lalapitan ng kanilang Ama para tignan pa iyon. "Jayid, madha ean 'akhik? Good, how about your brother?" Kuway tanong pa nito. Inutusan ang lota na dalhin ang ilang gamit na dala niya. "Aiwa, baba! He is already left." Sagot naman niya dito. "Yalla, bsra." Let’s go, faster. Napasunod na lang siya sa ama at hindi na nagsalita pa. Dahil hindi naman kalayuan ang palasyo ng Hari sa kanila ay mabilis na nakarating sila doon. Katulad kahapon maraming nakapalibot na Epsilon sa paligid ng makapasok sila sa palasyo ng Hari. Dumiretso sila sa Emperial Hall kung saan gaganapin ang pagbibigay-alay. Naabutan na nila ang ibang mga ministro na magbibigay-alay din sa Hari. Iba't-ibang mga bagay ang mga dala nila. At dahil ang kanyang ama ang pinakamataas sa mga ministro ay ito ang naitalagang magbigay-alay para sa magiging asawa ng Hari. Ang ialay ang anak na Omega dito. Hindi basihan kung babae o lalaking Omega ang papakasalan ng Hari. Pero ang Hari is not into male Omega kaya naman ang kambal niya ang pinili ng ama na ialay na hindi na natupad dahil sa kapabayaan nga ng kanyang kambal. Naghintay pa sila ng ilang oras. Hanggang sa dumatig na ang Hari at humarap sa kanila. Nagsitayuan ang mga Ministro at ang iba na dumalo at nagbigay pugay para dito. "Long live, your Majesty." Gaya ng nakasanayan ay sabay sabay na pagbati sa Hari at sinabayan ng pagluhod at pagyuko. Matapos ang pagbibigay pugay, nagsimula na ang pagbibigay alay. Nagsimula sa pinakamababang Ministro hanggang sa tuluyan ng umabot sa kanyang ama. Doon na siya kinabahan ng naglakad na sila papunta sa harapan ng kanyang ama. Nandoon na naman ang kaba niya kapag nakikita ito. Lalo na at nandoon na naman ang pagtitig nito sa kanya na para bang nakikita nito ang kanyang mukha. Napayuko siya dahil hindi niya kayang salubungin ang tingin nito. Katulad sa naramdaman niya kahapon. "Long live your Majesty." Pagbati ng kanyang ama saka lumuhod dito at yumuko. Hindi niya alam ang gagawin dahil para siyang naipako sa kanyang kinatatayuan pero napansin niya ang lihim paghila ng kanyang ama sa laylayan ng kanyang suot na Abaya kaya naman napaluhod na din siya at yumuko. Doon niya naramdaman ang biglang pag iinit ng katawan niya. Hindi niya mawari kung bakit bigla siyang naiinitan. Dala lang ba sa suot niya? Marahas ang ginawa niyang paglunok dahil kakaiba ang init na iyon na lumabas sa kanyang katawan. Bigla siyang kinabahan. Hindi pwedeng mangyari ang naisip niya. Why the sudden heat? Damn it! Lihim siyang napamura. Dahil nakatago ang kanyang kamay at ang bibig ay hindi mahahalata ang paggalaw niya. Mabuti na lang at hindi niya nakalimutan dalhin ang gamot na iniinum niya at lihim na iniinom iyon sa ilalim ng kanyang suot. Doon niya napansin ang paglapit ng Hari sa kanila ng kanyang Ama. Kaya naman awtomatikong napatingala siya dahil sa mismong tapat siya nito tumayo kung saan siya nakaluhod. Napalunok siya dahil kakaiba ang tinging ipinukol nito sa kanya. Did the King notice his heat? No! It can't be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD