Prologue
"Ang lalim yata ng iniisip mo." Tanong ni Vance sa kanya ng lapitan siya nito habang nakaupo sa balkonahe ng tinitirahan niya.
Hindi na niya inabala ang sarili para tanungin kung paano itong nakapasok sa loob gayong panigurado naman na nakalock ang pintuan ng tinitirahan niya.
Napatingin siya dito. Napansin niya na may bumabagabag dito. Ilang sigundo din ang ginawa niyang pagtitig dito bago binawi ang tingin at muling itinuon ang pansin sa kung saan aabot ang paningin niya. Tingin sa kawalan.
Napabuntong hininga siya bago nagpasyang umalis sa pagkakasampa sa mismong barandilya ng balkonahe niya. Tinapik niya ito sa balikat at hindi pinansin ang tanong nito saka pumanhik sa loob ng bahay niya. Tinungo ang kusina at nagtimpla ng tsaa para sa kanilang dalawa.
"Ikaw! Bakit ka nandito? Naligaw ka yata." Bagkus tanong niya kaysa sagutin ang tanong nito sa kanya. "May misyon ba tayo? Ano? Saan? At sino?" Pinagsunod sunod na niyang tanong dito dahil ilang araw na rin siyang nasa tirahan lang niya.
Simula kasi ng makasundo na nito ang asawa ay hindi na siya nito pinasama dito at kaya na daw nitong protektahan ang asawa dahil hindi na sa malayuan nila ito babantayan.
"Easy. Hindi lang katawan ang dapat ipahinga mo. Minsan din kailangan mong ipahinga ang isip mo." Sagot nito sa kanya.
Napailing na lang siya na sinabayan ng kibit-balikat.
Nakasanayan niya ang magaang boses na nakikipag usap nito sa kanya. Kahit na minsan ay nasa panganib sila ay kalmado parin ito kaya hindi niya mapigilan ang humanga dito. Kumbaga ito na ang tagapagligtas niya simula ng makilala niya ito.
Vance is caring.
Simula ng mapadpad siya sa Tierra De Lobo ay ito lang ang tanging naging kaibigan niya at nagpakita ng malasakit sa kanya kahit isa pa itong pinuno at isa sa tinitingala sa apat na grupo ng malalakas na lobo dito sa Tierra. Naging panatag ang loob niya dito kaya naman kahit na ang pinakatatago niyang kaliit liitang lihim ay alam nito. Na ito lang ang nakakaalam kung sino ba talaga siya at saan ba dapat siya nabibilang.
"Saka may bumabagabag ba sayo? Kanina ko napapansin ang malalalim mong paghinga. May problema ka ba?" tanong pa nito ng sumunod ulit ito sa kanya habang bitbit na niya ang maliit na teapot kung saan siya nagtimpla ng tsaa.
"Wala." Tipid na sagot niya kahit na alam niyang hindi iyon papaniwalaan ni Vance.
Hindi naman niya kailangang mag alala dahil alam niyang hindi na dadagdagan ni Vance ang tanong nito patungkol sa bumabagabag sa kanya kung ano man iyon.
Kilala siya nito at alam nito na kapag nagbigay siya ng sagot na walang ipinakitang interest ay hindi na siya nito pipilitin sumagot sa tanong na ayaw niyang sagutin.
Nagsalin siya ng tsaa at inilapag iyon sa tapat nito.
"Ikaw yata ang may problema." Pagbabalik niya ng tanong nito. Kapansin pansin din kasi na may dala itong problema o balita. Hindi naman ito basta dadalaw sa kanya kung walang ibang dahilan maliban doon.
"Nasabi mo?"
"Kilala din kita gaya ng kung gaano mo ako kakilala. Wala ka ding lihim na maitatago sa akin. Dahil sa simula pa lang naikwento mo na sa akin ang iyong talambuhay. Kaya para saan pa ang tanong na iyan?" Mabaha niyang sagot dito sabay taas ng isang kilay.
Ito naman ngayon ang napabuntong hininga. Sumimsim ng tsaa bago siya tinapunan ng tingin. Pinagsalikop ang mga palad habang nakatungkod ang mga siko sa lamesa.
"Tungkol na naman iyan sa asawa mo? Well, hindi na iyan bago. Kailan ka ba hindi nagkaproblema sa kanya. Hindi naman halata na under ka sa kanya." Nilangkapan niya iyon ng pangbubuska para hindi sa kanya matuon ang usapan nila.
"Yeah! You know how much I love him. At kahit na anong gusto niya ay gagawin ko." Seryuso namang sagot nito.
Hindi niya mapigilang humanga lalo dito dahil hindi nito itinatago ang sobrang pagtangi sa asawa. At hindi nito kailanman ikinakahiya na napapailalim ito sa asawa.
Sumimsim din siya ng tsaa na nakatingin lang dito at naghihintay ng iba pa nitong sasabihin.
"Maiba tayo, hanggang kailan mo balak mananatili dito? Paano kung magising ka na lang isang araw ay nasa harapan mo na pala ulit siya?" Makahulugang sabi nito na nakapagpatahimik sa kanya ng ilang minuto. "Maliit lang ang mundo Ishan, at hindi habang buhay na makakapagtago ka." Dagdag pa nito.
Napatitig na naman siya dito. Mata sa mata, pero siya ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ng matagal ang tingin ng isang Alpha. Lalo na kay Vance.
"Hanggang sa may mga lugar akong mapagtataguan at hanggat kaya kong magtago ay gagawin ko Vance para lang sa kaligtasan namin. Hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya at mawala siya sa akin dahil hindi ko kakayanin." Sagot naman niya dito. "Naikwento ko na sayo ang pinagdaanan ko sa mga kamay niya. At may posibilidad na hindi nito gugustuhing malaman iyon."
"Pero hindi mo siya matatakasan, Ishan. Naitatago mo iyan ngayon dahil maliit pa lang. Pero paano ang mga buwan na lilipas? Hindi mo na iyan maitatago."
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga sa sinabi ni Vance sa kanya.
"Tandaan mo, gaya ko. Mas makapangyarihan siya. Mas malakas kaysa sa akin. Mas dominante." Pagpapaalala pa nito sa kanya sa mga bagay na ayaw niyang maalala.
"Alam ko, kaya nga iyon ang iniiwasan ko. Ang mag cross ang landas namin ay iyon ang pinaka huli na gugustuhin kong mangyari sa buhay ko. At hanggat kaya ko itong itago. Itatago ko."
Hindi na ito umimik pa sa naging sagot niya, siya man ay ganun din.
Nag pakiramdaman sa isa't isa.
Siguro nga, tama ang sinabi nito sa kanya. At iyon ang isa sa pinakaayaw niyang mangyari. Dahil kapag nagkita silang muli ay baka mawala pa sa kanya ang pinakaiingatan niya.
"I’m done." Tumayo na ito ng maubos ang tsaa. Sinabayan na din niya ng tayo at sinamahan ito hanggang sa labasan.
"Nagpapasabi pala si Karrim na kailangan mong pumunta sa Piatras mamaya. Mayroon yata siyang ipapahawak sayong bagong misyon."
"Hindi ba niya sinabi sayo? Bakit ako lang? Hindi kaba kasama?"
"Nasa misyon parin ako sa pagbabantay sa asawa ko. At hindi na din ako pwedeng sumama sayo o ikaw ang sumama sa akin. Dahil naghihigpit na ang asawa ko. Pinagseselosan ka na ang akala niya ay may gusto ka sa akin."
Natahimik siya bigla sa huling sinabi nito. Bigla tuloy siyang naasiwa dahil sa klase ng tingin ipinukol nito sa kanya. Tingin na nagtatanong kung tama ba na magselos ang asawa nito sa kanya. Na ngayon napagtanto niya kaya pala sinabi nito na hindi na niya kailangan ng kasama hindi dahil sa malapit na nito babantayan ang asawa kundi dahil sa pinagseselosan nga siya ng asawa nito.
"Nagpapatawa yata ang asawa mo! Saan naman niya nakuha ang ideyang iyon para pagselosan ako." Iyon na lang ang tanging naisagot niya na nilangkapan ng mahinang pagtawa. Kahit na hindi niya siguradong tama ba ang naging pagtugon niya.
Napailing ito at tinapik siya sa balikat.
"Dala na lang siguro iyon ng pagdadalang tao niya kaya pagpasensyahan mo na lang dahil na pag-isipan ka niya ng ganun na hindi naman dapat."
Tumango na lang siya. Hindi na niya iyon sinagot pa dahil ayaw na niyang dagdagan ang kasinungalingan niya pagdating sa bagay na iyon.
"Mag-ingat ka na lang sa pag-uwi." Paalala niya dito at sinabayan ng mahinang pagtulak sa likod nito ng idantay doon ang mga palad niya.
"Yeah!" Isang kaway ang isinunod nito ng tuluyang tumalikod na. Siya naman ay muling pumasok sa bahay niya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Napasandal sa pintuan at hindi napigilang dumausdos siya paupo sa sahig. Ihinilamos ang mga palad niya sa mukha.
Naisip niya, ganun na ba kahalata na may gusto siya kay Vance at agad na napansin iyon ni Rafael? Siguro nga, dahil kung si Vance naman ang pagbabasihan niya ay hindi talaga nito mahahalata iyon dahil nakatuon lang kay Rafael ang pansin nito at mahal na mahal ni Vance ang asawa nito.
At iyon ang isa sa ikinaiinggit niya. Sa mga taong mayroong nagpapahalaga sa kanila. Iyong may nagmamahal sa kanila at may matatawag na buo ang pamilya. Iyong may taong karamay kapag kailangan mo sila.
Habang siya?
Nanlumo siya ng maalala ang sarili niya. Kung ano ang kalagayan niya ngayon. Kung ano ang mga bagay na ikinakatakot niya at higit sa lahat ay ang pinaka-iiwasan niya.
"I can live without him." Naibulong na lang niya sa sarili. "Basta maitatago ko ang bagay na iyon sa taong iyon ay wala akong magiging problema. Hindi ko hahayaang malaman niya ang kalagayan ko. Kung saan ako nagtatago."
Pero sa mga sinabi niya ay nandoon parin kanyang takot sa posibilisad na mahanap siya nito.
"Cheer up, Ishan. Cheer up." Tinapik pa niya mismo ang magkabilang pisngi bago nagpasyang tumayo sa pagkakaupo sa sahig. Hindi niya kailangang isipin ang mga walang kwentang bagay.
Ang dapat sa mga iyon ay kinakalimutan. Tinatabunan ng masasayang ala-ala. At isipin ang bagay na nagpapalakas sa kanya ngayon.
"I love you." Bulong pa niya sabay sapo ng nipis ng kanyang tiyan bago tuluyang tinungo ang banyo at ayusin ang sarili para sa pagtungo niya sa Piatras.
"Bakit ngayon ka lang? Hindi ka ba sinabihan ni Vance na dapat mas maaga ang naging pagdating mo kaysa ngayon?" Seryusong tanong ni Karrim sa kanya kaya naman agad siyang napayuko at humingi ng paumanhin.
"Patawarin mo ako, Alpha Karrim, may mga bagay lang akong inasikaso muna kaya ako nahuli ng dating." Sagot niya dito. "Hindi na ako uulit na paghintayin kayo." Nakayuko parin siya habang sinasabi iyon.
"Tumuwid ka ng tayo, maya-maya lang ay darating na ang pinsan ko. At iyon ngayon ang misyon mo. Ang bantayan ito habang nandito siya sa Tierra." Pagbibigay alam nito sa misyon na sinabi sa kanya ni Vance kanina.
Naisip niya na madali lang ang ibinigay nitong trabaho ngayon dahil pagbabantay lang ang gagawin niya. Pero naisip niya bakit kailangan ng pinsan niya ng magbabantay dito gayong ang pagkakaalam niya ay halos lahat ng Alpha sa pamilyang nauugnay kay Karrim ay malalakas at hindi kailangan ng pagbabantay.
"Makakaasa kayo, Alpha Karrim." Agad niyang sagot saka tumuwid na nga ng pagtayo. Kahit na marami ang naging katanungan niya ay hindi naman niya iyon maisatinig dahil limitado lang ang boses niya pagdating sa pakikipag usap sa mga ito dahil si Vance ang halos kumakausap dito. Maliban na lang kung may misyon talagang dapat pagplanuhan ng mabuti at kailangan ng mga suhesyon ng bawat isa na sasabak.
Nakatayo lang siya sa gilid habang hinihintay ang pagdating ng pinsan nito. Sampung minuto? Dalawampung minuto?
Lihim siyang nagpakawala ng malalim na paghinga. Iyon ang isa sa ikinaiinis niya. Ano ba ang ibig sabihin ng "maya-maya lang?
Pero alam naman niyang hindi siya pwedeng magreklamo. Kaya kahit gustuhin man niyang magtanong kay Karrim kung ano ba talaga ang eksaktong oras ang pagdating ng pinsan nito ay hindi na niya ginawa at nanatili na lang siyang tahimik kahit nangangawit na ang kanyang mga paa sa tagal ng pagkakatayo.
Lumipas pa ang mga minuto. At kung hindi siya nagkakamali ay eksaktong isang oras nga silang naghintay. Hanggang sa makarinig na sila ng mga yabag papalapit mismo sa kung nasaan sila ngayon. Tumayo na din si Karrim at lumapit mismo sa pintuan at ito na mismo ang nagbukas para sa pagdating ng pinsan nito.
"Welcome Your Majesty." Nakangiti itong sumalubong sa bagong dating at halata na masaya na makita ang pinsan nito.
Pero naging kabaliktaran ang naramdaman niya ng mapagsino at makilala ang sinasabi nitong pinsan niya na bagong dating at para siyang ipinako sa kinatatayuan na hindi magawang kumilos. Ni daliri sa mga kamay at paa ay hindi niya maigalaw. Ni ang kumurap ay hindi na yata niya magawa.
Para siyang nailagay sa freezer dahil naninigas na siya sa naramdamang lamig dahil sa biglang pagkaramdam niya ng kakaibang kilabot. Bakit hindi niya naisip noong una na isa palang maharlika si Karrim at hindi inalala kung ano ba ang apelyedong dala nito.
"Shukraan lak abn em." Thank you, cousin.
"Tueal ya, sahib aljalala." Come in, your Majesty."
Nagbigay daan si Karrim sa pinsan nito. Habang siya ay nanatiling nakatayo lamang at hindi na gumalaw pa. Hiniling na sana ay makalimutan siya ni Karrim at huwag banggitin dito. Pero sadyang hindi umaayon sa kanya ang pagkakataon. Dahil kung ano pa ang iniiwasan niya ay iyon pa talaga ang nangyari.
Hindi na din siya nagawang tawagin ni Karrim dahil napatingin na mismo ang bagong dating sa kanya.
Kunot-nuo ito na parang kinikilala siya. Hanggang sa napansin niya ang isang patuyang ngiti na gumuhit sa mga labi nito na tuluyan na siyang nakilala nito.
"'iilaa 'ayn 'ant dhahib ya sahib aljalala?" Where are you going, your Majesty? Tanong ni Karrim dito ng maglakad ito palapit sa kanya. Awtomatikong napayuko siya at hindi gugustuhing tumingin sa mga mata nito. Iyon ang isa sa iniiwasan niya, ang magtama ang mga mata nila.
"lm 'akun 'aetaqid 'anani sawf 'arak huna habibi." I didn't think that I could see you here, baby.
"'ant taerifuh ya sahib aljalala." You know him, your Majesty? Halatang nagulat pa si Karrim dahil sa sinabi nito sa kanya.
Hindi ito sumagot kay Karrim. Bagkus kumilos ang kamay nito at hinawakan siya sa baba at pinatingala siya mismo dito.
Napalunok siya. He is cursing his self dahil hindi siya makagalaw dahil sa presensya nito. Lalo na at pilit na hinuhuli ang mga mata niya na tumingin mismo sa mga mata nito.
"lam 'akun 'aetaqid 'anak kunt mkhtbyan huna faqat." Hindi ko akalain na dito ka lang pala nagtatago. "If only I knew." Sabi pa nito na ang pagkakadiin sa daliring nakahawak sa baba niya.
"Your Majesty." Si Karrim na kinukuha ang pansin nito na magkaroon siya ng pagkakataong makawabi sa kabiglaan.
Nang nakabawi na nga siya ay hindi na niya inisip pa ang sumunod niyang ginawa. Marahas na iwinaksi ang kamay ng pinsan ni Karrim at kumaripas na siya ng takbo palabas ng silid na iyon.
Walang lingong likod na mabilisang nilisan niya ang lugar na iyon. Hindi na niya alintana ang pagtawag ni Karrim sa kanya.
Ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang makalayo. Makalayo sa taong iyon na hindi niya gugustuhin makita sa tanang buhay niya. At ang muling magtago dito.
Sa pagtakbo niya ay magkakahalong imosyon ang naramdaman niya. Pagkabigla, pag-aalala at higit sa lahat ay takot para sa taong iyon. Inaalala niya ang posebleng mangyari ngayong muling nag cross ang landas nila.
Ano nga ba ang dahilan? At bakit ganun na lang ang takot niya at pilit na pinagtataguan ito?
Dahilan?
Ito lang naman ang dahilan kung bakit siya napadpad sa Tierra De Lobo. Dahil tinakasan ang pagmamalupit nito sa kanya. Tinakasan niya ang buhay niya sa ito lang ang nagpapaikot. Tinakasan niya ang pagpaparusa nito.
Siya si Ishan at ang taong iyon na tinakbuhan niya ay ang kanyang asawa.
Si Haring Zarim Brahman.
The king of Syria.