CHAPTER FIFTEEN

1562 Words
CHAPTER FIFTEEN: ••• ••• NGINITIAN ko silang lahat. Lahat ng mga classmates ko sa Class E ay naka pang formal attire din. Ang gaganda at ang gu-gwapo talaga nila. Mukha na silang tao. Sa bagay, Isa nga pala itong event na may mga purposes. First, is to celebrates the academic achievements of students who are nearing the completion of their senior year 12 education. It's a way to acknowledge their hard work and dedication over the years. And second, it provides an opportunity for students to socialize and strengthen bonds with their peers. It's a chance for classmates to come together and enjoy each other's company in a formal setting outside of the classroom. "Hindi namin kayo nakilala kung hindi dahil kay Sheena." wika ng Isa. "Naku! Kayo talaga. Maganda naman pala kayo kapag walang suot na glasses. Bakit ba kasi mas pinili niyong mag mukhang nerd sa paningin namin ha?" "Ano ka ba April! Para iwas r*pe—" sinapak siya ng Isa. "Arayy ko naman Butterly! Sakit mong manapak ah!" "Ikaw kase eh! Move-on na bes! Past is past. Naalala mo ang sinabi ni May noon? Do not dwell your memory in the past. Focus your self in a Present Time and dream on your future. Oh see! Naalala ko pa." "And speaking of May..." Halos sabay-sabay silang lahat na napatingin kay Ate A. Pinasadahan nila siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngunit si Ate A ay nananatiling salubong lang ang mga kilay. Napangiti nanaman ako. Feeling ko ang kyutieee talaga ni Ate A. Lalo na kapag wala siyang ideya kung ano meron ngayon, tapos late niya lang na-realized. "Nakalimutan niya talaga ang araw ngayon." "Upo kaya kayong dalawa? Kanina pa kaso kayo nakatayo" Pina-upo nila kami sa dalawang bakanteng upuan, na sa tingin ko ay para sa amin talaga. Kaya wala kaming nagawa kundi ang umupo na lang. "May," rinig kong pagtawag ni Ate Sheena kay Ate A. "Yes Sheena?" "May period ka ba ngayon?" tanong niya. "Wala, bakit?" "Salubong na salubong kasi talaga ang kilay mo." Gamit ang dalawang thumb ni Ate Sheena, hinawakan niya ang bandang noo ni Ate A, sa may kilay pala banda, at hinila ito sa magkabilang direction. "Ayan!" "Hay nako Sheena, kahit salubong pa 'yang kilay ni May, maganda pa'rin tingnan." "Laki talaga ng pinagbago." "Hindi naman siya nagbago, itinago niya, hindi nagbago. Tch!" "True. Tinago niya sa atin ang kagandahan niya." "Kung maaga ko lang sana nakita 'yang ganda ni May, baka noon pa lang niligawan ko na 'yan—" may biglang sumapak sa kan'ya, pero mahina lang. "Aray ko naman! Eto naman, selos agad. Ang ibig kong sabihin, kung maaga sana, kaso huli na dahil may Love na akong iba HE HE. Kaya huwag ka ng magselos Butterfly ko." "Hmm!" "Huwag ka ng magtampo babay ko." "Shut up!" At nagsimula na nga silang mag-ingay. Napansin ko ang Ilang mga studyante na nasa kabilang table na napapatingin sa gawi namin dahil siguro sa sobrang ingay namin. HUHUHU. HINDI na ako nakisali sa kanila. Sana'y naman ako na ganito sila. Araw-araw, lalo na kapag nasa classroom, ganito sila, laging maingay. Kung dati ay ang Ingay nila ay mga ung*l, ngayon ay hindi na. Mas mabuti to ngayon keysa sa mga ungol nila. Napakasakit lang pakinggan sa tainga. Nakaka-trauma ang first day experience ko dati sa Class E HUHUHU. SEVEN O'CLOCK PM nang magsimula na ang event. Dalawang host ang umakyat sa stage kaya natuon sa kanila ang spotlight. Tumahimik na ang buong venue para makinig, dahil nagsisimula na ang pinakahihintay nila. S'yempre kasali ako ihh. HIHIHI. "Good evening, everyone! Welcome to the Senior High Prom, a night to celebrate the end of an incredible journey and the beginning of a new chapter in your lives." wika ng Isang MC. "Tonight, we have a fantastic lineup of activities planned for you. Our theme for this year's prom is 'A Night of Timeless Elegance' invites everyone to step into a world of beauty, sophistication, and the timeless appeal of classic formal wear, making it a perfect choice for our Seniors Prom where everyone is dressed in their finest evening attire." wika naman ng Isa pang MC. "So, let’s make this a night to remember! Let the magic of the night transport you into a world of beauty and elegant!" NAGPALAKPAKAN ang lahat, kaya nakipalakpak na lang din ako. Hanggang sa dumating na ang pinakahihintay ko... Ang kumain!!! Kaya tuwang-tuwa ako nang kainan na. Nauna pa akong pumila. Inunahan ko ang lahat. Bahala sila. Basta usapang pagkain, present na present ako. c*m Laude. HAHAHAH. "Haluh ka Dite, inubos mo ang mga pagkain!" pang-aasar sa'kin ni Kuya Benmar. Inilapag ko sa table ang dala ko sabay upo sa bangko. "Grabe ka naman po sa inubos Kuya ihhh. Ang dami nga ng pagkain. Kulang pa nga 'to." Nalaglag ang panga niya. "Ehh? Seryoso ka? Kulang pa'yan?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Tumango naman ako. "Opo." "P*sti!" "HEHEHEHE." "Hayaan mo na lang Benmar. Ang mahalaga kinain ni Dite, hindi tinapon." wika ni Ate Butterly sa kan'ya. NAGSIMULA na akong kumain. After kanin and mga ulam, bumalik ako para kumuha ng desserts. Mabuti nga marami ang mga pagkain kaya marami-rami 'rin ang kuha ko. MWEHEHEH. MABILIS lumipas ang mga oras. Biglang namatay ang Ilaw kaya nagtaka ako, pero Ilang sandali lang ay bumalik naman kaagad ito, kaso nagbago na ang kulay ng ibang Ilaw kanina, at hindi na lahat naka-on. "Now that we’ve enjoyed the delicious dinner and mingled with our friends, it’s time to get the party started! Our DJ is ready to spin some tunes, so let’s hit the dance floor and make some unforgettable memories!" Malakas na wika ng MC sa microphone. Nagsimula nang mag-ingay ang buong venue. Maraming mga studyante ang bigla na lang pumunta sa dance floor at gumigiling-giling at nag twerk-twerk. Sinasabayan din nila ang beat ng music. "Tara Carl!" "Wooiiii boyyyy! Tara!" Nalaglag ang panga ko nang makita ang mga Class E Boys sa dance floor. Kung may award lang sana na best in twerk, panalo na ang mga lalaki sa Class E. Mga laki pa talaga. Luging-lugi ang mga babae sa lalaki namin. HALOS nasa dance floor na ang ilan sa mga kaklase namin. Dalawang oras na silang nag di-disco sa dance floor. Samantalang kaming dalawa ni Ate A ay nananatiling nasa mesa pa'rin, naka-upo lang. "May!!! Taraaa!!!" rinig kong sigaw nila. Kanina pa nila kami paulit-ulit na tinatawag, gusto nilang makisabay din kami. Kaso, sinasagot lang sila ni Ate A ng 'Hindi ako mahilig sa mga ganiyan!'. "KJ namannnn!!!" "Oo ngaaa!!!" "How you about you na lang!!! Dite!!!!" "Baka gusto mo?" Biglang tanong ni Ate A na naging dahilan para magulat ako. "Po? Ate A?" May gulat sa reaction ko siyang tiningnan. "Baka gusto mo pumunta sa kanila?" Nalaglag ang panga ko. "Sure ka po ba Ate A?" naniniguro kong tanong. "Oo naman." Isang ngiti ang sumilay sa labi niya. "Haluhh Yes! Salamat Ate A!" At walang pag-aalinlangan na tumakbo ako sa dance floor. "Ayowwnnn!" "Buti pa si Dite, hindi KJ!!! Pero yang Isa diyan!!!" Nakita ko na sinamaan siya ng tingin ni Ate A. At sa tingin ko, sinasabi na ng utak ni Ate A na 'Pinaparinggan mo ba ako? Benmar Denncco? Baka gusto mong barilin kita diyan?'. Kasama ang famous niyang 'Tss!'. SUMABAY ako sa beat. Sumayaw at tumalon ako ng bonggang-bongga. Minsan lang 'to eh, kaya sulit-sulitin na lang na'tin. Buong Class E Students na ang nandito sa dance floor, kahit sina Kuya Sean and Kuya Kenneth, Ate Charline and Jasmine na nahuli ay nasa dance floor na'rin. Hindi man sumasabay sa iba na mag twerk, pero at least kasama pa'rin namin sa kasihayahan. Completo kaming lahat dito dance floor. Nag-eenjoy. Maliban kay Ate A na naka-upo lang at pinapanood kami. "HEH! HEH! HEH! HEH!" "TOOTS TOOTS TOOTS!!!" "TOTOTOOTTS! TOOTS! TOTOTOOTTS! TOOTS!" In my elegant prom dress that stands out in the middle of the dance floor. My dress sways with each rhythmic move, my smiles wide and infectious, inviting others to join in, and moving with energy and enthusiasm as I dances the budots. Kaso... Maganda na sana ang sayaw ko eh. Napa English na nga ako sa sobrang ganda ng pag bu-budots ko. Kaso nga lang... Biglang napalitan ang music. Kaya nag reklamo ang mga classmates ko. Samantalang ako ay napasimangot bigla. Ang bastos ng DJ. HUHUHU. "Ladies and gentlemen, it’s time to pair up and get ready for the first dance of the evening. This is your chance to share a special moment with your prom date or a good friend." wika ng MC. PADABOG na bumalik sa table namin ang buong Class E. Bumalik din naman ako, pero hindi ako nagdabog. Pero nakasimangot pa'rin. HUHUHU. "Panira naman 'tong kantang 'to!" "Ang ganda na ng budots kanina, pinalitan pa. Tch!" "Nag e-enjoy na kami eh!" "Ngayong nag e-enjoy na kami, saka pa lang papalitan ang kanta. B*s*t talaga!" "Anong panira, maganda kaya ang kanta!" masayang wika ni Butterly. "Bagay na bagay ngayon sa mga couples." "Hahawakan ang waist at dahan-dahan na sumabay sa rhythm ng music." "Oww, you mean like the disney princess and a prince charming?" "Yes!" "Paano naman kaming mga single?! Anong gagawin namin diyan?" "Kakain." "G*go!" "T*ng*n* mo!" "Ang mga single diyan, pikit!" "Nahiya naman kami sa'yo' na single din!" "I'm not single." TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD