Nanatili kaming nasa labas ng ICU room ng aking anak habang chicnecheck siya ng doctor kasama ang mga nurses sa loob. Bigla na lang siyang nag-seizure kanina and I was hoping na hindi ito bumalik sa kanyang pagkaka-coma. Magkatabi kami ni Sylvius na nakaupo sa plastic bench at kanina pa siya hindi mapakali. Dinantay ko ang aking kamay sa kanyang hita na tumigil sa paggalaw at tumingin siya sa akin. Bahagya akong ngumiti sa kanya at tinapik-tapik ang kanyang hita para hindi maging malisya sa mata ng iba ang ginawa ko. “Hey… It’s going to be okay… Ginagawa nila ang lahat para mailigtas si Ameryl.” sabi ko sa kanya. Malakas naman siyang bumuntong hininga at napailing pa. “Hindi yan ang iniisip ko, Ambrosia. Paano pag tuluyan na siyang nagising? Paano na tayo?” mahina niyang sabi para hind