“TAHAN NA, YVONNE. Ano pala ang nangyari?” tanong ni Dessa. “Si Ma’am Dawn, sinagaw-sigawan ako nang makita ang larawan namin ni Dior sa InstaGlow,” pagkuwento ni Yvony. Walang tigil pa rin sa pagtulo ang luha sa mga mata ni Yvony. Kinakabahan lang siya sa mangyayari mamaya sa mansion ng mga Consunji. Hindi niya alam kung ano pa ang mga masasakit na salita na maririnig niya rito. Sanay na siya na masama ang ugali nito pero hindi siya sanay na masabihan ng mga masasakit na salita. “W-What? Ano bang kasalanan mo? Bawal na bang ilagay ko roon ng anak nila? E, wala ka nga alam na nandoon ka,” sabi ni Dessa. Hindi ito makapaniwala. “Iyon na nga. Ilang beses na niya akong sinasaktan through her words. Ang sakit pero I don’t have the guts to fight back kasi ako rin ang lugi roon. Nagagalit s