Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Hindi puwedeng basta makita ang mukha ko sa tv. Iwas na iwas nga akong humarap sa mga tv. Eepal pa itong si Kurimaw. Nakakainis! No choice ako kundi makipag-usap sa lalaki. Agad kong sinabi sa lalaki kung saan kami magkikita. At ang gusto ko ay ngayon na. Hindi na kailangan bukas pa dahil marami kong pag-aaralan lalo na sa aking misyon. Agad namang nagreply si Kurimaw at sumang-ayon sa gusto ko na ngayon kami magkikita. Matapos ko ulit magreply sa lalaki ay nagtuloy-tuloy na akong pumunta sa loob ng banyo para maligo. Lalo at sobrang dumi ng aking katawan dahil nagpagulong-gulong lang naman kami ni Leda kanina dahil sa granadang pinasabog ko sa loob ng sabungan. Nang matapos akong maligo ay agad na akong nagbihis. Hanggang sa nagmamadali na ako