Chapter 3

1648 Words
Athena Fraye pov's (New Job) Nagulat ako sa biglang pagtawag sa akin nang Holy family hospital.Actually I am the CEO of our company.Dahil yun ang gusto ni dad para sa akin,na ako daw dapat ang magmamanage nang sariling company namin.Dahil balang araw,Ay sa akin naman daw iyon mapupunta. Nasa late 40's palang naman ang dad ko,kaya I know matagal tagal pa akong sumunod sa mga yapak niya.I am just here in his office para masabing may CEO siya.Well it's not what you think. Of course I am working here in my Dad's company.I have my own office too.Kasi madami pa akong dapat malaman at matutunan.And that's the reason why I'm here,ang matutunan ang mga dapat matutunan. Pero sa kabilang banda gusto ko talagang ipagpatuloy ang aking propesyon.Yun ay ang pagiging doctor.Yun kasi talaga ang pangarap ko.Bata palang ako,yun na talaga ang gusto ko.Ang magiging isang doctor. At first Daddy didn't want me to pursue my practice,pero mapilit talaga ako.Akala ko nga ay hindi niya ako pinapakinggan.Pero heto surprisingly,tinawagan ako nang isa sa mga hospital namin,para ipagpatuloy ang propesyon ko. Dad is known- as one of the most powerful, big-time businessman in the Philippines,at mapa sa ibang bansa man.Kaya for him no need na daw akong magwork to earn money dahil sa company nalang daw namin ifocus ang sarili ko. Well,I just have to try it first,gusto ko lang subukan kung paanu ba talaga ang isang doctor.Besides if hindi ako magiging happy sa pagiging doctor ko.Wala naman akong ibang pupuntahan kundi ang babalik ako panigurado sa office. There's a feeling inside of me,na parang nagtutulak talaga sa akin to pursue my practice. At excited akong ibinalita kay Heiros iyon,dahil alam kong matutuwa ito.Kapag malaman niyang matutupad na din ang matagal kunang gustong gawin. Heiross is my long time boyfriend, actually his my fiance already.Nagproposed na kasi siya sa akin and ofcourse I'd say yes. Mabait si Heiross, gentleman at syempre super hot and guapo.Almost perfect na nga siya ihh.Unpredictable nga lang sometimes,but for me he is a husband material. Mahal ko si Heiross,kaya excited na din akong maikasal sa kanya,para makabuo nang sarili naming pamilya soon.. And by the way,I'm Athena Fraye Escobar Dalawampu't walong taong gulang,the only heiress of Escobar Empire.And I am so proud for having both of my parents. Dahil napaka mapagmahal nila sa akin,at bukod sa marangyang buhay na ibinigay nila sa akin,Pinalaki din nila ako nang may mabuteng puso at may respeto sa aking kapwa at marunong sa buhay. Agad akong pumunta sa Holy family hospital,para magreport.At gaya nang inaasahan ko,Ay magiging parte na ako sa hospital na yun.And I am so excited to be part of it. Isa akong cardiologist,Kaso lang dahil sa bago palang ako, inilagay muna ako sa ibang department.Kahit naman sa amin ang hospital na ito,Ay dapat walang special treatment dito. Agad akong dumerechu sa office ni Dr.Pineda ang head doctor nang Holy Family hospital. At nang makarating ako dun,agad niya akong pinapapasok at pinaupo.After we do some interviews.Agad namang bumukas ang pinto nang opisina nito. Nakita ko ang isang matangkad na lalake na pumasok sa loob nang opisina ni Dr.Pineda. Actually masasabi kong bukod pala sa fiance ko,ay meron pa palang gifted na ibang lalake.Duh' don't get me wrong guys,pero medyo nakaka intimidate lang talaga ang presence niya. I don't know, pero diko talaga naiwasang titigan ang kanyang mukha nito. Napakatangos nang ilong nito,makapal ang kanyang mga eye brows,maganda ang pangangatawan at meron pa itong dimple sa pisnge na mas nakakapagpadagdag ng kanyang appeal.Basta para sa akin guapo din talaga siya. Agad naman akong napabulong sa sarili ko. "Oh my god Fraye ,contain yourself! my fiance kana baka nakalimutan mo."Ang mahinang bulong ko sa isip ko. Pero, diko talaga maiwasang mapatitig sa kanya.Kaya lang mukhang suplado ito!Ni hindi man lang niya nagawang magpakilala sa akin ng pormal Uo tinignan din niya ako,pero as if wala lang.Hmm..sayang! guapo sana,mukhang suplado at barumbado naman! Actually he doesn't look like a doctor,para siyang action star.Well on the other hand,Wala naman akong pakialam sa kanya kung anung klaseng tao siya ihh,dahil andito ako para gawin ang gusto ko.Yun ay ang pagiging isang doctor. Agad lumabas ang lalakeng yun sa opisina ni Dr. Pineda,Na halos nakikita ko ang guhit ng galit nang mukha nito.She must be so pissed dahil sa inasta nang lalakeng iyon sa harapan namin. "I'm really sorry Dr. Escobar,about his behavior.You know what mabait naman yung si Mr. De Silva it's just that may pagka arrogante lang talaga,suplado! palibhasa walang lovelife!" Ang mahabang turan ni Dr.Pineda.Hindi ko maiwasang mapatawa sa huli niyang sinabi,dahil sa totoo lang,parehas naman silang walang lovelife. "No worries doc,Its fine.. besides he's right, madami pa namang pagkakataon na magkakilala kami."Ang wika ko sa kanya. At nagpaalam na din ako kay Dr.Pineda.At agad akong pumunta sa Department na sinasabi nito sa akin.Hindi ko mapigilang maexcite.Dahil sa wakas matutupad na din ang pangarap kong maging isang doctor. Well,ibinilin ko din kay Dr Pineda na dapat walang makakaalam na anak ako nang may ari nang hospital nato.Ayaw kong bigyan nila ako nang special treatment,o kaya naman ay maiilang sila sa akin dahil sa anak ako nang may ari. Lahat ata nang atension nila ay nakatuon sa akin,habang naglalakad ako sa hallway nang hospital.Maybe because bago ako sa paningin nila,kaya ayun hindi maiwasang mapatingin sila sa akin. Pero agad naman akong natigilan at napalingon nang may biglang tumawag sa akin. " Fraye?oh my god! Fraye ikaw nga! anung ginagawa mo dito?" she asked.At siya lang naman ang kaklase ko nung college,si Miles Tan.Agad naman akong napangite ,dahil finally may makakausap na din ako. "Dito na ako magtarbaho,ikaw ba?" Ang tanong ko sa kanya. " Talaga ba? haay salamat naman at may maganda na din akong makikita sa hospital nato!" Ang pabirong wika ni Miles. " Ikaw talaga! hindi kapa din nagbabago.Anyway Im looking for this department,alam mo ba ito?" I asked her " Haay naku Fraye meant to be talaga tayo,Dahil parehas tayo nang department." Ang wika nito sa akin,na agad din naman akong naexcite.Syempre mas maganda kapag may kakilala kana, kapag mag uumpisa ka sa isang tarbaho. " Really? mabute naman kong ganun-" naputol na ang sasabihin ko nang bigla nalang may tumawag kay Miles at parehas kaming napalingon dito. " Miles,kumusta na pala ang lagay nang patient dun sa room 203,stable naba ang pulse niya?" Ang baritonong boses ni Dr. De Silva.Na derechu lang ang tingin nito sa kausap niya. Ewan ko ba,parang there something on him na parang kakaiba talaga. "Ah..okay na po yun doc,stable na siya.Uhm..Anyway doc, Kaibigan ko nga pala nung college,Si Fraye.At dito na din siya sa department natin naka-assign." ang masayang wika ni Miles kay Dr. De Silva. Agad lang tumingin si Dr. De Silva sa akin with no emotions. " Nakilala kuna siya kanina sa office ni Dr. Pineda.So magkaklase pala kayo.Well that's good thing.Para kahit papanu,hindi kuna kailangan palaging magmadaling bumalik sa hospital,kapag may mga urgent na lakad ako." he said,habang nakapamamulsa pa ito at nakatingin sa akin. And what did he just said?Nakakaloka ha! ibig niyang sabihin totoong iniwanan niya ang mga pasyente?He's unbelievable! okay na sana ihh! kaso, irresponsable palang tao ito! No wonder! kaya wala itong lovelife,dahil irresponsable! I'm sure hindi din ito marunong magseryoso nang relasyon.Tss! "Doc naman, kunting laylo muna,maiinit pa tayo kay Dr.Pineda ihh" Ang wika naman ni Miles sa kanya. " Tss! just don't mind her! minoposal na yun,kaya palaging mainitin ang ulo nun." Ang wika ni Dr. De Silva sa kanya,sabay alis nito. Grabe talaga Ang attitude ah! nakakaturn off ah.Kung anung guapo nang mukha ay siyang gaspang nang pag uugali! "Uy Fraye, okay kalang? parang hindi ka nagsasalita jan?pagpasensyahan muna yun si Doc ah,ganun lang talaga yun,pero mabait si Dr.De Silva pagka makilala mo na siya,masasanay kana din sa ugali niya." Ang mahabang wika ni Miles sa akin. " Naku,Wala akong pakialam sa taong yun!Basta ako gagawin ko lang ang tarbaho ko." I said. Miles didn't know about my real status.Hindi niya alam na may kaya ako sa buhay.Kahit noong nasa college palang kami,ay ang alam niya lang ay scholar lang ako.At tama lang ang katayuan ko sa buhay. Mas maganda na din yung wala silang alam sa totoong katayuan ko sa buhay,para mas magawa ko nang maayos ang tarbaho ko,na hindi sila maiilang sa akin. "Nga pala Fraye, kumusta na pala yung boyfriend mo noon,yung si Heiross ba yun?" Ang tanong ni Miles sa akin. Agad akong ngumite,At itinaas ko ang aking daliri na may singsing. "What? Married na kayo?" Ang gulat na tanong sa akin ni Miles. " Hindi pa noh,pero nagproposed na siya sa akin,kaya sooner,magpapakasal na din kami."Ang masaya kung wika sa kanya. " hmmp! akala ko pa naman single kana,Irereto pa naman sana kita kay Doc De Silva-" agad kong pinutol ang nais nitong sabihin. " Hey,stop..right there.Kahit pa siguro ako' y single hindi ko papatulan yung Doc muna yun!Apaka supladong ewan!Haay naku,don't you dare Miles." Ang wika ko sa kanya, na siya namang tawa nito. " Alam ko naman iyon,dahil noon pa man,alam kong mahal na mahal muna yung si Heiross na yun.." ang wika nito. Natapos ang kamustahan at kulitan namin ni Miles,nang may biglang dumating sa emergency. Nakaramdam agad ako nang kaba at pagkaexcite,dahil ito pinaka unang sagupa ko sa emergency bilang isang doctor. Agad kaming pumasok sa ER at siyempre, kasama namin ang supladong Doctor na yun. " Check his vitals sign Miles,And you Miss Escobar, observe very well,para next time you already know what to do!" Ang wika ni Doc De Silva,na agad ko namang inirapan ito. Tss! observed? anu to?Cooking practice? that I have to observe?kainis! yabang talaga! "Excuse me,I was graduated at the very well known school at completo ang training dun!As if I need to see their actions just to observe! yabang talaga!" Ang bulong ko sa isip ko ,dahil diko mapigilan ang labis na pagkaasar ko sa lalakeng yun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD