Chapter 2

1428 Words
Zeus pov's (The New doctor ) Dahil nga sa masalimuot na pangyayari sa buhay ko,Ay napilitan akong lumapit sa ama ko.At siguro dala na din nang labis na galit at pagnanais na makapag higante. Tinanggap ko ang alok nitong maging kasunod sa kanyang mga yapak. Noong mga sandaling namatay si Dianne sa harapan ko,Wala akong ibang iniisip kundi ang ipaghigante ang labis na karumaldumal na sinapit ng asawa ko! Higit isang taon na din akong nag training bilang isang myembro nang organisasyon na pinapumunuan nang aking ama.At lahat nang yun ay hiniling ko sa kanya na kung maari ay isekreto muna sa lahat na ako ang nag iisang anak nito.At ang magiging kapalit sa kanya,pagdating nang araw. Actually hindi ko naman talaga hinahangad yun,what I only want is justice for Dianne!Ang mapatay ko ang mga taong gumawa ng karumaldumal sa asawa ko.Ang taong dahilan kung bakit ako naging miserable ngayon. Walang sino mang nakakaalam na ako ang anak ni Mafia lord Serafin De Silva.Dahil wala din akong balak magpakilala sa kanila. Pumasok ako sa The black Diamond (ang pangalan nang pangkat nila ni daddy) Dahil sa personal kong dahilan.Hindi ako interesado sa kung anu ang meron ang grupong ito!Pumasok ako dito para matuntun ko ang mga hayop na pumatay sa asawa ko! At magkaroon nang kaalaman para lumaban. Hinding hindi ako titigil,hanggat hindi ko sila nakikitang nagdurusa sa mga kamay ko.Pagbabayaran nilang lahat nang ginawa nila sa asawa ko! Kahit sino pa sila!Basta isa kang Dela Serna,walang makakaligtas sa akin! At humanda silang lahat! Natutunan kuna ding sumali sa mga lakad nang grupo ni dad,dahil as a Mafia member kailangan ding masanay ako sa mga engkwentru at pakikipaglaban,Dahil yun ang uri na buhay ang pinili ko. Madami akong natutunan mula sa ama ko.At kahit ganun pa man,kahit nasa Mafia world na ako,Pinagpatuloy ko pa din ang normal na buhay ko.Yun ay ang propesyon kong bilang isang doctor. Hindi na kailangang malaman nang lahat na kabilang ako sa isang sindikato,mas maganda pa din na makikita nang tao ang normal kong buhay. Pagkatapos nang nangyari sa asawa ko. Nakalimutan kuna ang sarili kong buhay.Halos tatlong taon na ang nakalipas pero,Hindi pa din ako tumingin sa ibang babae. Para sa akin,si Dianne lang ang bukod tanging mamahalin ko.At kahit kailan wala na akong balak pang magmahal muli. Madami akong naikama,pero wala akong ni isang sineryoso!Dahil natatakot na akong maulit muli ang nangyari kay Dianne. Agad naman akong natigilan,nang narinig ko ang tunog nang aking telepono. Agad ko itong sinagot,dahil isa ito sa mga pinagkatiwalaan nang aking ama.Si Excell,siya ang kasalukuyang leader nang grupo kasunod kay Dad. Agad ko itong pinuntahan dahil kailangan daw nito nang back up.Nasa kalagitnaan sila nang mission nang naharang sila nang isa sa pinaka matinik na grupo.At yun ang The city Rat Ang The City Rat ay kinakabilangan nang masasamang grupo,handa silang pumatay at mamatay para lang sa Mafia lord nila.At wala ni sino mang nakakaalam kung sino ang Mafia lord nang grupong ito. Sila ang tinaguriang The Cit Rat,Dahil palagi silang nanggugulo sa ibat ibang ahensya nang syudad.Mapamaliit man o mapabigtime,wala silang sinasanto.At ngayon nais nilang kalabanin ang pangkat naming The Black Diamond. Ang Black Diamond naman,ay isa din silang grupo nang sindikato.At hawak nila ang ibat ibang uri nang alahasan sa buong mundo.May legal at may illegal din ang mga transaction nila,Pero hindi sila pumapatay nang inosenteng tao,katulad nang ginagawa nang The City Rat. " Miles,ikaw na muna ang bahala sa pasyente natin I have a sudden urgent meeting.Babalik din ako agad." Ang paalam ko sa head nurse nang department ko. Magaling si Miles,she's reliable.Kaya kapag ganitong may biglaang lakad ang grupo,Siya palagi ang binibilinan ko. " Naku doc,ayan kana naman ihh...bigla bigla kana namang mawawala.Anung sasabihin ko sa head doctor kapag magtanong kong asan ka?" Ang wika naman nito sa akin. " Kaya mo na yan Miles,I really need to go!" Ang wika ko habang nagmamadali akong umalis sa hospital. Hindi pwedeng hindi ko pupuntahan si Excell.At sa ganitong biglaang lakaran,hindi kotse ang ginagamit ko.Palagi kong ginagamit ang aking motorsiklo,para mabilis makalusot at iwas bunggo. Nang dumating ako sa lugar na sinabi ni Excell.Agad kong nilabas ang aking snyper. Ito palagi ang papel ko,sa twing tumatagilid ang lakad nila Excell. Habang kapit kapit ko ang aking snyper while on top of the roof,Isa Isa kong pibagbabaril ang mga kalaban na nakikita ko mula roon. "Bingo!" Ang wika ko sa tuwing napapatumba ko ang bawat isa sa mga kalaban namin. Noong una nahirapan akong bumaril nang tao.Dahil na nga din sa isa akong doctor.At ang tungkulin ko ay bumubuhay nang tao hindi para pumatay! Pero sa twing naalala ko ang asawa ko,Nagiging madali lang sa akin ang kumitil nang buhay nang isang tao,lalo na kung alam kong walang puso ito. At sa twing may ganitong engkwentru, Iniisip ko nalang na ang mga pinagbabaril ko ay ang mga hayop na bumaboy at pumatay sa asawa ko! "f*CK!! " Ang mura ni Excell. " Yang mga Dela Serna na yan!Kahit kailan panira talaga nang diskarte!" Ang galit na wika ni Excell . Agad naman akong natigilan,nang narinig ko ang pangalan na binanggit ni Excell. "Dela Serna!" Ang bulong ko sa aking sarili. Sa totoo lang tinutulungan ko sila para kay daddy.Hindi dahil may pakialam ako sa kanila. Pero ito ang pinakaunang pagkakataon na nakuha nila ang atensyon ko. " what did you just said? Dela Serna?" Ang tanong ko kay Excell. " Uo,Ang mga g*gung Dela Serna! kahit kailan mga tusong kausap! Akala nila siguro maiiisahan nila tayo!" Ang galit na wika ni Excell. So isa lang ang ibig sabihin nito.Ang nag iisang Mafia lord nang The city Rat ay walang iba kundi isang Dela Serna! Nararamdaman ko na ang nalalapit kong paghihigante sa asawa ko! Sa Hindi inaasahang pangyayari ay kusang lumabas na ang mga Dela Serna'ng yan!Humanda silang lahat sa akin! Nang matapos ang matinding bakbakan,Agad naman akong bumalik sa hospital,na parang wala lang nangyari. Pero ganun nalang ang gulat ko nang biglaang pagpapatawag sa akin nang head doctor ng hospital. "Ihh doc...Sabi ko naman kasi sayo ihh.Puntahan niyo nalang po,kaya mo yan." Ang wika ni Miles sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang puntahan sa office ang head doctor ng hospital. Nang makapasok ako sa office nito,agad sumalubong sa akin ang isang maputing babae.At sa tancha ko ay isa din siyang doctor. Nakasuot siya nang salamin,at sa tancha ko ay halos nasa middle 20's lang ito.Mahaba at derechu ang buhok nito,maamo ang mukha,bilugan ang panga ngatawan,in short maganda ito. Agad namang napatikhim ang head doctor at tumitig sa akin. "Anu Mr. De Silva,tapos kana bang examinin si Doctor Escobar? " She asked. Agad naman akong napailing iling sa sinabi niyang yun. " Doc I'm not! Anyway bakit niyo po pala ako pinatawag?" Ang tanong ko. " Well ,good question Mr. De Silva.From now on,Hindi kana solo sa department mo.Nakakahiya na kasi sayo ihh,sa mga biglaang tawag nang iyong laman.My GOD! Mr.De Silva! nagagawa mong iwanan ang trabaho mo para sa..hmmp! never mind nalang!" Ang galit na turan nang matandang head doctor nang Holy family hospital. "Tss! palibhasa tigang! kaya kung anu anung naiisip!Saka anu ba yung mga pinagsasabi niya?Tawag ng laman? San nanggagaling yun? Oh no! malamang ginagawan ako nang kwento ni Miles! hay naku talaga!" Ang bulong ko sa aking sarili. " And I want you to meet Miss Escobar.Ang magiging kasama mo sa sa department mo!Para hindi naman kawawa ang mga pasyente mong bigla bigla mo nalang iniiwanan." she said Sasagot pa sana ako,pero hindi ko na nagawang sagutin pa ang matandang iyon,dahil para akong namamagnet sa babaeng kaharap ko ngayon. " Wala ka man lang bang sasabihin Mr. De Silva?" ang wika nang head doctor. " Nothing" Ang simpleng sagot ko dito. " Can I go then?" Ang tanong ko sa head doctor. " Haay naku Mr. De Silva!hindi ko alam kong paanu ka naging doctor! won't you mind introducing yourself to her? Kailangan paba talagang detail by detail kong ituturo sayo? My god!" Ang galit na turan nang head doctor sa akin.Tss! " You already told me her name doc,besides kakasabi mo lang, magiging kasama kuna siya sa department ko,I'm sure we can have more time getting to know each other." Ang wika ko dito na nakita kong umiiling iling nalang ito. " can I go now?" Ang tanong kong muli sa head doctor.At kita ko kung paanu umusok ang ilong nito. " Bahala ka sa buhay mo Mr De Silva! nakakaubos ka nang!haay ewan!" she said so pissed. And with that agad akong lumabas at pinuntahan si Miles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD