Zeus De Silva pov's
(Baha)
Ilang araw ko na ding pinag isipan,kung paanu ko ba simulan ang mga plano ko.
Kung sabagay naumpisahan kuna naman iyon,Nang hinalikan ko si Athena.Ayaw kong mag assume pero, nararamdaman kong may special na nararamdaman si Athena para sa akin.
Lalo na yung hinalikan ko ito,I saw it in her eyes.At gagamitin ko iyon para sa mga pangunahing hakbang ko para sa Dela Serna'ng yun.Hindi ko hahayaang mauwe lang sa wala ang paghihigante kong ito.
Isang gabi,bumuhos ang malakas na ulan.At dahil tapos na ang duty ko,Agad akong pumunta sa parking para makauwe na.
Pero agad naman akong natigilan,nang mapansin ko si Athena sa labas nang kotse nito.
Agad ko itong nilapitan.
" May problema ba?" Ang tanong ko sa kanya.
Agad lang itong tumingin sa akin,at tuloy tuloy pa din ang pagtitipa nito sa kanyang phone.
"Hey..may maitutulong ba ako?" ang ulit kong tanong sa kanya.
"No thanks.." Ang pormal na wika nito.
" Look.. malakas ang ulan, Ihahatid na kita ." Ang alok ko sa kanya,dahil mukhang may problema ang kanyang sasakyan.And maybe magandang umpisa ito para sa mga plans ko,to know more about her.
"Thanks but no thanks!" Ang wika nito sa akin.
" Athena,Napalakas ng ulan sa labas and I'm sure,hindi kana masusundo ng boyfriend mo,kaya hayaan mo nalang na ihatid kita." I said.
"pwede ba! wag mo akong tawaging Athena!" ang masungit na wika nito,Pati ba naman pagtawag ko ng pangalan niya,pagbabawalan pa ako! tss!
" Ihahatid na nga kita!" ang wika ko ulit sa kanya.
"wag kang mag alala,Wala naman akong gagawin sayo!Nagmamalasakit lang naman ako,pero kung ayaw mo talaga, Ikaw ang bahala,sige maiwan na kita dito." Ang wika ko sa kanya,sabay talikod at pumunta na sa sasakyan ko.
Pero agad naman akong natigilan,when I heard her talked.
"Wait..." Ang tawag niya sa akin."tss! pakipot!" Ang bulong ko naman.
" Uhm..Sasabay na ako,kahit hanggang highway lang." Ang mahinang wika nito habang papalapit ito sa akin.
Agad lang akong napangite.
"Sumakay kana." Ang wika ko,At agad na din akong sumakay.
Hindi ko alam ,kung feelingero lang ba talaga ako,pero ramdam na ramdam ko ang pagkadiscomfort ni Athena ngayon.
Inistart kuna ang engine,pero para pa din siyang napako sa upuan.She look very tense,ni pag suot nang seatbelt ay hindi niya ito nagawa.
Agad ko itong nilapitan,At kinuha ang seatbelt para ikabit ito sa kanya,pero naiwan ang mukha ko sa tapat nang mukha nito,habang kinakabit ko ang seatbelt.
Tinitigan ko ang mga mata niya,pababa sa kanyang mga labi,na siya namang nakatitig sa akin.
"Do you want to kiss me? " Ang bulong ko sa kanya, na agad namang lumaki ang butas nang ilong nito. Actually inaasar ko lang naman talaga siya.
"what?? pwede ba! kapal mo ah!dun ka nga!" Ang sabi niya sa akin,sabay itinulak ako.
" ihh kung titigan mo kasi ako,parang pakiramdam ko gusto mo na akong sunggaban" Ang wika ko habang nakangiteng tumingin sa kanya.
"Umalis na nga tayo!dami mong alam!" Ang irap niyang wika sa akin.
Agad lang akong napailing iling at pinatakbo kuna ang kotse.
Kinakailangan kong gawin to lahat,gusto kong kuhanin ang loob ni Athena,Nang sa gayon hindi na ako mahihirapang isakatuparan lahat ng mga plano ko.
Masyadong malakas ang ulan,kaya nahihirapang makalusot ang mga sasakyan,dahil nagdulot ito nang matinding trapik,dahilan para kami ay maistock nang halos mag dadalawang oras sa trapik.
Kitang kita ko kung gaanu na ito na iinip sa sobrang trapik,Bute na nga lang at Ranger na sasakyan ang dala ko,at medyo na pataasan kuna din ang gulong nito,kaya ayos lang maski baha,nakakatawid pa din.
Agad kong kinuha ang biskwit sa likuran nang aking sasakyan at inofer ko iyon kay Athena.
"Baka..gusto mo.." Ang wika ko sa kanya habang abot ko ang biskwit.
"No..thank you.." Ang tipid nitong wika.
" wag kanang mahiya,alam kong gutom kana..kaya kainin mo na yan"Ang wika ko naman.
Agad naman nitong kinuha ang biskwit,na walang kaimik imik.
"Bakit ba,parang asar na asar ka sa akin huh?" Ang tanong ko sa kanya.Kahit alam ko na naman din ang sagot.
Agad lang itong umirap..
" Yung ... boyfriend mo,matagal naba kayo nun?" Ang tanong ko sa kanya ulit. Kailangan kong makakuha nang details mula sa lalakeng yun.
"Alam mo,nagpapasalamat ako sayo na nagmamagandang loob ka para ihatid ako ngayon,Pero were not even close para magkwento ako sayo!" Ang masungit na turan nito.
Haay ang mga babae nga naman, sobrang unpredictable!
Agad nalang akong umiiling iling,kung sa bagay,Yung private investigator ko nalang ang bahala dun.
Nang makarating na kami sa mismong tinitirhan nito,hindi ko akalain na medyo mataas pala ang baha sa harapan ng apartment na tinitirhan nito.
Tinitigan ko lang siya habang nag iisip kung lulusong ba siya sa baha o anu.
Ang taas talaga nang pride!
Agad akong bumaba sa kotse ko,at halos lagpas tuhod pala talaga ang taas nang baha.Malamang alam niya na na ganun kalalim ang baha kaya hindi nito alam ang gagawin.
Binuksan ko ang frontseat door, at tumalikod ako para iofer ang likod ko para babahin ko ito.
"Anu bang ginagawa mo ha?" Ang inis na. tanong nito. Tss! ang taray talaga! kung diko pa alam,Ang laki nang pagnanasa niya sa akin.
" bumabah kana sa akin at ihahatid na kita sa loob nang apartment mo.Masyadong mataas ang baha." Ang wika ko sa kanya.
" Kaya ko! umalis ka nga jan! " Ang mataray na wika nito.Hay naku! nakukuha niya pa talagang magsungit nang ganito!
" Kung kaya mo,eh di sana hindi kana inabot pa nang 30 minuto para mag isip kung paanu ka lulusong!" Ang wika ko naman sa kanya na tila napahiya ito.
" Sinong may sabi sayong nag iisip ako huh?pwede ba uma-" hindi kuna pinatuloy ang sasabihin nito.At agad ko na itong binuhat nang pa bridal style.
Nag pupumiglas ito,gaya nang inaasahan ko, Pero I had my ways to make her behave.
"Anu ba! bitiwan mo nga ako! bitiwan mo ako sabi!"Ang pagsisigaw nito.
"Kapag hindi ka tumigil,hahalikan na talaga kita!" Ang wika ko sa kanya,habang nakatitig ako sa mga labi nito.At uti uti akong naglalakad papuntang apartment niya habang buhat buhat ko ito.
At agad lang akong inirapan nito.
Mananahimik ka din naman pala ihh..
Nang makarating kami sa may pinto nang apartment nito,dahan dahan ko itong binaba.
"Salamat." Ang mahinang wika nito.
" Uhm..Baka naman pwedeng makahugas naman muna,nabasa kaya ako sa baha.Baka mamaya magkagalis pa ako,kapag di ako maglilinis nang katawan." Ang hirit ko sa kanya.
Agad naman itong tumingin sa akin,at bumuntong hininga.
"Halika.. pumasok ka sa loob" Ang wika nito.
Agad naman akong pumasok sa loob.
Nang makapasok na kami.Hindi ko mapigilang mamangha, dahil hindi ko inaakalang ganun pala kaganda ang loob nang apartment niya,kung titignan mo sa labas ay simpleng apartment lang ito.
"Wow..Ang ganda naman nang apartment mo." Ang wika ko.
" Sa may ari lahat ng gamit na yan,kaya wag mong hawakan ang mga yan! baka mabasag pa, magbabayad pa ako!" Ang wika niya.
" Pumasok kana,at maghugas.Heto may jersey shorts,pamalit mo.At pagkatapos ay umalis kana agad ah" Ang mataray nitong wika.
Hindi ko nalang siya pinansin,at kinuha ko ang ibinigay niya.Agad akong naglinis ng katawan.
Nang matapos akong maglinis nang katawan,agad akong lumabas nang banyo.
Pero wala na siya sa sala.Kaya agad ko itong hinanap para magpaalam.