Chapter 9

1259 Words
Athena Fraye Escobar pov's (seeing me naked) Hindi ko alam,kung bakit sa lahat nang pagkakataon,Ay ngayon pa talaga hindi dumating si Heiross. Halos napudpud na ang mga daliri ko sa kakamessage at katatawag sa kanya, Pero hindi pa din ito sumasagot. Napakalakas pa nang ulan! At mukha pa atang may bagyo. At sa kasamaang palad ay ayaw pang umistart nang kotse ko.Kaya halos hindi ko na alam ang gagawin kung paanu pa ako makauwe,lalo na't bumabaha na sa labas. Ngayon pa talaga ako binagyo nang kamalasan!kung kailan sobrang lakas din nang ulan!Panu kaya ako makauwe nito ngayon? Pero bigla nalang akong natigilan,nang may bigla nalang nagsalita sa likod ko. " May problema ba?" Ang tanong nito sa akin. Agad akong napalingon sa kanya at patuloy pa din ang pagtipa nang mensahe sa aking phone. "Hey..may maitutulong ba ako?" ang ulit nitong tanong sa akin. "No thanks.." Ang pormal ko namang wika sa kanya,dahil sa totoo lang pagkatapos niyang gawin sa akin ang bagay na yun,parang mas lalo akong nagkaroon nang dahilan para mas iwasan pa ito. Dahil ayaw kong magpapadaig sa naramdaman ng abnormal kong puso,dahil may boyfriend na ako,at ikakasal na ako. " Look.. malakas ang ulan sa labas. Ihahatid na kita ." Ang alok nito sa akin, Siguro dahil nakita niyang may sira ang kotse ko. "Thanks but no thanks!" Ang derechung wika ko sa kanya.Hindi naman sa ayaw ko talaga.Gusto ko lang talagang iwasan ang mga pagkakataon na magkakasama kami ni Mr De Silva. " Athena,Napalakas ng ulan sa labas and I'm sure,hindi kana masusundo ng boyfriend mo.Kaya hayaan mo nalang na ihatid kita."Ang wika niya,na agad naman nagpanting ang tainga ko. Ayaw ko kasing may tumatawag sa akin nang Athena,dahil hindi maganda iyon sa pandinig ko.At kahit nga si Heiross ay hindi ako tinatawag sa ganung pangalan. "Pwede ba! wag mo nga akong tawaging Athena!" ang mataray na wika ko sa kanya. " Ihahatid na nga kita!" ang wika naman nito sa akin. "wag kang mag alala,Wala naman akong gagawin sayo.Nagmamalasakit lang naman ako sayo ihh,pero kung ayaw mo talaga,sige Ikaw ang bahala.Maiwan na kita dito. " Ang wika nito sa akin,sabay talikod nito at pumunta na ito sa sasakyan niya. . Agad naman akong napaisip.At napapapikit nalang.Dahil sa totoo lang wala na naman talaga akong pagpipilian sa ngayon.I have to swallow my pride muna.Kaya agad ko itong tinawag. "Wait..." Ang tawag ko sa kanya.Nakakahiya man,pero kailangan ko nang makauwe,baka matrapp pa ako lalo sa baha. " Sa-sabay na ako..kahit hanggang highway lang." Ang mahinang wika ko habang papalapit na ako sa kanya Ngumite lang ito.Tss! Kainis! bakit kailangan pa niya talagang ngumite. "Sumakay kana." Ang wika nito,kaya kahit labag man sa kalooban ko ay sumakay nalang din ako,at baka mamaya abutin pa ako nang mataas na pagbaha. Sinadya ko talagang hindi ipinaalam sa lahat na may kaya ang katayuan ko sa buhay.Kaya incase of emergency,kumuha talaga ako nang apartment sa may QC,nang sa ganun may matuturo ako kung san ako nakatira. Ika-nga,dapat advance talaga mag isip. Dahil sa sobrang taas nang baha, nagkaroon nang matinding trapik,kaya naging dahilan iyon,para matrapp kami ng halos dalawang oras.. Nakakainis talaga! gutom na gutom na ako,dahil kunti lang kinain ko kanina sa lunch. Pero mabute nalang nag alok sa akin ng biskwit si Mr.De Silva,kaya kahit papanu,naiibsan ang pagkagutom ko. Nang dumating na kami sa QC,sa apartment ko.Lalo lang akong nanlambot nang nakita kong napakataas pala nang baha dito. Kahit kailan, ay hindi ko pa naranasang lumusong sa baha, nakakatakot!baka magkasakit pa ako sa balat.Gustohin ko mang subukan,pero hindi talaga kaya nang powers ko. Ang tagal kong nag isip,kung paanu at anung gagawin ko,para makatawid.Kung sinundo lang sana ako ni Heiross,ehh di sana nasa mansion ako ngayon.Kainis talaga! Agad naman akong natigilan nang biglang bumukas ang pinto sa gawi ko at nakita ko lang naman si Mr De Silva,At inooper niya ang likod nito,para babahin ako. "No way! Ayaw ko nga! chansing lang tong lalaking to!para paraan!"ang bulong ko sa isip ko. Pero nagulat nalang ako nang bigla itong humarap at binuhat ako nang pabridal style,Nabigla ako sa ginawa niyang yun,hindi ko akalain na gagawin niya ang bagay na iyon. "Anu ba! bitiwan mo nga ako! bitiwan mo ako sabi!"Ang pagsisigaw ko,Yes thankful ako sa mga pinaggagawa niya sa akin ngayon.Pero may problema,At malaki! dahil nahihirapan na akong kontrolin ang emosyon ko...para sa kanya! Mas lalo lang akong nakaramdam nang init nang,sinabi niyang.. "Kapag hindi ka tumigil,hahalikan na talaga kita!" Ang seryosong wika nito sa akin,habang nakatitig ito sa aking mga labi.At uti uti itong naglalakad, papuntang apartment ko. Alam kong wala naman akong ginagawang masama,pero bakit ako nagiguilty? bakit pakiramdam ko ay nag chi- cheat ako kay Heiross? Hay naku erase erase Fraye! kung anu anu na naman yang pinag iisip mo! umayos ka nga! Agad ko lang itong inirapan. "Mananahimik ka din naman pala ihh.." Ang natatawang wika nito. Nang makarating na kami sa may pinto nang apartment ko,Agad ako nitong ibinaba. "Salamat." Ang mahina kong wika. Hindi ko maintindihan kung bakit nag iiba talaga ang pakiramdam ko, whenever he's with me. Agad naman akong napalingon nang bigla itong tumikhim. " uhm..Baka naman pwedeng,makahugas naman muna.Nabasa kaya ako sa baha,baka mamaya magkagalis pa ako nito." Ang wika nito sa akin.Tss! ang Arte! Agad naman akong napatingin sa kanya at bumuntong hininga.Syempre lumusong kaya siya sa baha,para lang maihatid ako dito.Napakasama ko naman kong hindi ko man lang muna siya paglinisin ng katawan. "Halika.. pumasok ka sa loob" Ang wika ko.Dahil, syempre kahit papanu kung hindi dahil sa kanya,ay malamang ay hindi pa ako nakauwe ngayon. Agad naman itong ngumite,at pumasok na sa loob. Nang makapasok na kami sa loob.Agad itong namangha sa mga kagamitan ko at ayos nang aking apartment.I know he never expected this kind of things na makikita nito sa loob.Kung titingnan mo kasi ang aking apartment,ay akalain mo'y isang pangkaraniwang apartment lang ito sa labas. Dahil sa totoo lang,kumuha talaga ako nang interior designer,para mapaganda ang loob nang aking apartment. Hindi naman sa maarte ako,siguro dahil I used to it.Na laging maayos at very organized ang mga gamit ko. Mula sa wall style,sa sahig,sa kagamitan.Gusto ko lahat mamahalin.Kaya lahat nang makakakita nang apartment ko,akalain moy nasa loob nang isang penthouse. At lagi ko ding sinasabi na hindi sa akin lahat nang kagamitan na ito.Dahil ayaw kong malaman nilang may kaya ako sa buhay. "Wow..Ang ganda naman nang apartment mo,nakakamangha naman." Ang wika niya sa akin. " Sa may ari lahat ng gamit na yan,kaya wag mong hawakan ang mga yan! baka mabasag pa, magbabayad pa ako!" Ang wika ko naman sa kanya. " Pumasok kana nga ,at maghugas.Heto may jersey shorts,pamalit mo.At pagkatapos ay umalis kana agad ah." Ang mataray kong wika sa kanya. Nang kasalukuyang nasa loob nang banyo si Mr. De Silva,Agad naman akong pumasok sa kwarto ko para magpalit. Naligo muna ako,at para derechu na ang tulog ko. Kasalukuyang nag lalagay ako nang lotion sa binti ko,nang biglang naramdaman kong bumukas ang pinto nang aking kwarto! shacks! diko pala nailock iyon! Agad kong hinablot ang tuwalya,pero huli na ang lahat dahil nakita niya na ang kabuuhan ko. " Oh..I'm sorry!" Ang wika nito sabay talikod. "G-gusto ko lang sanang mag paalam.Pasensya kana,Hindi ko sinasadya" ang wika nito. Hindi ko alam kung anung sasabihin ko,sa totoo lang.Sobra akong speechless. "Just...leave! Now!" Ang sigaw ko sa kanya. Agad ko namang naramdaman ang pagsara nang pinto. "Hay naku! Wala na! nakita niya na lahat! kainis!! " Ang wika ko sa aking sarili.Dahil sa totoo lang sobrang tanga ko din,para hindi inilock ang pinto!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD