Vincent's PoV Tinawagan ako ni Yen na pumunta ako ngayon sa café niya dahil may problema daw siya. Kahit na alam ko kung ano ang problema niya pinuntahan ko pa rin si Yen. Mahal ko siya at ayokong umiiyak siya at nasasaktan. Nag-bike lang ako patungo sa Amore Coffee Shop na bagong bukas na negosyo ni Yen. Kahapon umalis na siya sa bahay namin at nagpaalam na rin sa mga parents ko na bubukod na. Hindi naman tutol ang mga parents ni Yen dahil nasa hustong gulang na ito. Inilagay ko sa basket ng bike ko ang bag ko 'tsaka ako pumasok sa loob ng coffee shop. Pinagtitinginan ako ng mga girls na naroon. Kumaway na lamang ako sa kanila. Kitang-kita ko kung paano sila kiligin dahil sa ginawa ko. "Vince," ani Yen at sumalubong sa akin ng mahigpit na yakap. Hindi ko iniyakap ang mga braso ko k