CHAPTER 9: One month later. . .

1732 Words
“Kailangan mo nang magising tao!” “Tao, naririnig mo ba ako? Kailangan mo ng magising! Kahit anong mangyari kailangan mong magising!” Paulit-ulit kong naririnig ang boses na iyon. “Kailangan ko nang magising, bakit?” pagtatanong ko sa boses na iyon. “Basta, tao, makinig ka sa akin. Kailangan mo ng magising!” malakas niyang sabi. Nakita ko ang mukha niyang galit, hindi ko malaman kung bakit siya nagagalit ngayon. “Bakit nga? T-teka, sino ka ba?” naguguluhan kong tanong sa kanya. “Basta gumising ka na! Ilang buwan ka ng tulog!” malakas niyang sabi sa akin. Ang mukha niya ay galit na galit talaga. “Isang buwan na akong tulog?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Oo, kaya gumising ka na! Gumising ka na ngayon din!” malakas niyang sabi kasabay nuʼn ay paghatak niya sa aking braso. Masakit ang paghatak niya sa aking braso kaya sa ganoʼng paraan ay napadilat na ako. Nakita ko ang purong puti sa aking paligid. “Nasaan ako?” tanong ko sa aking sarili. Nahihirapan akong huminga nang maayos kaya inalis ko ang nakalagay sa aking ilong. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Napatingin ako sa buong room kung nasaan ako, puro puti lang talaga ang aking nakikita, sa tabi ng kamang hinihigaan ko ay may prutas at tubig na nakalagay roon. Pinilit kong umupo sa kamang ito pero nahirapan ako. Nanghihina ang buong katawan ko ngayon. “T-tulong... K-kailangan ko ng tulong...” Pilit kong sumigaw pero walang lumalabas sa aking bibig. Nanghihina ako. Pinipilit kong bumangon para makahingi ako ng tulong sa labas. Paniguradong alam ko na kung nasaan ako, sa hospital. Hospital lang naman ang puro puti ang room, ʼdi ba? Mayroʼn pa ba sa iba? Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang aking sarili na mahuhulog na ako. Napapikit na lamang ako at hinihintay ang aking pagbagsak pero hindi ako nasaktan. “Miss Xanthi! Gising na po kayo. A-ano pong ginagawa niyo?” Napadilat ako nang may marinig akong boses. Napataas ang aking tingin na may nakahawak na sa aking katawan at nakita ko ang isang babae na bakas ang pag-aalala. “Bakit po kayo bababa? Hindi niyo na lang po pinindot ang button na ito para ma-alarm kami na gising na kayo,” saad pa niya sa akin. Inayos niya ako sa aking kama at pinahiga muli. “Miss Xanthi, may masakit po ba sa inyo?” nag-aalalang tanong niya sa akin at chineck ang aking katawan. “Teka lang po, pipindutin ko po itong button para pumunta na rito ang doctor and nurse na magche-check sa inyo. Eksaktong kauuwi lamang ng mommy at daddy niyo para kumuha ng damit.” Patuloy pa rin niyang sabi sa akin at nakita ko ang pag-pindot niya sa button. “Sino ka?” pagtatanong ko sa kanya. Wala akong maalala. Tanging naaalala ko lang ay pangalan ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. “Miss Xanthi? Hindi niyo po ba ako naaalala? A-ako po si Myra, ang katulong niyo simula bata kayo,” sabi niya sa akin. Tinignan ko siya at umiling. “Wala akong maalala tala—” Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang may nagbukas ng pinto sa room kung nasaan kami. “Doctor, hindi niya ako maalala,” saad ng babaeng nagpakilala sa akin na Myra. Lumapit sa akin ang doctor at maging ang dalawang nurse na kasama niya. “Miss, kilala mo ba ang sarili mo?” pagtatanong sa akin ng doctor na bagong dating. “Pangalan ko po?” pagtatanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Yes, Miss. Anong pangalan mo? Ilang taon ka na? Kailan ang birthday mo?” sunod-sunod niyang tanong niya sa akin. “Um, Iʼm Xanthi Curtis, twenty five years old and September 2 ang birthday ko, doctor,” sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagtango-tango niya sa akin. “You have a selective amnesia, Miss Curtis... Kilala mo ba ang magulang mo?” tanong niya muli sa akin. “Kyla and Xervino Curtis ang pangalan ng magulang ko,” sabi ko sa kanya. Tumango muli siya sa akin. “I-che-check ka muna namin, Miss Curtis.” Tinignan ko ang ginawa nila sa akin. Chineck ang aking blood pressure at maging ang ang kanang braso ko, nakita kong may gaza na nakatampal doon. May sugat ako? Bakit ako nagkasugat? Ano bang nangyari sa akin? “Papunta na ba ang pamilya ni Miss Curtis?” Hindi ako ang kausap niya, kung ʼdi si Myra na nagpakilala kanina. Dapat ba tawagin ko siyang ate Myra dahil paniguradong mas matanda siya sa akin. “Yes po, doctor. Tinext ko na po si Miss Kyla na gising na po si Miss Xanthi, pabalik na po sila ngayon,” mabilis na sabi ni ate Myra. “You call them para makarating agad sila rito at masabi namin ang condition ni Miss Curtis sa kanila.” Nakikinig lamang ako rito habang sinasabi ni Doctor ang mga iyon kay ate Myra. “Okay po, doctor. Tatawagan ko na po si maʼam Kyla para bumalik na po sila,” mabilis niyang sagot. Napatingin sa akin ang doctor. “Babalik na lamang kami, Miss Curtis. Sa ngayon, magpahinga ka na muna.” sabi niya sa akin at siyang pagtango ko sa kanya. Lumabas na siya sa room kung nasaan kami ni ate Myra. “Miss Xanthi, may kailangan po ba kayo? Tubig po?” pagtatanong niya sa akin. “T-tubig,” sabi ko sa kanya. Kumilos agad siya at kinuhanan ako ng tubig. “Miss Xanthi, heto po. Tawagin niyo na lang po ang name ko kapag may iuutos po kayo. Lalabas lang po ako para tawagan ang mommy niyo po,” sabi niya sa akin Kinuha ko ang baso na may lamang tubig. “Okay, ate Myra. Salamat po,” sabi ko sa kanya at ininom na itong tubig. Nakita ko ang paglabas niya sa room na kinalalagyan namin. Naubos ko na ang tubig pero hindi pa rin siya bumabalik. Ano ba talagang nangyari sa akin? Bakit nandito ako sa hospital. Hinintay ko na lamang bumalik si ate Myra, pero sa pagbalik niya ay nakita kong may kasama siyang dalawa sa likod niya, ang parents ko. “Xanthi!” malakas na tawag ni mommy sa akin. Pagkalapit niya ay niyakap niya ako nang mahigpit. “Are you okay, darling?” nag-aalala niyang tanong sa akin at hinaplos ang aking pisngi. “Mom, Iʼm okay, but may sinabi ang doctor kanina na may selective amnesia ako. Nagkausap na po ba kayo?” pagtatanong ko sa kanya habang patuloy pa rin ang paghaplos niya sa akin. “Yes, darling, nakausap na namin siya ng dad mo. Pero, sinabihan niya kami na okay ka naman. Maayos ang vitals mo kaya wala dapat kaming alalahanin about sa iyo,” nakangiting sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Yes, Xanthi, anak, maayos ka na. Sobra mo kaming pinag-alala sa iyo nang malamang nabangga ang kotse na sinasakyan niyo ni Carlito. Akala namin ay mawawala ka na sa amin.” Niyakap ako ni dad. Naramdaman ko ang pag-alala sa kanilang boses. “Dad, mom, a-ano po bang nangyari sa akin? Bakit nandito po ako? Wala po talaga akong matandaan,” pagtatanong ko sa kanya. Nakita ko ang tinginan nila ni dad sa isaʼt isa. “Darling, wala ka ba talagang maalala ng araw na iyon?” Umiling ako sa kanila. “Wala po talaga, mommy. Hindi ko nga po alam kung bakit nandito ako sa hospital.” “Isang buwan na ang nakakalipas, darling, nang mabangga ang kotseng sinasakyan niyo ni Carlito. Halos atakihin ako sa puso ng sabihin ni Carlito na nabangga kayo at sa part mo napuruhan. Nagmadali kami ng dad mong puntahan ka agad, ilang beses akong nag-novena para maka-survive ka, darling. Kaya nang malaman naming ligtas ka na sa kamatayan ay hindi kami umalis sa tabi mo... Kanina lamang dahil kailangan namin kumuha ng damit muli. Iʼm sorry, darling. Sana mapatawad mo ang mommy mo... Kung ʼdi ko pinakuha ang bag ko sa VL sa iyo, hindi ka ma-a-aksidente... Wala ka sana ngayon dito at hindi lamang iyon, muntik ka na rin kunin sa amin,” nanginginig ang kanyang boses nang sabihin niya iyon sa akin. Napalunok ako dahil sa kanyang sinabi. “N-nabangga kami ng isang kotse? Sa pʼwesto ko tumama?” Napapikit na lamang ako sa aking sinabi. “Isang buwan din akong tulog?” Tumango sa akin si mommy. Muli kong naalala ang boses na naririnig ko. Iyong boses na nagpapagising sa akin. Sino kaya iyon? “Mommy, p-pʼwede na po ba akong umuwi? N-naalala ko iyong mga manok ko po,” pagtatanong ko sa kanya. “Darling naman... Nasa hospital ka pa pero manok mo agad ang inaatupag mo.” “Kyla.” Nakita ko ang pag-iling ni dad kay mommy. “Kagagaling lang ng anak natin, hayaan mo na siya sa hilig niya...” Napatingin sa akin si dad. “Xanthi, maayos ang mga alaga mo, inalagaan sila ni Gio habang tulog ka rito. Kaya huwag mong alalahanin. Magpagaling ka para makalabas ka na agad, Xanthi.” kausap sa akin ni daddy kaya tumango ako sa kanya. “Darling, kumain ka na muna, alam naming gutom ka na. Sa ngayon, lugaw na lang muna, iyon ang sabi ng doctor mo.” Nakita kong hinanda na ni ate Myra ang lugaw na dala niya, kaya pala nawala siya dahil bumili ng makakain ko. “Hindi pa po ba ako pʼwedeng umuwi?” pagtatanong ko nang subuan ako ni mommy. “Hindi pa, Xanthi. Pero, once na pʼwede na, iuuwi ka agad namin. Alam naming ayaw mo na rin dito,” nakangiting sabi ni dad at tumango ako. Kinain ko ang lugaw na ito hanggang maubos ko. Nanood na muna ako habang nakabantay pa rin sina dad, mom and ate Myra sa akin. Nang mapagod akong manood ay naramdaman ako ng antok. Napahiga na lamang muli ako rito nang matapos kong panoorin ang cartoons na pinapanood ko. Kailangan kong magtiis dito sa hospital dahil hindi pa raw ako pʼwedeng lumabas. Ang pinagtataka ko lang, parang may nakalimutan ako sa aking buhay. Hindi ko lang mawari kung ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD