NAKATINGIN lamang ako kina Jin, Jim and Jix na nakaupo sa labas ng morgue. Nasa loob na ang katawan ko nang matapos sabihin ng doctor na patay na ako. “9:23PM...” usal ko sa oras ng aking kamatayan.
“Tama ang sabi ko sa iyo, tao. Namamamatay ka sa oras na 9:23PM, ayaw mo pa maniwala.”
Tinarayan ko ang manok sa tabi ko na lumilipad, parehas pala kaming lumilipad, ako dahil kaluluwa at siya ay sinasabing taga-sundo ko raw.
“Hindi ako maniniwala lalo na sa manok na katulad mo. Kakikita ko lang naman sa iyo kanina. Kaya bakit ako maniniwala?” mataray na sabi ko sa kanya. Pinunasan ko ang aking mga mata, kahit kaluluwa na ako, umiyak pa rin ako kanina.
“Hoy, tao, hindi lang ako basta manok, taga-sundo at saint manok ako! Maliwanag!” putak niyang sabi sa akin. “Seryoso ka bang maghihintay ka pa rin sa mundo ng mga tao?”
Tumango ako sa kanya at nilapitan silang tatlo na wala pa rin sa sarili. Mugto ang mga mata nila dahil sa pag-iyak nila sa akin.
“Gusto kong makita ang sarili ko na naka-burol, manok. Gusto ko pa rin sila makita. Gusto kong alagaan sila.” sabi ko sa kanya habang ang mga mata ko ay nakatingin sa kanilang tatlo.
Gusto ko silang yakapin pero tumatagos lamang ako sa kanilang katawan.
“Bahala ka, tao! Kung gusto mong makita pa sila, bahala ka. Susundan na lamang kita dahil huling pagkakataon mo na itong makita sila sa ganyang pagkatao mo... Kung kakausapin mo siya, alam mo namang hindi ka na pʼwedeng bumalik sa dating anyo mo, patay na ang katawang tao mo... Teka, kung papasa ka pa pala!”
Nanggigil ako sa sinabi niya. “Gagawin ko ang lahat para pumayag siya. Kung sino man ang kailangan kong kausapin sa itaas, once na umakyat na ako, manok. Gagawin ko ang lahat para mapapayag ko siya.” madiin na sabi ko sa kanya.
“Titilaok! Ikaw ang bahala, tao! Galingan mo!” malakas niyang sabi at iniwanan na naman niya ako.
Dalawang oras nang matapos akong dalhin sa loob ng morgue ay bumukas na muli iyon. Tumayo sina Jin, Jix, Jim and maging sila tita Jewel, sina Jeppy and Nene naman ay wala rito, pinauwi na muna silang tatlo kasama si Jasmine dahil napagod sila kakaiyak nang malamang patay na ako.
“Ano na ang balita sa loob?” mahinang tanong ni Jim habang nakasilip siya sa morgue.
“Maayos na po ang lahat, Mr. Lazaro. Naayusan na rin namin siya at maging ang filipiña dress na binigay niyo sa amin para maging damit niya sa kanyang kabaong ay pinasuot na namin. Pʼwede niyo na po siyang iburol nang maayos,” saad ng makeup artist na nag-ayos sa akin, kasama niya ang ilang lalaki sa likod niya.
“Maraming salamat. Gusto na namin siyang makita,” malungkot na sabi ni Jix.
“Ilalabas na po namin siya para dalhin sa private sanctuarium na napili niyo po, Mr. Lazaro.” Tumango sila sa lalaking nasa likod ng makeup artist kanina.
Ilalabas na nila ako. Makikita ko na mukha ko na wala ng kahit ano sa aking katawan. Hindi na talaga ako makakabalik sa aking katawan, katulad ng sinabi ng manok na iyon.
“Hello, mommy, nagbabantay kaming tatlo ngayon sa iyo. First day ng burol mo... Hindi pa rin namin matanggap na iniwan mo na kami. Kaya ngayong burol mo ay babantayan ka naming tatlo, aalagaan ka namin. Nandito kaming tatlo sa harap ng casket mo. Matulog ka lang dʼyan, mommy.” Hilaw ang ngiti ni Jin habang sinasabi niya iyon.
“Sobrang ganda mo, mommy.” Iyon lamang ang sinabi ni Jim sa akin at nakita ko ang pagpunas ng kanyang luha.
“Baby, papunta na rito sina Jeppy and Nene. Paniguradong iiyak na naman silang dalawa... Dahil sa ganda mo ngayon. We love you so much!” huling sabi ni Jix habang nakatingin sila sa aking tatlo, sa mismong casket ko.
“I love you three, Jin, Jim and Jix.” naiiyak na sabi ko sa kanila.
Four days naʼng iburol ako rito sa private sanctuarium. Four days na rin na hindi umaalis sa harap ng casket ko sina Jin, Jix and Jim. Nakamasid lamang ako rito habang sila ay hindi nagpapahinga.
“Kuya Jix, kuya Jin and kuya Jim, pinapasabi po ni tita Jewel na matulog daw po kayo, may private room po rito. Kami na po muna bahala kay ate Miya.”
Nakita ko ang kapatid kong si Jeppy, malaki rin ang eyebags niya sa kanyang mga mata. Hindi rin siya makatulog dahil sa akin. Bakit ganito ang binibigay ko sa kanila? Bakit pighati ang binigay ko? Gusto pa talaga sila makasama pero bakit hanggang dito na lamang ang buhay ko?
“Kaya pa namin, Jeppy. Gusto naming bantayan ang ate Miya mo. Please, pakisabi kay mom na ayos lang kami rito. Kaya namin para sa kanya.”
Napa-indian seat ako sa harapan nilang tatlo. Kita ko ngayon ang lubog at nangingitim nilang mga mata, maging ang kanilang mukha ay namamayat na rin. Wala na silang sapat na pahinga dahil sa akin.
“Kuya Jim, huwag na po kayong makulit. Kung nakikita man tayo ni ate Miya hindi rin siya makakapayag na makita kayong ganito... S-siguro po ay tapos na ang oras ni ate Miya sa mundong ito... Siguro ang purpose na lamang niya kaya tumagal siya ng ilang buwan para ilabas ang kambal niyo pong anak. Kaya palakas po kayong tatlo para sa dalawang pamangkin ko po.”
Speaking of kambal na anak. Naalala ko ang sinabi ng manok na iyon, naisilang ko ang anak ko. Nasaan sila? Bakit hindi ko sila makita rito?
Nakita ko ang pagyuko ni Jin. Ang kamay naman ni Jim ay kumuyom at si Jix naman ay napatakpan sa kanyang mukha.
“Ang mga anak natin... Sila na lamang ang iniwan ni Miya sa atin,” mahinang sabi ni Jin at nagulat akong tumayo siya.
Lumakad siya sa paharap kaya dumaan siya sa aking katawan at dumiretso sa aking casket. Sinundan ko siya at nakita ko roon ang katawan ko. Para lang akong natutulog pero iyon nga lang hindi na ako babangon.
“Miya, mahal na mahal ka namin. Sobra pa sa sobra... Kaya bakit ang daya ng maykapal? Kinuha ka agad sa amin. Nangako tayong bubuo nang malaking pamilya pero iniwan mo agad kami. Bakit ikaw pa?”
Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi ni Jinx habang nakaharap sa aking kabaong. Hindi ko kayang makitang umiiyak sila kaya umalis ako roon para hanapin ang manok na nagsasalita.
Nadaanan ko ang ibang bisita sa burol ko, may ibang hindi ko kilala at ang iba naman ay nakita ko noong kasal naming apat, mga Lazaro rin silang lahat. Huling nadaanan ko ay sina tita Jewel, tito Carlos and tito Carl, may kausap silang dalawang matanda, hindi ko sila kilala.
“Anong balak nilang tatlo sa kambal na anak nila, Carlos? Baby pa ang mga iyan, paniguradong maghahanap iyon ng mommy nila.”
Mommy? Ako iyon. Ako lang dapat ang mommy nila.
“Remi, hindi ko alam kung anong balak nilang tatlo. Susuportahan namin sila kung anong gusto nila... For now, desidido ang tatlong alagaan ang kambal nilang anak. Lalo naʼt ang angkan natin ay isang beses lamang magmamahal,” baritonong sabi ni tito Carlos sa dalawang lalaking nasa harapan niya.
“Hindi sa lahat ng oras ay totoo ang kasabihan sa atin, Carlos... Katulad na lamang ako, umibig muli ako sa pangalawang pagkakataon kay Akuti. Kaya hindi natin masasabing ayaw naʼng tatlo ang mag-asawa, malay mo sa susunod ay sila mismo ang maghanap ng muli nilang iibigin.”
Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Anong pinupunto niya? Na maghahanap din ang tatlong iyon?
“No way!” madiin na sabi ko sa lalaking huling nagsalita. Sarap niyang sigawan ngayon.
“Yes way!”
Nagulat ako nang may sumigaw sa gilid ko at nakita ko ang manok na iyon na kumausap sa akin sa ICU.
“Mabuti naman nagpakita ka sa akin, Manok! Hahanapin dapat kita, pero nadaanan ko silang nag-uusap. Nainis ako sa sinabi ng lalaking ito!” gigil na sabi ko sa kanya at tinuro ang lalaking katapat ni tito Carl.
“Totoo naman ang sinabi niya, tao. Malay mo ay magmahal muli ang mga asawa mo ng iba... Masyado pa silang bata para hindi mag-asawa.”
Nanikip ang aking dibdib dahil sa sinabi niyang iyon. Paano nga kung ganoʼn? Tatanggapin ko ba ganoʼng patay na ako?
Napailing na lamang ako sa aking iniisip at tinignan siya. “Hindi nila magagawa iyon, Manok. Nangako sila sa akin... Nangako silang ako lamang ang mamahalin nila hanggang dulo, ako lamang,” sabi ko sa kanya.
“Ang mga tao ay madaling mapaniwala. Ang mga tao ay hindi alam kung ano ang kanilang sinasabi... Bumubukas lamang ang kanilang mga bibig para magsabi ng mga mabulaklak na salita, pero sa huli hindi naman sila sigurado. Umiikot ang mundo kaya posibleng magbago ang sinabi nila sa iyo, tao... Sinungaling ang mga tao. Mapalinlang. Walang isang salita at higit sa lahat madaling makalimot sa pinangako.”
“Hindi totoo iyong mga sinasabi mo. Iba sila, manok!”
“Tao, matagal na akong nagsusundo... Lahat ng sinusundo ko ay iisa lamang sinasabi, iba sila. Kung ako sa iyo, alisin mo na niyang sa isipan mo na hindi sila mag-aasawa, katulad ng sinabi ng taong ito. Lahat ng nagbabago. Lahat ay hindi permanente sa mundo.”
Natamaan ako sa sinabi niyang iyon pero hindi ako sumuko. “Alam ko sa puso kong totoo ang sinabi nila sa akin, manok... Oo nga pala, hinahanap kita hindi dahil doon. Gusto kong malaman kung nasaʼn ang kambal na anak kong isinilang? Gusto ko silang makita,” sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagtuka niya sa cornick na kanyang kinakain. “Nasa hospital ang kambal na isinilang mo, tao. Kulang sila sa buwan kaya kailangan nilang manatili pa roon. Huwag kang mag-alala, ligtas sila sa kapahamakan.”
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa kanyang sinabi. “Mabuti naman kung ganoʼn. Gusto ko silang makita, kahit alam kong hindi ko na sila mahahalikan at mahahawakan. Gusto ko lamang sila makita sa huling pagkakataon,” sabi ko sa kanya.
“Ang dami mong gusto, tao. Makikita mo rin sila sa mismong araw ng libing mo. Sa ngayon, alagaan mo muna ang tatlong asawa mo, patulugin mo sila,” masungit niyang sabi sa akin na siyang pagkanganga ko.
“T-teka, saan ka pupunta?” pagtatanong ko sa kanya nang makitang palayo na siya. “Hoy, manok, saan ka pupunta! Aba deadmatology ka! Sarap mong gawing tinola!” sigaw ko sa kanya, pero dineadma pa rin niya ako.
Napailing na lamang ako sa inasal niya. May masungit din pa lang manok? Ilang araw na kaming magkasama pero hindi ko alam kung may pangalan ba siya.
Hindi ko na lamang siya papansinin at muling bumalik sa unahan kung nasaan sina Jin, Jim.and Jix.