CHAPTER 3: Hanggang sa Huli

1569 Words
NGAYON ang araw ng aking libing. Lahat sila ay nandito ngayon sa private room kung saan ako nakaburol. Lahat sila ay nakasuot na puting damit na may nakalagay na 'Forever ka sa puso namin, ate Miya'. Hindi lamang iyon dahil may nakita akong mga puting balloon na nilabas na, mukhang ilalagay iyon sa mga kotseng gagamitin. “Talagang papanoorin mo ang paglibing sa katawan mo, tao?” Ayan na naman ang manok na ito. Konti na lang talaga, gagawin ko na siyang tinola, or, pʼwede namang fried chicken. Alam ko na, both na lamang ang gagawin ko sa kanya. Nilingon ko siya at nakita ko na naman siyang kumakain. Wala bang minutong hindi tumutuka ang isang ito? “Nakapag-isip na ako, manok. Papanoorin ko talaga ang katawan ko hanggang mailibing sa ilalim ng lupa, 6ft under the ground,” seryosong sabi ko sa kanya. “Ikaw ang bahala, tao... Teka, ilang beses ko na naririnig sa bibig mo ang manok. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako ordinaryong manok lamang! Saint manok ako! Tagasundo ako ng mga katulad mong namatay na hindi inaasahan!” malakas niyang sabi sa akin at ang kanyang tuka ay panay tuka sa kanyang kinakain. “W-wait, a-anong sinabi mo? Tagasundo ka sa mga katulad kong namatay na hindi inaasahan? Anong ibigsabihin nuʼn, manok?” naguguluhan kong tanong sa kanya. Tumigil siya sa katutuka niya sa kanyang pagkain at tumingin sa akin. “Malalaman mo iyon kapag umakyat na tayo sa taas, tao. Kaya ngayong araw kahit ayaw mo pang umakyat ay kailangan mo ng umakyat para kausapin siya,” seryosong sabi niya sa akin. Napalunok ako sa kanyang sinabi. Kinakabahan ako king sino talaga ang kakausapin ko sa itaas once na umakyat na ako. Si San Pedro kaya? O, baka si God. Tumango ako sa kanyang sinabi. “Pinapangako kong aakyat na rin ako ngayong araw. Gusto ko na rin silang makasama at para maliwanagan na ako kung ano ang sinasabi mo kanina, na tagasundo kita ng mga namatay na hindi inaasahan,” seryosong sabi ko sa kanya. Nakatingin lamang siya sa akin at bigla na lamang umalis. “Oh, siya, tao, aalis na muna ako. Iiwanan muna kita rito!” malakas niyang sabi at bigla na lamang siyang naglaho. Hindi ko na lamang muna inintindi ang sinabi ni manok at bumalik ako sa tatlong asawa ko. Nakita ko ang mga mata nilang nakatingin sa akin. “Miya, ihahatid ka na namin sa huling hatungan mo. Mahal na mahal ka naming tatlo... Hindi ka naming makakalimutan hanggang sa susunod na buhay natin, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin namin, our Miya Apodar Lazaro.” Napasinghap ako at pinigilan ang pagtulo ng aking luha dahil sa sinabi ni Jin habang nakatingin sa katawan kong nasa casket. “Sobrang mahal ko rin kayo, Jin, Jix and Jim. Pangako babalik ako sa inyo. Sa pangalawang pagkakataon na magkikita tayo, hindi na ako aalis sa piling niyo,” nakangiting sabi ko sa kanila. Kalahating oras ang nakalipas nang pinalabas na sila sa loob, sumunod ako sa kanila habang ang aking casket ay nasa loob pa rin, ilalabas na raw iyon para ilagay sa karo papunta sa huling hantungan ko. Palabas na kami nang makita sina tita Jewel, tito Carlos and tito Carl, may karga silang baby. Bumilis ang kabog ng aking dibdib dahil may himala akong iyon ang mga anak na isinilang ko. “Jin, sumakay na kayo sa kotse. Dala namin ang kambal. Wala pang pamagalan silang dalawa,” mahinang sabi ni tita Jewel. Lumapit si Jix sa anak naming babae. “Miya Jessi and Jaxon Matthew ang pangalan nila, mom, and dads.” Napangiti ako sa sinabi ni Jix. Napatitig ako sa anak kong babae. “Hello, Miya Jessi, sobrang ganda mo...” Napangiti ako nang sabihin ko iyon. “Ikaw rin, Jaxon Matthew, aalagaan ko kayo at babantayan, ha?” Nagulat ako nang mapatingin sa akin si Jaxon, tumatawa siya habang nakatingin sa direksyon ko. Kaya hindi ko napigilang ngumiti talaga nang malaki. “Mahal na mahal ko kayong dalawa, Jessi and Jaxon.” Nakasakay na kami rito sa kotse kung nasaan sina Jin, Jix and Jim, kasama ang kambal naming anak, sina Jessi and Jaxon. Ngayon ko lamang sila nakita dahil ngayon lamang sila nilabas mula sa incubator. Napangiti ako nang makitang humikab ang anak kong babae, na si Jessi. Sobrang ganda talaga niya. Gusto ko siyang buhatin pero alam kong tatagos lang din ako ʼpag ginawa ko iyon. Hindi naging mabilis ang pagdating namin sa cemetery kung saan ako ililibing. Bumaba na rin ang lahat kaya maging ako ay sinundan sila. Nakahanda na ang mga lobo na paliliparin, maging ang mga bulaklak na itatapon once na ibaba na nila ang casket ko. Nakaayos na ang lahat, ako na lamang ang hindi pa. Kaya lumapit ako sa aking coffin at tinitigan ang aking mukha. “Paalam. Salamat sa halos dalawangpuʼt limang taon nating pagsasama. Maililibang ka man sa lupa, pero ang kaluluwa ko ay hindi mamamatay.” saad ko sa aking katawan at umalis na roon. Lumapit na ang lahat sa aking kabaong nang maiayos na iyon. Nakita ko si Nene na umiiyak na habang nakatingin sa aking katawan. “Ate Miya!” malakas niyang tawag sa pangalan ko. “Sorry po... Sorry po kung hindi kita na-i-save. Sana... Sana hindi na lang ako natulog nang ma-aksidente tayo. Dahil sa akin namatay ka, ate Miya, dahil sinave mo ko! P-pangako aalagaan at mamahalin ko ang aking mga pamangkin. Kaya huwag ka na mag-aalala dʼyan, kami na po bahala sa kanila,” umiiyak niyang sabi habang hinahagod ni Jeppy ang likod ni Nene. Hindi ko na napigilang mapaiyak. “Nene, wala kang kasalanan, ha? Mahal na mahal kita kaya sinave kita. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Kasi kahit anong mangyari ay gagawin at gagawin ko pa rin iyon, ililigtas pa rin kita. Be happy. Nene. Gusto kong lumaki ka nang maayos din,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Ah, ate Miya, nandito ka po ba?” Nagulat ako nang mapatingin siya sa akin, akala ko tuloy ay nakikita niya ako. Bigla kasing humangin nang malakas. “Miya? Mommy, kung nandito ka man... Aalagaan namin sina Jessi and Jaxon!” malakas na sabi ni Jim habang nakatingin sa paligid niya. “Ikaw lang ang nasa puso namin, Miya! Ikaw lamang ang mamahalin namin at hindi na kami muli iibig ng iba!” sigaw rin ni Jin. “Lahat ng sinabi nila mommy ay totoo. Hindi kami magmamahal ng iba. Wala pa rin sa isipan namin na wala ka na, kami na lamang muling tatlo, kasama ang dalawang anak na iniwan mo sa amin. Pangako, aalagaan namin sila. Mahal na mahal ka namin. Paalam, hanggang sa susunod nating pagkikita...” huling sabi ni Jix at nilagay na niya ang puting bulaklak sa casket ko, maging ang iba ay naglagay na rin. Hindi ko na mapunasan ang luha ko na sunod-sunod na talagang tumutulo. “Mahal ko rin kayong tatlo, maging ang kambal nating anak at maging Jeppy, Nene and Jasmine. Babalik ako sa inyo. Babalikan ko kayo,” nakangiting sabi ko sa kanila habang ang tingin nila ay sa coffin kong papalubog sa lupa. Ibabaon na ang katawan ko. Patay na ang katawang tao ko bilang Miya Apodar Lazaro. Wala na ako rito sa mundong ibabaw. Kokonti na lamang ang tao sa paligid at ang aking kabaong ay nasa lupa na talaga, may nakatakip na rin doon sa hukay ko, maging ang pansamantala kong lapida ay nakalagay na roon. Napatingin ako sa tatlong asawa ko at sa kambal na anak ko, nandito pa rin sila. “Babalik ako... Sana sa pagbalik ko, ako pa rin sana ang piliin niyong lima. Babalik ako. Gagawin ko ang lahat para makabalik,” nakangiting sabi ko sa kanila at niyakap ko sila. “M-Miya? Nandito ka ba?” Napangiti ako nang marinig ang boses ni Jin. Ngumiting tumango ako sa kanila kahit hindi nila ako nakikita. “Ako nga, Jin. Babantayan ko kayo, ha? Iingatan ko kayo at babalikan ko kaya sa tamang panahon. Mahal ko kayo!” malakas na sabi ko sa kanila, kasabay ng aking paghalik sa kanyang noo ay malakas na humangin. “Mahal na mahal ka namin, Miya!” malakas nilang sabi sa akin. “Tao, kailangan na nating umakyat. Kailangan mo pa siyang kausapin kung gusto mo talaga bumalik dito sa mundo ng mga tao.” Nagulat ako nang makitang nandito na muli ang manok na ito. Bigla-bigla na lamang siya sumusulpot. Nagugulat ako. Tumango akong tumingin sa kanya. “Handa na akong umakyat at kausapin ang dapat kong kausapin para sa pagbabalik ko rito, maging ang sinabi mo kanina sa akin... Gusto kong malaman ang lahat-lahat, manok. Dahil isa lang ang gusto ko ngayon, makasama muli silang lahat. Babalik ako sa piling nila kahit anong mangyari. Sa kanila pa rin ako babalik,” mahabang sabi ko sa kanya. “Kung gusto mo ng umakyat humawak ka sa akin at lilipad na tayo papunta sa langit ngayon.” Napatingin ako sa huling pagkakataon sa kanila at ngumiting nagsalita, “maraming salamat. Hanggang sa susunod muli, Jin, Jix and Jim!” Humawak na ako sa manok na ito at naramdaman kong unti-unti na kaming lumalayo sa kanila. Handa na ako. Haharapin ko ang lahat para makabalik dito sa mundo ng mga tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD