ISANG linggo na ang nakakalipas nang pumunta ako sa Mall at makita ang batang lalaki, ang daddy and kapatid niyang babae. Until now hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga mukha nila, parang nakita ko na talaga sila. Saan ko ba sila nakita? Napagulong-gulong ako sa kama ko at iniisip ko pa rin iyon. Sumasakit na ang ulo ko dahil doon, ilang days ko na rin kasi iniisip. Hanggang may pumasok sa aking isipan. “Teka, natatandaan ko na yata,” saad ko sa aking sarili at napaupo ako sa gilid ng kama. “Ay, hindi pa pala!” Muli akong humiga sa kama. Huminga akong malalim. “Huwag na lang natin intindihin iyon, Xanthi, sasakit lang ulo natin. Saka, baka kusa ko na rin maalala iyon. Ang problema natin ay itong boredom natin. Daycare center and bahay lang ang punta natin, wala ng iba. Gusto ko na