MABILIS akong tumatakbo para puntahan na si Achilles sa tapat ng Gil Restaurant. Nakaka-ilang chat na rin at request ng video call si Achilles pero dine-decline ko. Achilles: Xanthi? where have you been Don't tell me you left me? Xanthi, have mercy on me I'm starving! You said treat me today! Xanthi? Don't you feel sorry for your best friend? Xanthi, mamamatay na yata ako sa gutom. Napangiwi na lamang ako sa mga chat niya. Akala mo isang linggong hindi kumain para mamatay agad. Exaggerated siya masyado. Pero, paano ko sasabihin sa kanya na hindi pa ako nakakapunta sa bookstore para bumili ng books at iba pang materials na need ko. Hindi rin talaga namalayan ang oras at hindi ko rin maiwan si Jaxon, takot talaga siyang iwan ko siya sa information desk kanina. Nakita ko na si Achill