"Huh? But why?" naguguluhan na tanong ng mga kasamahan ni Ann. Kung puwede lang siguro niya makita ang malaking question mark sa mukha ng mga ito ay siguro kanina niya pa nakita. Nakatingin ang mga ito sa kaniya maging si Zadkiel din na lumipat ng upo matapos ang ginawang panunukso ng kanilang mga kasamahan kanina. Napakagat na lang ng sariling dila si Ann at hindi alam kung ano ang isasagot. Nahihiya siya na aminin sa mga ito na wala siyang talent sa pag-arte. Pakiramdam niya kasi kapag sinabi niya iyon ay ma d-dismaya ang mga ito. Akala siguro nila na magaling siya umarte pero ang totoo naman pala ay hindi. She really sucks at acting and she doesn't know why! Pero minsan ay nakaka-arte naman siya, but during those time, it comes out naturally. Hindi niya pinilit ang sarili na umarte