SPRING's POV Three years ago...(JUNE 2012) "Is she okay Doc?" "Don't worry Mr. Wheather. Your daughter is fine." Minulat ko ang mga mata ko at nabungaran ko ang Tatay na halatang nag-aalala habang kausap ang doktor. Doktor? Iginala ko ang paningin ko sa paligid at napagtantong nasa hospital ako. Pero anong ginagawa ko dito? "Thank god, you're awake." Nabaling ang atensyon ko Tatay. "B-bakit ako nandito Tay?" nagtataka kong tanong. "You don't remember what happened?" Napatigil ako sa pag-iling ng maalala ang mga pangyayari kanina lang. "D-dad, 'yung babae k-kumusta na siya?" Kumunot ang noo nito. "Sinong babae? Sabi ng doctor, nahimatay ka due to shock. Ano bang nangyari?" Napatakip ako sa tenga ng muli ko na namang marinig ang sigaw ng lalaki sa akin kanina. Ang malakas na sal