SPRING's POV "Saan ba talaga tayo pupunta?!" Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinanong si Cane na nagmamaneho pero ang damuho ay ngumisi lang sabay sabi na naman na... "I said you'll know when we get there. Huwag ka ngang makulit. Natext mo na ba si Light?" tanong nito na tinanguan ko na lang. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong magsinungaling kay Light na may group project ako kasama si Cane para lang samahan ito sa isang lugar na tiyak kong hindi ko magugustuhan. Kapalit ng ano Spring? Nang pagsasabi niya sa 'yo ng mga pinaggagawa mo kagabi? Seriously?! Gaano ka naman nakakasigurado na totoo ang sasabihin niya sa 'yo? Sa naisip ay gusto kong sabunutan ang sarili ko. Oo nga naman, bakit hindi ko naisip 'yon?! Halos isang oras na kaming bumibyahe pero ngayon ko lang naisip