CHAPTER 38—Give up or keep going?

2046 Words

Napanguso ako at nagtagal ng ilang minuto bago ulit pumasok sa mansyon. Mukhang inihanda na nila ang mga pagkain na kahapon pa nila niluluto. Dumating na rin pala ang lechon na inorder ni Nanay Sonya. Naglaway yata ako bigla. Dalawang beses pa lang yata akong nakatikim ng lechong baboy, nakikikurot pa! “This is a wonderful celebration and surprise, everyone! I would like to express my gratitude. Kaya gustong-gusto kong umuuwi dahil sa inyo. You all have been faithful with us and bear to my son if he is sometimes grumpy,” wika ni Mrs. Wilson na hindi mawala-wala ang kanyang ngiti. “Mom!” Reklamo ni Rome. Tinawanan naman siya ni Xino. Napangiti ako sa reaksyon niya. Cute talaga mainis ni Rome, lalo akong naiinlove. “Tita, ipapaalam ko sa mama ko na dumating kayo para mabisita ka niya,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD