CHAPTER-2

2018 Words
Tasha Bawat magdaan na mga oras at araw ay naging kakambal ko ang kaba. Simula nang dumating ang anak na panganay ni Governor. Minsan kasi, kahit tila wala naman tao akong nakikita sa paligid, pero ramdam ko ang tila mainit na titig sa akin ng kung sino! Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon at dala ng nararamdaman kong takot para sa panganay na Villamar, o talagang nasa palagid lamang siya at naghihintay ng pagkakataong masakmal ako? Pero bakit naman niya gagawin 'yon? Itatanong ko pa ba 'yon sa isip ko? 'Di bat ang isang rapist ay hindi namimili ng bibiktamahin? Maari rin akong maging kaniyang biktima tulad ng ibang naging kasambahay na nila! Isang nakakatakot na imahe ang laging umaalipin sa isip ko, simula ng makilala ko ang panganay na anak ni Governor. 'Ni hirap ko ngang banggitin ang pangalan niya! Hindi mapigilan ng tuhod kong mangatog mabanggit lamang ang pangalan ng panganay na Villamar! "Tasha, tawag ka ni Señorito, Zaturnino." Ang imporma sa akin ni Lena. Isa sa kasamahan namin sa mansyon. Isa siya sa malapit sa akin at nakagaanan ko na ng loob. Panganay lamang ito ng ilang taon sa akin sa edad na 21. Magka-edad sila ni Joyce. Isa rin ito sa mga kasamahan namin sa mansyon, ngunit tila mabigat naman ang dugo ng isang 'yon sa akin. Pansin ko 'yon sa mga erap at malamig nitong pakikitungo simula ng dumating ako sa mansyon. "Bakit daw Lena?" ang nagtataka at medyo kabado kong tanong. Tapos ko na naman linisin ang kuwarto niya kanina. Ano naman kaya ang kailangan nito at kailangang puntahan ko pa talaga sa kaniyang silid? Nagkibit ito ng balikat at umiling. "Hindi ko alam e, basta inutusan lang n'ya akong papuntahin ka sa kuwarto niya." Ang parang wala lang na anito. Napanguso ako, unti-unting ginagapangan ng nerbyos ang dibdib ko. But then, parang may biglang naisip na dahilan si Lena kaya ako pinatawag ng Beast son ng aming amo! Napapitik pa sa hangin si Lena. "Tama! May dumating kanina na babae e, nagtuloy sa kuwarto ni Sir Zat. Kilala ko 'yon kapag may dumarating na babae. At pagkatapos umalis ng babae, magpapalinis ng kuwarto 'yon! " ang nakangisi at makahulugan nitong sabi. I am just 17 yrs old, at wala pang karanasan. Ni hindi ko pa naranasan magkanobyo, at masyado pa akong bata para riyan. Pero hindi naman ako gan'on kainosente at katanga para hindi makuha ang ibig nitong sabihin. Napalunok ako. So, gan'on pala. Pagkatapos niyang makipagyugyugan, ako ang paglilinisin niya ng dumi nila?! Kadiri talaga siya, parang katawan niyang puro tattoo! "Sige na Tash. Akyatin mo na. Naninigaw pa naman 'yon 'pag naiinip," ang bugaw niya sa pananahimik ko. Para akong nahimasmasan sa huling narinig. Ayaw kong masigawan syempre! Dala-dala ang mga gamit panglinis ay dali akong nagtungo sa silid niya. Paakyat na ako ng hagdanan nang tawagin at harangin naman ako ni Joyce. "At saan ka pupunta?" ang nakataas na kilay nitong tanong sa akin. Hindi ko alam pero napapansin ko lang na mainit ang dugo talaga nito sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Para bang lagi itong nireregla sa tuwing nakikita ako? "Kay Señorito. Pinapatawag daw kase ako e, baka daw ipalinis 'yong kiwarto niya kaya nagdala na rin ako ng panglinis." Ang mahinahon kong sagot sa kan'ya. Pinipilit ko pa rin maging mahinahon at huwag patulan ang mga pagsusungit niya sa akin. Kahit ang totoo, naiimbyerna at naiirita na rin ako sa walang kadahilanan niyang pagmamaldita sa akin. Ayaw ko kasi ng kaaway sa trabaho. Napakaimportante sa akin ang trabaho kong ito, para makatulong sa pamilya ko. "Akin na 'yan!" ang agaw nito sa dala kong balde na may lamang mga panglinis. Wala akong nagawa at hindi na lang ako umimik. Pero sa kabilang banda, ay masaya ako. Mas gusto ko nga iyon e! Siya na ang nagkusa! Siya ang maglilinis ng silid ni Beast! Ibig sabihin hindi ko makikita ang pagmumukha ng Beast na 'yon! Hinayaan ko na lang siya at mas hinarap ko ang iba ko pang gawain. Nasa likod ako ng bahay para muling magdilig ng mga halaman at magwalis-walis na rin roon ng mga dahon. Kung siya ang gagawa ng mga trabaho ko sa kuwarto ng Beast na 'yon, aba e, di maganda! Mas pabor iyon sa akin! Napapahuni pa ako sa pagdidilig nang may biglang humablot sa hose na hawak ko. Awtomatikong napatili ako! Hindi ko iyon inaasahan! 'Ni hindi ko napansin na nakalapit na siya sa akin. Nag-panic ang dibdib ko, nang bumungad sa akin ang salubong na kilay ni Señorito Zaturnino! Ang medyo nag-iigting nitong panga. Lalo pang nakadagdag sa kaba ko nang makitang nabasa ang suot nitong damit! Dahil sa pagtalsik ng tubig mula sa hose. Sa tangkad niya at laki ng pangangatawan ay talagang dama ko ang pangliliit. Pakiramdam ko nga parang kayang- kaya niya akong buhatin ng isang kamay lang nito at itapon sa mataas na pader na bakod palabas ng mansyon! Agad nitong pinatay ang tubig. Pagkatapos ay muli akong hinarap! "Wala bang sinabi sa iyo si Lena?" ang matigas nitong tanong. Halos magdugtong na ang mga kilay nito sa pagsasalubong. Natataranta ang utak ko sa nakikita kong galit nito, kaya hindi agad ako nakasagot! Hindi ba nagawa ni Joyce ang pinapagawa nito? Kaya gan'on na lamang ang galit nito ngayon? "Lena!" ang sigaw nitong tawag sa kasamahan ko. "Lena!" ang mas malakas nitong sigaw na tila hindi makapaghintay. Nakapamewang na ito at napasuklay ng buhok gamit ang kamay. Agad naman ang pagdalo ni Lena sa amin. Humahangos pa! Nasa likod bahay naman kami pero parang dagundong yata para sa kanila ang boses nitong si Beast at sagap na sagap ng tainga nila! "Señorito ano ho 'yon?" ang natataranta at humahangos na si Lena. Napatingin rin ito sa akin na hindi maikakatwa ang takot sa aking itsura! "Hindi bat sinabi kong tawagin mo siya at papuntahin sa kuwarto ko?" Ang matigas na tanong nito kay Lena, na bahagya nang namumutla. Napatingin ito sa akin na parang nagtatanong. Kita ko sa kaniya ang takot at pagkataranta. Kaya pati ako natataranta na rin lalo! "Tash, 'di ba sinabihan kita kanina?" Ang anitong bakas na bakas ang takot. Binalingan ako ni Señorito at tinitigan ako ng matiim. Hindi ko masalubong ang mga mata niya na parang bubuga ng apoy! Parang napakalaking kasalanan nang nagawa namin. E, puwede ko naman linisin ang kuwarto niya ngayon kung halimbawang nakaligtaan man iyon ni Joyce na gawin. "E-- sen...S-eñorito, g-gagawin ko naman na sana pero, sabi kasi ni J-joyce siya na lang daw po." Ang ninerbyos kong sabi. Nag-igting muli ang panga nito. " 'Pag sinabi kong ikaw ang kailangan ko, ikaw ang kailangan ko! Maliwanag ba?" ang galit pa rin nitong tanong. Nanginginig at nanlamig ang mga kamay kong tumango sa kaniya. Naiiyak na rin ako... Napatingin siya sa kamay ko. Alam ko nakita niya ang panginginig ko. Marahas siyang humugot ng hininga. "Linisin mo ang kuwarto ko." Ang medyo kalmado na niyang sabi pero seryoso pa rin ang mukha. Agad akong kumilos. Ni hindi ko na siya tinignan pa. Mabilis ang mga hakbang kong pumasok sa kabahayan at halos magkanda- dapa na ako sa panginginig ng tuhod ko. Nang makalayo ako rito ay parang gusto kong bumulaslas ng iyak. Nakakatakot siya! Puwede naman niyang sabihin ng maayos at gagawin ko naman pero parang mas gusto nitong laging nakasigaw at laging natatakot ang mga tao sa kaniya. Nang nasa kuwarto na niya ako ay agad kong tinanggal ang kobre kama, para palitan ng bago. Nilagay sa basket kong dala para dalhin sa washing room. Habang nagpapalit ako ng kobre kama ay naramdaman ko ang presensya nito. Ang pagpasok niya ng kuwarto. Ang pagtitig niya sa akin. Damang-dama ko lahat 'yon! Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. Natatakot ako na baka galit pa siya. Takot at inis ang nararamdaman ko sa kan'ya. Lalo kong binilisan ang kilos ko. Ayaw kong magtagal sa kuwarto n'ya. Para akong hindi makahinga! Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang isinusuksok ang dulo ng bedsheet sa kantong bahagi ng kama nito. Pero dahil sa kapayatan ko at liit, idadag pang medyo malaki talaga ang kama niya, ay nahihirapan akong ipitin at ilusot ang kobre. Halos mapalundag ako ng bigla na lamang niyang hawakan ang kamay ko. Awtomatiko ang naging reaksyon ko at agad na hinala ang aking kamay. "B-bakit ka nanginginig? Natatakot ka ba sa akin?" ang nakangisi nitong tanong. Gusto ko itong tarayan sa tanong niya! Ano bang ini-expect ng taong to sa akin? Maglulundag ako sa tuwa at ngingitian siya ng pagkatamis-tamis pagkatapos niyang sumigaw-sigaw sa labas? Kung hindi ko lang talaga amo 'to, at hindi ko kailangan na kailangan ang trabahong 'to, at kahit napakabata ko pa sa kan'ya ay talagang matatarayan ko 'to. Pero pinipilit kong lunukin ang inis at ang iritang nag-uumpisang umusbong sa dibdib ko. "Ayaw ko lang na nasusuway ang utos ko, kaya kapag ikaw ang gusto kong pumunta rito, ikaw ang pupunta." Ang mababang boses na nitong sabi. Mahinahon na rin ang pagkakasabi niya, 'di tulad kanina, na akala mo'y napakalaking kasalanan na ang nagawa namin sa kan'ya. Hindi ako kumilos, hindi ako nagsalita para sagutin siya. Bahagya lamang akong nakayuko. Malapit na malapit siya sa akin. Pigil na pigil ko ang paghinga. Kung magtatagal pa siya sa tabi ko, hindi ko na kakayanin! Masyadong masikip ang distansya namin! Naso-suffocate ako. Gusto ko ng hangin! Hindi ko matagalan ang presensya niya.. Naninikip ang dibdib ko! Nanindig ang balahibo ko nang sandyain nitong paraanan ng hintuturo nito ang balat ko sa aking braso. Agad akong lumayo. Nakita ko pang bahagya siyang napangisi. Huwag lang siyang magkakamaling gawan ako ng masama, dahil talagang sisigaw ako! Gustong-gusto ko ng tumakbo pero hindi ko magawa. Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng kobre kama. Mas binilisan ko ang kilos ko. Kahit na nanginginig ang mga kamay ko, at hindi na rin mapigilan ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Gusto kong mapapikit nang makita ko sa sulok ng aking mga mata ang paghuhubad niya ng t-shirt niya! Nakita ko rin ang tila pagtatanggal niya ng pantalon. Wala talagang pakundangan! Walang modo! Hindi ba niya naiisip na minor lang ako? Ah! Rapist nga pala siya! Hindi siya kumikilala ng edad! Pero huwag na huwag siyang magkakamaling hawakan ako ulit! Dahil talagang sisigaw at lalaban ako! "Tasha, ang gandang pangalan kasing ganda ng may-ari." He mumbled. Pero hindi ako sigurado kung tama ba ang aking pagkakarinig. Hinayaan ko na lang at hindi nagkomento. Hindi ko na lang siya pinansin. Ang gusto ko lang ay matapos na ang trabaho ko, at makaalis na sa kuwarto nito. "How old are you, Tasha?" ang dinig kong tanong niya. Papasyaw akong sumulyap sa kaniya. Naka- boxer short lamang siya! Agad kong binalik ang pansin ko sa ginagawa. Isa-isa ko nang nilalagyan ng punda ang mga unan niya. Huminga ako ng malalim. "Seventeen po..." Ang mababang boses kong sagot. Narinig kong bumulong siya. Ewan ko pero pakiramdam ko, nagmura siya. Sana lang tumigil na siya sa kakatanong! Dahil ayaw ko siyang kausap kung maari! Narinig ko ang biglang pagtikhim niya. "Kailan ka mag- eighteen? Kailan ang birthday mo?" nagulat ako sa tanong niya pero sinagot ko na lang din. Para tumigil na siya sa kakausap sa akin! "May 7 po." Ang simple at mahina kong sagot. Doon ay napasulyap na ako sa kan'ya habang inaayos ang mga unan sa pagkakasandal sa headboard. "Hmm... 3 months from now. Puwede na." Ang parang bulong nito sa hangin. Lihim na napataas ang kilay ko sa narinig. Pero hindi ako nagpakita ng reaksyon. "May boyfriend ka na ba?" natigilan ako sa kaniyang tanong. Huminga ako ng malalim. "W-wala po. B-bata pa po ako para isipin 'yan," nabubulol sa kaba kong sagot. "Good." Ang sabi lang nito at iniwan na ako't pumasok ng banyo. Hindi ko alam kung para sa saan ang sinabi niyang iyon. Pero nagpapasalamat ako't umalis na rin ito sa harapan ko. Doon lamang kasi ako nakahinga ng maluwag. Kailangan ko ng bilisan para hindi na niya ako maabutan pa sa loob ng kaniyang kuwarto, 'pag labas niya ng banyo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD