"YES, BEBE love ko."kumikinang ang mata niya habang nakatitig siya sa mukha ng nobyo niya sa monitor ng computer na gamit niya.
Nasa computer shop siya ngayon, medyo may kalayuan sa bahay ni Claude. Malayo-layo din ang nilakad niya para lang makarating siya sa computershop. Nadala na siya sa pagsakay sa tricycle sa lugar nila Claude baka tagain na naman siya ng mahal na pamasahe.
"I'll be ther next month, finally we will personally be together, my baby"
Nagbeautiful eyes lang siya bilang sagot sa sinabi ng nobyo niya.
"I loved to hug and kiss you my baby"muling pa nito sa kanya.
"Too, me love you also my bebe love ko"
Malakas na tawa ang sinagot naman ng nobyo niya sa sinabi niya, itong tao na ito sobrang masiyahin. Palagi niyang napapatawa ang nobyo niya kaya mahal na mahal siya nito.
"Okay my baby, I'm dying too finally see in person. I'll be there at exactly one month from this day okay. You will pick me up in the airport at that day. And we will spend our time in a hotel, tell that your mother"
Feeling niya dudugo na ang ilong niya sa sinabi ng nobyo niya. wala siyang maintindihan masyado sa sobrang bilis nitong magsalita.
Mother nalang ang naintindihan niya tsaka hotel. Anong gagawin ng nanay niya sa hotel, napakamot naman tuloy siya ulo niya sa sinabi nito sa kanya.
"I love you my baby"muling nagsalita ang nobyo niya.
Doon siya napangiti sa sinabi nito, iyon kasi ang naintindihan niya sa lahat ng sinabi nito mula pa kanina.
"I love you too my bebe love ko"pinahaba pa niya ang nguso niya na parang hahalikan ito.
Tawa lang naman ang naging sagot nitong muli.
"I have to go, is late in here. I need to sleep, I have a early meeting tomorrow to my future clients"
Na naman wala na naman siyang naintindihan sa sinabi nito. nahihiya kasi siyang sabihin dito na bagalan naman ang pagsasalita kasi hindi talaga niya maintindihan kapag mabilis magsalita. Tapos slang pa kung magsalita ang nobyo, iyong tipo na parang halos ayaw ng lumabas ng salita sa bibig nito.
"Sleep okay..."iyon nalang sinagot niya tutal parang narinig niyang sinabi nito ang salitang sleep.
"Okay see you in a month...I'll be there before Christmas"paalam nito bago mawala ang mukha nito sa screen ng computer.
Doon parang nagsink in sa utak niya ang sinabi nito, bigla kasing nagslowmo ang pananalita nito kaya naintindihan niya.
Napatapik pa siya sa noo niya ng marealize ang kanina pa nila pinag-uusapan na dalawa ni Daniel.
"Jejeng ina, isang buwan nalang magkikita na kami ni Daniel my bebe love ko"puno ng pangamba na kausap niya sa sarili niya.
Nanlaki na din ang mata niya habang nakatitig siya sa monitor ng maisip niya ang sitwasyon na meron siya ngayon.
Sa tatlong araw niyang pagstay sa bahay ni Claude wala pa din siyang napapala sa lalaking iyon. panay pa din ang iwas nito sa kanya pati na din walk out mas madalas pa din.
Nagmamadali siyang umalis sa computer shop at mabilis na naglakad pabalik sa bahay ni Claude. Kailangan niyang makulit ang lalaki na ayusin na ang gusot nilang dalawa ngayon.
"MANONG, nasaan na naman iyong amo niyong magaling?"angil niya agad ng makarating siya sa talyer ni Claude.
Hindi niya kasi nabungaran doon ang lalaki, usually naman nandoon lang ito ng ganitong oras nakikipag-inuman sa mga tauhan nito. sa dalawang gabi niyang nakasama ang lalaking iyon may mga napansin na siyang ugali nito na pamilyar talaga sa kanya.
"Naku, sinundan kang lumabas kanina"sagot ni Mang Roger.
Bagsak ang balikat na pumasok nalang siya sa loob ng bahay, ayaw naman niyang humara-hara sa labas ng talyer dahil madaming ginagawa doon kahit pa sabihin na gabi na. Pansin niya din na kahit may mga katabing ibang talyer si Claude siya ang dinadayo ng mga tao para pagpagawaan ng mga sasakyan nito.
"Saan ka ba nanggaling ha?"hindi pa man siya nakakaupo sa sofa bigla nalang dumating si Claude na mukhang pagod.
"Claude, maghiwalay na tayo please. Dadating na si Daniel, isang buwan mula ngayon"hindi niya pinansin ang pagod o ang tanong nito.
"BAKIT BA ANG KULIT MO!"sigaw nito sa kanya.
Natigilan naman siya sa pagsigaw nito sa kanya, nakabukas din ang pinto ng bahay kaya nakita niyang napatayo din ang mga tauhan nito at napasilip sa kanila.
"Sinabi ko ng wala akong balak na makipaghiwalay sayo. Ano ba ang mahirap intindihin doon"muling sigaw nito sa kanya.
Nangilid naman ang luha niya habang nakatitig siya kay Claude. Kita ang galit sa mga mata habang nakatitig sa kanya at nagsasalita.
"Ano din ba ang mahirap intindihan na kailangan nating maghiwalay kasi nga ikakasal na ako sa boyfriend ko"ganting sigaw niya pero hindi na niya napigilan ang maiyak habang nagsasalita.
"Tangina naman!"sigaw muli ni Claude.
Para itong masisiraan ng bait habang sinasabunutan ang sarili.
"Listen, you and I will remain married. No one will ever set us apart, even you. you will stay as my wife as long I wanted it and that's finaly"mabilis nitong sinabi.
Lalo naman siyang naiyak sa sinabi nito sa kanya. halos naghahalo na nga ang luha, uhog at laway niya sa sobrang sama ng loob niya.
"Do you understand?"muling sigaw ni Claude sa kanya.
Pumalahaw na siya ng iyak sa sigaw nito. doon naman parang natauhan si Claude, lumapit ito sa kanya at niyakap siya habang pilit na pinapatahan.
"Shhh...sorry na, wag ka ng umiyak okay...sorry na hindi na ako galit"pagpapatahan nito sa kanya na para siyang batang paslit na pinapatahan ng tatay dahil napagalitan nito.
Some how parang biglang gumaan ang loob niya sa ginawa nitong pagpapatahan sa kanya.
"Hindi naman ako umiiyak kasi galit ka..."aniya sa pagitan ng paghikbi niya.
Kumalas ng kaunti sa kanya si Claude at tinitigan siya.
"Umiiyak ako kasi wala akong naintindihan sa mga sinabi mo"aniya at muling umatungal ng sobrang lakas.
Hindi na niya alam kung anong naging reaction ni Claude sa pag-amin niya sa kahinaan niya. ano naman kasing magagawa niya, maganda lang siya at sexy pero bobita siya. Aba sobra naman na yata siyang suswertehin kung naging matalino pa siya. Tama ng maganda at sexy nalang siya sa iba nalang ang katalinuhan, nakakabaliw iyon sabi ng iba.
LIMANG araw pa ang matuling lumipas, pero ganoon pa din. Wala pa ding pinagbago ang lahat, mauubos na ang baon niyang pera. Kaya kailangan na niyang umuwi sa kanila, buti nalang talaga may mga damit na kasya sa kanya sa bahay ni Claude. Kaya hindi na niya kinailangan na bumili ng damit.
"Uuwi na ako samin"paalam niya kay Claude habang kumakain sila ng agahan.
Napatigil naman sa pagsubo ito matapos niyang masabi ang pakay.
"Wala na akong pera, tsaka baka nag-aalala na si Nanay sakin. Mahigit isang linggo na ako dito, madami pa akong kailangan na asikasuhin bago dumating si Daniel"dugtong pa niya.
Bumuntong hininga lang si Claude bago muling nagpatuloy sa pagkain. Tahimik ito sa buong maghapon, hindi din ito umalis ng bahay o kaya naman ang tumanggap ng gagawing sasakyan. Nasa sala lang ito nanunood ng TV, pero mukhang wala naman doon ang atensyon nito.
"Claude"
Tatlong beses pa niya ito tinawag bago siya nito nilingon pero hindi naman ito nagsalita nakatingin lang sa kanya.
"Uuwi na ako bukas"ulit niya sa paalam niya.
Wala pa ding reaksiyon ito sa kanya nakatitig lang ito sa kanya na para bang hinihintay pa ang iba niyang sasabihin.
"Kahit na uuwi ako, kukulitin pa din kita. Kailangan ko talagang mapawalang bisa ang kasal natin bago dumating si Daniel."
Pumikit naman ito at napasintido habang parang pagod na napasandal ito.
"Uulitin ko sayo Rhiane, mahirap magpawalang bisa ng kasal. Hindi porket gusto mong mawalan ng bisa ang kasal natin ganon nalang iyon. madaming proseso, malaking halaga ang kakailanganin. At wala akong pera para doon, nakikita mo naman hirap din ako sa buhay"parang napapagod na nga itong magpaliwanag sa kanya.
Maging siya din naman napapagod na ipilit ang gusto niya, minsan nga habang kausap niya si Daniel sa chat parang gusto na niyang sabihin ang totoo. Kaso naiisip niya baka biglang magback out si Daniel kapag sinabi niya ito.
"Kasi naman pano ba naman kasi tayo nakasal"naiiyak niyang turan dito.
Pero wala naman siyang nakuhang sagot mula kay Claude. Nakatitig lang ito sa kanya.
"Ikaw hindi k aba nagtataka kung paano tayo nakasal na dalawa?"derekta na niyang tanong dito.
Umiwas naman ito ng tingin sa kanya at muling binalingan ang TV.
"Hoy Claude!"naiinis na niyang tawag dito.
"H-hindi ko din alam"mahina pero malinaw naman niyang narinig ang sinabi nito.
"Ano kaya kung pumunta nalang tayo sa NSO at Civil registry magreklamo tayo na hindi natin alam kung paano tayo nakasal baka sakali magawan ng paraan"bigla niyang naisip.
Bigla din para siyang nabuhayan ng loob sa naisip niya. Bigla pakiramdam niya ang talino niya bigla sa naisip niyang iyon, dapat noon pa niya naisip iyon.
"Walang mababago kahit pa magpunta tayo doon. Still kasal pa din tayo kahit sabihin mong hindi moa lam kung paano ka nakasal sakin"walang gana na sagot ni Claude.
Doon naman siya parang nanghina muli kaya naupo na siya sa tabi nito at nakititig na din sa TV.
Wala naman siyang masyadong maintindihan sa pinapanood ni Claude. Kasi naman puro English movie ang pinapanood nito, wala tuloy siyang maintindihan sa mga sinasabi ng character doon.
"Lipat mo"utos niya kay Claude ng talaga wala na siyang maintindihan.
"Sasama ako sayo bukas"malayong sagot nito sa kanya.
Hindi niya ito pinansin, inagaw nalang niya ang remote dito at inilipat sa isang local channel at nanood nalang siya. Bukas nalang ulit siya mag-iisip, napagod na ang utak niya na nag-isip kanina tapos nakapanood pa siya ng puro English ng English.
..................