MAAGA pa lang nakagayak na siya para umuwi, tutal malapit lang naman ang terminal ng bus sa bahay ni Claude maglalakad nalang siya para makatipid. Sakto nalang kasing pamasahe niya sa bus ang dala niyang pera. "Saan ka pupunta?"tanong niya kay Claude ng mabungaran niya ito sa sala na nakagayak na din. Ang nakakagulat para sa kanya ay ang bag na nasa tabi nito. hindi naman kalakihan ang bag na nasa tabi nito sa tingin niya sakto lang na damit ito para sa isang linggo. "Sasama sayo"simple sagot nito sa kanya. Napanganga naman siya sa sinagot nito sa kanya, nakita niyang tumayo na ito at isinukbit ang bag sa likod. "Ano pang tinatayo-tayo mo diyan, tara nab aka abutin pa tayo ng hapon"yakag nito sa kanya. Maraming beses siyang napakurap ng makalabas nan g bahay si Claude. Doon lang niya