Eleven MALAKAS ANG ulan, madami pa siyang kailangan na asikasuhin sa bukid at sa talyer na sinisimulan pa lang niyang itayo. Sa bukid naman kasi, malakas ang bagyo, karamihan sa tanim niyang palay ay dumapa, malapit pa naman na ang anihan. Nanghihinayang siya kaso wala naman siyang magagawa dahil kalamidad naman na ang may gawa. "Claude, sumilong ka na muna"tawag sa kanya ng isa sa mga kasama niya bahay. Nginitian lang niya ito at nagpatuloy sa ginagawa niyang pagsisinop ng mga gamit niya sa talyer. Tapos nito, susugud pa siya bukid para tignan kung may maisasalba pa siya. Sa loob ng ilang taon na niyang nagsasaka, kabisado na niya ang pasikot sikot ng pagsasaka. Labing limang taon palang siya ito na ang inaatupag niya. kaya nga ng magcollege siya, agriculture ang kinuha niyang kurso,