"AHHHH!!! May banana!" Mariing nakapikit siya habang para na siyang naitulos sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung paano ang gagawin niya ngayon, kung imumulat na ba ang kanyang mata o ipipikit lang niya ng pirmis. "Ang assuming mo naman, imulat mo na ang mata mo."bulong sa kanya ni Claude. Nang imulat niya ang mata niya nakita niya na nakabihis na ito at palabas nan g kuwarto at nalagpasan na siya nito. nang tignan niya ang mga pinaghubaran nito wala na doon ang mga iyon. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang nakabihis na ito. "Hoy lalaki!"habol niya dito. Deretso lang naman ang lalaki sa sala nila at naupo sa sofa nila at nagsindi ng TV, ngayon lang din niya napansin na nakapangbahay na ito. "Ano ba iyon sweetheart ko?"tanong nito sa kanya na hindi naman tumitingin sa k