Chapter- 5

1862 Words
NASA bar sina Polly at huling gabi na ni Maggie sa Pilipinas. “Drink all you can, Poling.” “Ahay naman, ateng! H’wag mo akong tawagin sa pangalang ’yan.” “I love you, Poling! Payalap nga ako, bilis. Mami-miss kita, eh.” “Kung hindi lang kita mahal bilang kapatid ay hindi kita yayakapin nang ganito. Ang daming hot fafa at dahil sa ’yo mukhang hindi ako makakabingwit nito.” “Malandi ka talaga! Pa-kiss nga ako, Poling.” “Ay ano ba ’yan, ateng! bakit kakaiba ka yata ngayon? Anong masamang hangin ang nalanghap mo?” Bigla na lang tumulo ang luha ni Maggie at nag-panic agad si Polly. “Hey! What’s wrong with you, friend? Lasing ka na ba?” Tahimik na umiiyak si Maggie at bumalik na naman ang lahat ng nangyari sa kanya—ang ginawa sa kanya ni Dark at ang pagkamatay ng anak niya. Patuloy sa pagdaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata at wala siyang pakialam may mga tao sa paligid. Hindi naman matiis ni Polly ang kanyang kaibigan kaya kahit gusto pa niyang magtagal sila roon ay tinawag na lang niya ang waiter. “Please ang bill namin, lasing na ang kasama ko.” Tinabihan ni Polly ang dalaga sa upuan saka kinabig ang ulo nito at isinandig sa kanyang balikat. Alam niyang may pinagdadaanang problema ito pero ayaw naman niyang pangunahan. Hinihintay niyang kusang magkuwento sa kanya si Maggie. Siguro this time ay masasabi na nito sa kanya ang lahat ng nangyari sa tatlong buwang hindi nila pagkikita. Nang mabayaran ang kanilang nainom, kinuha ni Polly ang body bag ng kaibigan at isinukbit sa katawan niya. Maingat niya itong inalalyang makatayo at iginiya palabas ng bar. Mabagal ang lakad nila patungong parking habang panay pa rin ang iyak ng kasama. “Ang sakit, P-Poling, kasalanan ng gag*ng ’yon!” “Tama na, h’wag ka nang umiyak. Ako ang nasasaktan sa nangyayari sa ’yo, eh. Alam kong may mabigat kang problema at gusto kong malaman mo na handa akong makinig.” “I-I hate him, b-bakit siya pa, Poling? Bakit?” “Ang ano ba ’yon? Sabihin mo sa akin.” “Ahh, nasusuka ako!” Hinila agad ni Polly sa gilid ng parking si Maggie at doon hinayaang magsuka ito. Panay ang hagod niya sa likod ng lasing na babae. “Ano, kaya mo na ba? Hindi ka na nasusuka para makaalis na tayo?” “D-Dark, gag* ka! Hayup! Dahil sa ’yo n-namatay ang anak ko!” “Hey! Ano’ng pinagsasabi mo?” “Halika na, Poling, umuwi na tayo. I-I want to sleep, maaga pa ako bukas.” “Sige, mabuti pa nga. Halika na sa kotse mo at babalikan ko na lang ang sasakyan ko bukas.” Naguguluhan si Polly sa pinagsasabi ng kaibigan. Imposible na may anak si Maggie. Matagal na silang magkaibigan pero wala itong nababanggit tungkol sa bata. Ini-on niya ang engine at nilisan na nila ang lugar. ***** SA mansiyon ay nanggagalaiti sa galit si Dark nang matanggap ang ilang litrato ni Maggie at ng lalaking kasama nito sa bar. Sa mga kuha ay obvious na may relasyon ang dalawa dahil sa sobrang sweet ng mga ito. Ang sabi rin ng agent na inutusan niya, malinaw na narinig nito na siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng anak ng dalaga. Bakit ba siya nagagalit, eh wala naman dapat siyang pakialam sa amasonang iyon? Malay ba niya kung ang lalaking kasama nito sa picture ang ama ng bata. Minsan pa niyang sinulyapan ang mga picture na nasa e-mail niya saka iyon ini-log out. Nagsasayang lang siya ng oras sa pag-iisip sa babaeng ’yon. Eh, ano ba ang pakialam niya? Kaya lang naman niya dinala sa mansiyon ang babae ay dahil gusto niyang makabawi sa ginawang pagbaril nito sa kanya. Ipinangako niya sa sariling maikakama niya ang amasonang iyon at ngayon na nagawa na niya ay hindi na niya dapat isipin pa ito. Ipinatong niya ang cell phone sa side table at pumasok sa loob ng banyo. Mabilis siyang nag-shower dahil nanlalagkit siya sa tagal nila sa port. Nang matapos mag-shower ay nagsuot lang siya ng boxer shorts at hubad na nahiga sa malaking kama. Dahil sa pagod ay agad siyang nakatulog. Bandang hatinggabi nang magising si Dark na pawisan at malakas ang kaba ng dibdib. Agad siyang bumangon at nagmamadaling bumaba. Kailangan niyang uminom ng tubig dahil nanuyo ang kanyang lalamunan. Nang makainon ng dalawang basong tubig ay napaupo siya sa couch. Bakit gano’n ang laman ng panaginip niya? Isang babaeng duguan at batang umiiyak habang nasa gilid ng bangin. “O, bakit gising ka pa, anak?” Nalingunan niya ang ama na papasok din sa kusina. “Uminom lang ako ng tubig, Dad. Sige po, babalik na ako sa kuwarto ko.” “Sige, good night.” “Good night, Dad.” Nasundan ni Jade ang palayong anak. Naramdaman niyang may dinadalang problema ito na hindi sinasabi. Sa kuwarto ni Dark ay hindi na siya dinalaw ng antok kaya bumangon na lang siya at hinanap ang remote ng TV. Ini-on niya iyon at naghanap ng mapanonood. Isang movie na kauumpisa pa lang ang pinanood niya. Habang nakatitig sa screen ay biglang lumitaw sa paningin niya ang mukha ni Maggie na umiiyak. Ipinilig niya nang ilang beses ang ulo saka lang nawala iyon. Ano ba’ng nangyayari sa kanya? Bakit siya balisa lalo na nang malaman niyang siya ang sinisisi ng dalaga sa pagkamatay ng anak nito? Siguro kailangan niyang kausapin ang babae, pero ano naman ang sasabihin niya? Magulo ang isipan niya na bumalik sa pagkakahiga sa kama habang nakasandal ang ulo sa headboard. Hindi nagtagal ay nakaramdam siya ng pamimigat ng mata. Sikat na ang araw nang magising si Dark. Walang-gana niyang dinampot ang cell phone at nagbukas ng e-mail. Ilang picture ang bagong pasok sa e-mail niya. Binuksan niya iyon at tumambad si Maggie na may hila-hilang maleta. Meaning, lalabas ng bansa ito. Tiningnan niya ang oras ng e-mail na ’yon. Nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil kanina pa pala ’yon, almost three hours na. So meaning nakalipad na ang dalaga. Dinayal niya ang cell phone at ’di na nag-abalang silipin ang mga missed call. “Bakit hindi mo ako tinawagan para ipaalam na lilipad si Miss Samonte?” “Sir, ang dami ko nga hong tawag sa inyo pero hindi ka sumasagot.” Parang napahiya pa si Dark. Agad siyang nagpaalam sa kausap at sinilip ang call register. Nakita nga niya ang limang missed call ng agent nila. Tinawagan niya uli ang agent at may panibagong inutos dito. “Check all the flights and i-send mo sa akin ASAP!” ***** SA himpapawid ay tulog si Maggie. Sinadya niyang uminom ng sleeping pills para paggising ay nasa destination na siya. Nagdilat siya ng mata nang mag-announce na pa-landing na sila. Agad niyang inayos ang kanyang seatbelt saka sinilip ang sariling mukha sa maliit na mirror. Anuman ang pinagdaanan niya sa kamay ng isang Dark Montemyor ay pipilitin niyang ibaon iyon sa limot. Hindi siya babalik ng Pilipinas hanggang hindi siya nakakapag-move on. Masakit ang nangyari na ang unang anak niya ay namatay. Gusto niyang makabangon sa hindi magandang kinasadlakan. Back to old life si Maggie. Gagawin niya ang lahat para tuluyang mabura ang masakit na karanasan. Isusumpa niyang hindi ang isang Dark Montemayor ang tuluyang sisira sa buhay niya. Pasasaan ba at makalilimutan din niya ito. She’s planning to go back in school of martial arts. Kung noon ay hindi siya naging intresado sa gano’ng arts, ngayon ay gusto niya itong matutuhan. ***** MATULING lumipas ang panahon. Two years is enough, she totally moved on. “Hey, Mary. Are you going somewhere?” “Yes, Francis. Two years is so long, my hacienda needs me. I just want to say thanks for everything, darling.” “How about me? I mean, our relationship? Are you planning to breakup with me?” “I’m so sorry, darling, but I think our relationship didn’t grew.” “I love you, Mary. I want to be with you. Please don’t leave me. M-Marry me, sweetheart.” “Sorry, Francis, but I’m not the one for you.” Panay ang iling ng binata pero hindi na niya ito pinakinggan. Ilang beses naman niyang sinubukang mahalin ito pero walang nangyari. Siguro dahil na-trauma na siya sa mga lalaki. Noon palagi siyang iniiwan dahil sa isang bagay na ayaw niyang ipagkaloob sa mga naging boyfriend. Sinubukan niyang makipagrelasyon sa iba to forget her painful past. Naka-move on nga siya sa tulong ni Francis pero hindi naman niya matutuhang mahalin ang binata. Sa lahat ng naging boyfriend niya ay tanging si Francis lang ang pinagkalooban niya ng sarili but just once. Hindi niya kayang dayain ang sarili. Parang sumpa sa pagkatao ni Maggie ang binitiwang salita noon ni Dark na hindi niya ito makalilimutan. Totoong naka-move on na siya, pero ang mga halik, yakap at ang pag-angkin sa kanya ni Dark noon ay hindi niya makalimutan. The night na ipinagkaloob niya ang sarili kay Francis ay mukha ni Dark ang larawang nakikiya niya sa kadiliman. Alam din niya sa sarili na pangalan ni Dark ang naisigaw niya nang marating niya ang sukdulan. Nakita niyang natilihan si Francis at nasaktan, pero dahil mabait ito at siguradong mahal siya ay binalewala lang nito iyon. Sa gagawin niyang pagbalik sa Pilipinas ay gusto niyang mapatunayan na kaya na niyang harapin ang lahat. Gusto niyang patunayan na kahit sinira ni Dark ang buhay niya noon ay hindi na siya affected dito ngayon. Ipinangako niya sa sarili na wala nang lalaking puwedeng manakit sa kanya. ***** “BESTY!” Malakas ang sigaw ni Maggie bnang matanaw ang kaibigang si Polly habang nanghahaba ang leeg sa paghahanap sa kanya sa labas ng NAIA. Mahigpit silang nagyakap, miss na miss ang isa’t isa. “Lalo kang gumanda, ateng.” “Siyempre ako pa.” “O, saan kita ihahatid? Sa Montemayor Mansion ba?” “T*ngina ka, besty. Kakarating ko lang, bad words agad?” “Just kidding, ateng. How’s Russia? How’s Francis?” “Naawa nga ako sa kanya, eh. Sobrang bait kasi kaya ’yon, ngayon nasasaktan siya. He want to marry me but I refused. Sinubukan kong mahalin siya pero hindi nag-work.” “Papaano siya?” “We broke up already. Mas masasaktan lang siya kung patuloy siyang aasa. Hindi ko naman kayang mag-pretend na mahal ko siya. Pareho lang kaming magsa-suffer sa bandang huli. Sa hotel mo ako ihatid, besty. Kasi bukas maaga ang biyahe ko patungong hacienda.” “Agad-agad? Wala man lang lakwatsa? Hindi mo ba ako na-miss?” “Hindi naman sa gano’n, besty. Alam mo namang miss kita, eh!” “Stay in Manila for three days. Ubusin natin ang pagka-miss natin sa isa’t isa.” “S-Sige na nga, ikaw ang bahala. Pero I need to rest this night. Bukas mo na ako pahirapan at kunsumihin.” “Maldita ka talaga, hindi ka pa din nagbabago!” “Alam mo namang I hate this place.” “Sige magpahinga ka ngayon. Pero ang dalawang araw, uubusin nating dalawa iyon sa pagliliwaliw.” “Okay, deal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD