Chapter- 4

2011 Words
MAHIGPIT ang bilin ni Maggie na kahit sinong maghanap sa kanya ay wala siya sa hacienda. Ayaw na niyang magkita pa sila ni Dark, pinagsisisihan na niya ang nangyari. Dahil sa pag-inom ng alak ay nawala ang pinakaiingatan niyang dangal. Ilang araw na siyang may fever dahil na-infect ang mga gasgas niya sa matres. Ang sabi ng doktor na tumingin sa kanya ay sobrang napuwersa ang kaselanan niya at may bleeding din siya sa loob. Pinagbawalan siyang mag-penetrate the whole month. Dapat matuyo ang mga gasgas. Namamaga ang kayang matres dahil hindi pangkaraniwan ang size na pumasok sa kanya. Kahit hate niya ang mga medicine tablet ay wala siyang choice, kailangan niyang uminom ng mga antibiotic. Naka-off ang kanyang cell phone. Kukukitin lang siya ni Polly kaya mainam na hindi siya nito ma-contact. Tumunog ang intercom, inangat niya iyon at kinusap ang isang guard. “Ma’am, ilang araw na ho na may mga lalaking nakasakay ng kabayo ang natatanaw ko sa paligid ng hacienda.” “Basta wala kayong sasabihin if ever na may maghanap sa akin.” “Copy po, ma’am.” Ginawang libangam ni Maggie ang likurang bahagi ng malaking bahay. May target area at archery doon. ’Pag naiinip ay naroon siya para mag-practice. ***** A month later . . . “MA’AM, invitation ho from Hacienda Mondragon.” Binasa niya iyon at napataas ang kilay nang malamang isang engagement party pala iyon. Kahit ilang beses pa lang na nakausap Maggie ang binatang Mondragon, alam niyang bilyonaryo din ang family nito. Sa dalawang taon niya rito sa hacienda ay puro haciendera at haciendero ang kakilala niya. Nakilala rin ni Maggie ang isang apo ni Lander Montemayor na napagigitnaan ang lupain niya. Sa magkabilang side ay ang Montemayor at sa kabila ay ang Mondragon. Hindi niya masyadong alam ang history ng mga ito. Pero may ilan siyang naririnig na dating magkaibigan sina Andrei at Jade. Dahil sa anak nilang si Josh at si Matt na naging magkaribal sa iisang babae ay nasira ang magandang samahan nila. Tumayo siya at ipinatong ang invitation sa table at lumabas ng target area. Nasa kalagitnaan siya ng archery nang biglang sumigid ang sakit niya sa puson. Nanlalabo ang paningin ni Maggie na nagpumulit marating ang upuan. Sinikap niyang makasigaw dahil kakaiba na ang paniramdam niya, parang hinahalukay ang kanyang tiyan. “Ma’am!” Halos magkandarapa ang isang maid sa pagtakbo kasunod ang isang guard. Kitang-kita ng mga ito ang pamumutla at pagngiwi ng amo. “Carding, bilisan mo! Buhatin mo si Ma’am, madali ka at tatawagan ko si Doktora!” Nanginginig ang kamay na idinayal ng kasambahay ang hawak na cell phone. “Doc, nagbi-bleeding po si Ma’am Maggie.” Namimilipit sa sakit at luhaan na ang kanilang amo. Sa tingin niya ay buntis ang amo at baka makunan ito kung hindi maagapan. Panay punas ng maligamgam na bimpo ang may-edad na babae habang hinihintay ang doktor. “Ma’am, h’wag kang gumalaw. Baka po buntis ka at delikado sa bata.” Natigilan si Maggie. Saka lang niya na-realize na delay na nga siya nang dalawang linggo. Bumalatay ang takot sa mukha niya at nahaplos ang impis na tiyan. “Narito na si Doktora, ma’am,” announce ng guard sa kanila. Agad na insikaso ng doktor ang dalaga at napailing na lang ito. Isinara nito ang pinto at tanging silang tatlo lang ng kasambahay ang nasa loob. Inangat nito ang comforter at tumabad ang maraming dugo sa kama. “I’m sorry, Miss Samonte, but the baby is gone. I think dahil sa mga antibiotic na nainom mo kaya siya nalaglag.” Natulala si Maggie sa narinig, biglang nag-unahang pumatak ang luha niya. “Kailangang malinisan ka, hija. Delikadong ma-infect ka uli.” Tanging tango lang ang isinagot niya at hinawakan ang sariling tiyan. Napaiyak uli siya. Sana pala may tatawag na sa kanya ng mommy kung hindi iyon nawala. Bumangon ang galit sa dibdib ni Maggie para kay Dark. Dahil sa lalaking iyon ay nasa ganito siyang sitwasyon. Ang kawawa niyang anak ay nawala, ni hindi man lang niya nakita at nayakap. May mga ipinasok na instrument sa kaselanan niya ang doktor para malinisan daw siya. Halos umabot ng dalawang oras bago siya nilagyan ng dextrose at unti-unting nakatulog. “Mamaya na siya magigisng after six hours dahil sa itinurok ko sa kanya. Bawal ang mga hard food, ipainom sa tamang oras ang mga gamot for one week. Babalik ako after para i-check siya. But if anything happens, tawagan mo agad ako.” “Maraming salamat po, Doc.” Naaawang nilingon ng may-edad na kasambahay si Maggie, ang napakabait nilang amo. ***** SA Manila ay laman ng bar si Dark, nagbabakasakaling makita roon ang babaeng gumugulo sa isipan. Isang buwan at kalahati na mula nang mangyari sa kanila iyon. Mula noon ay hindi na sila nagkita kahit ilang beses na nagpabalik-balik siya sa hacieda. Palaging sinasabi ng guard at mga kasambahay na matagal nang wala doon ang amo at hindi alam kung nasaan. “Pare, mukhang naglaho na ’yong babaeng hinahanap mo.” “Siguro nga. Baka busy na iyon sa pagkaamasona niya.” Mapaklang tumawa siya sa kaibigan. “Si Joy pala kagabi, naririto hinahanap ka. May atraso ka daw sa kanya.” “Ang babaeng ’yon, ilang beses nang inaalok ako na maging kami na daw.” “Baki,t maganda naman siya at mukhang okay at bagay naman kayo, ah? Kalimutan mo na ’yang amasona mo. Ang daming nagkakandarapa sa ’yo, pare, sinasayang mo lang ang oras mo sa wala.” “Hindi ko type ang babaeng ’yon, pare. Pang-one night lang si Joy. Hindi siya ang babaeng bibigyan ko ng pangalan ko.” “At sino naman, pare? Si Amasona ba?” “Assh*le! H’wag mong gawing katatawanan ang amasonang ’yon, baka barilin ka n’on.” “Sus! Babae lang ’yan, pare. Dalhin mo uli sa kama, siguradong babait na iyon.” “Halika na nga, umalis na tayo dito. Nabo-bored ako.” “’Yon oh, pare. Look, nakatingin dito.” Umikot ang mga mata ni Dark at isang magandang babae ang nakatitig sa kanya. “Wala ako sa mood, pare. Ikaw na lang, mauna na ako. Late na din at maaga pa ako bukas. Wala si Kuya Josh kaya ako ang in charge ngayon sa opisina.” “Sige, pare, ingat ka.” Nagulat si Dark nang may dalawang braso na pumulupot sa likuran niya. “Hi, Honey! Wanna join us?” Dahan-dahang inalis ni Dark ang mga braso nito sa katawan niya at hinarap ito. “Sorry, sweety, not now. But don’t worry, my friend is here. He will join you, guys.” “F*ck! Dinamay pa ako!” Ngingiti-ngiti si Dark habang palayo sa kaibigan. Minsan ayaw na niyang makipag-s*x sa mga babaeng halos pare-pareho lang naman. Nakapapagod na lalo pa at may mga babaeng demanding na gustong masolo siya. Mula nang mamatay si Rhea at ang kanilang unborn baby ay takot na siyang magseryoso uli sa babae. Dalawang babae pa lang ang minahal niya nang sobra at iyon ay ang kanyang hipag na si Cassy. Pero dahil kapatid niya si Delta ay nagpaubaya siya rito, then dumating si Rhea. Papasok na siya ng bahay nang may inabot ang ama niya sa kanya na invitation. Galing Hacienda Mondragon iyon, isang engagement party. Pero hindi siya interesado dahil naging katunggali ng Kuya Josh niya si Matt. Mula noon, pati ang daddy nila ay tumigil na sa pakikipagkaibigan sa mga ito. “Dad, hindi ako pupunta. Ibigay mo na lang sa iba. Busy ako dahil sa parating na shipment.” “Ikaw ang bahala, anak. Sige, magpahinga ka na.” “Good night, Dad.” ***** “MA’AM, hindi ka ba talaga pupunta sa party?” “Hindi din ako mag-e-enjoy doon. I’m taking medicines kaya bawal ang alak. Ano’ng gagawin ko doon? Mabo-bored lang ako.” Mula nang malaglag ang anak ay parang nawalan siya ng gana. Mas gusto niyang nasa loob lang ng bahay. “I’m planning to go this week, baka matagalan akong wala.” “Mag-iingat ka sa pupuntahan mo, ma’am. Sana sa pagbalik mo ay okay ka na.” Pumasok siya sa library at inayos niya ang mga dapat ayusin bago siya umalis. Kinausap ni Maggie ang may-edad na tagapamahala ng hacienda para magbilin dito. ***** “OH my God! Ateng, mabuti naman at naalala mo akong tawagan? Halos tatlong buwan na nang huli tayong nagkita.” “Magkita tayo, Polly, before my flight.” “Bakit, saan ka naman pupunta?” “Saka na tayo magkuwentuhan. Ang daming nangyari sa buhay ko sa loob ng halos tatlong buwan.” “Sige, I’ll wait for you basta tawagan mo lang ako.” “Thanks, Polly.” “Welcome.” Habang umiinom ng wine ay hindi maiwasan ni Maggie na maalala ang nangyari sa kanya at sa anak. Nakaupo siya sa sa veranda, hindi siya dinadalaw ng antok. Bukas ay luluwas na siya ng Manila. After two days ay lilipad naman siya patungong Russia at doon muna siya hanggang maka-move on siya sa nangyari. ***** SA Montemayor Mansion ay may ginaganap na birthday party ng isang anak ni Delta. Lahat halos ng buong relatives nila ay naroroon. Parang reunion na tuloy iyon dahil halos kompleto sila. Nasa kabilang side ang mga kalalakihan at sa kabilang side naman ang mga kababaihan. Ang mga anak nila ay may kanya-kanya ring table pati na ang kanilang mga apo. Masayang naglalaro ang mga bata ng bola habang si Dark ay nakamasid lang. Naiisip na naman niya ang anak nila ni Rhea. Siguro ay malaki na rin iyon at kalaro na sana ng mga ito. Tinawag ng mga tiyahin nito si Dark, kaya dala ang baso ng whisky ay nilapitan niya isa-isa ang mga iyon. “Dark, wala ka bang planong mag-asawa?” “Wala pa, Auntie Trisha. Hindi ko pa nakikita ’yong para sa akin.” “Naku, Dark, hindi ka na bumabata. Look at them, dapat may ganyan ka din.” “Kaya nga po, Auntie Nadine. Baka nga tatanda na lang akong mag-isa.” “Ikaw lang ang masyadong mapili. Akala ko nga girlfriend mo ’yong tagakabilang hacienda.” “Sino naman ’yon, Cath? Eh, wala namang dalagang anak ang mga Mondragon?” “Mayro’n, ah. Nasa England. Pero hindi naman ’yon ang sinasabi ko. ’Yong taga-Villa Samonte, ang nag-iisang may-ari ng hacieda.” Kinabahan si Dark sa itinatakbo ng usapan pero nakinig na lang siya. Nakakahiya kung bigla siyang aalis. “Um-attend kami ng engagement party ng anak ni Kuya Andrei at nagkita kami ng classmate kong si Dra. Clemente. Nabanggit niya na naging pasyente niya si Miss Samonte almost three months ago. Then nitong huli, nalaglagan daw ng baby dahil sa mga ininom na antibiotic. May asawa na pala, akala ko nga dalaga pa.” Bigla ang realisasyon, malakas ang naging kaba sa dibdib ni Dark sa narinig. “Eh, bakit naman uminom ng antibiotic kung alam na buntis?” “Baka pinalaglag? Kawawa naman ang bata.” “Hindi naman daw sinadya, dahil noong bago nabuntis ay pasyente nga niya iyon. Nagkaro’n ng bleeding sa loob, napuwersa yata noong unang gabi nilang mag-asawa. Ilang weeks na nilagnat kaya binigyan niya ng injection at antibiotic. Iyon ang cause ng pagkalaglag ng bata.” “Ay gano’n ba? Kawawa naman pala.” Wala sa sariling humakbang si Dark palayo. Imposibleng may ibang lalaki ang amasonang iyon. Siya ang unang lalaki sa buhay ng dalaga. Possible na anak niya ang ipinabuntis nito. Hindi siya mapalagay, kakaiba ang kanyang nararamdaman. Sa kaalaman na nakunan si Maggie ay sigurado siya na kanyang anak iyon. Nanghihinang napaupo si Dark sa isang bangko sa ’di-kalayuan. Kailangan niyang malaman ang totoo. Tumayo siya at tinawagan ang pinakamagaling nilang agent. Matapos maibigay ang buong information ng babae ay ibinaba na niya ang tawag. Hindi mapalagay si Dark. Naghahalo ang kaba, inis at emosyon niya. Malakas ang pakiramdam niyang anak niya ang sinasabing ’yon ng kanyang Auntie Cathy. Kailangan niyang malaman ang buong detalye. Ngunit kaya ba niyang hunarap sa dalaga sakaling kanya ngang anak iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD